They are childhood bestfriends and they known each other for years. Simula noong elementary hanggang higschool laging magkaklase sina Andie Loucinda Madrigal at Zaire Theron Alonzo. Si Andie lang ang kaisa-isang kaibigang babae ni Zaire, dahil maliban sa dalaga pag may ibang kasamang babae si Zaire ang ibig sabihin no'n ay isa ito sa fling ng binata. Kilalang playboy o cassanova si Zaire at matinik ito sa mga babae. Si Andie naman ay kilalang tahimik at boyish kung manamit kaya minsan pinagkakamalan na itong tomboy dahil wala pa rin itong nagiging boyfriend. Simula nang tumungtong sila sa kolehiyo ay hindi na magkaklase ang dalawa dahil magkaiba ng kurso ang kinuha nila. Si Andie ay Business Ad at si Zaire naman ay Bachelor of Aviation dahil gusto nitong maging piloto. Paano kung isang araw makita ni Zaire ang totoong kagandahan ni Andie at ang sexy side nito? Magkaroon kaya ng pagtingin ang binata sa kaibigan na dalaga? Lalo na't may umaaligid na ritong lalaki?