Ang tanging pangarap lang naman ni Dalha Mae ay makapagtapos ng pag-aaral para tuluyan na siyang makaalis sa poder ng mapang-alispusta niyang tiyahin. Malapit na sana niyang makamit ang pangarap kung hindi lamang nagkaroon sa kaniya ng pagtingin ang isang college student na si Elliot Sarmiento. Malaki ang pagkakagusto nito sa kaniya. Mayaman ito at maaari itong makatulong para mas madali niyang maabot ang kaniyang pangarap. Ngunit isang tao ang tila humahadlang sa paglalapit nila ng binata. Cace Sarmiento; ang English Teacher ni Dalha. Nakatatandang kapatid ito ni Elliot. Wala naman siyang pakialam sa magkapatid, pero sa ilang beses na pagkukrus ng landas nilang tatlo, dalawang bagay ang nagpapagulo sa kaniyang isipan. Humahadlang ba si Cace dahil ayaw nito sa kaniya para kay Elliot? O humahadlang ito dahil may pagtingin ito sa kaniya? Naguguluhan siya. Pero isa lang ang paniniwalaan ni Dalha. Iyon ay ang malalim at mapusok na halik ni Cace na alam niyang may ipinababatid na kakaiba.