Chapter 20

25 2 0
                                    

Jazzmia's Pov

(◡ ω ◡)

"Bilisan mo na nga dyan!" Mahinang anas ni Aryana sa labas ng pinto ng cr.

"W-Wait lang po." Nakangisi kong sabi tsaka ako tumayo ng maayos at pinagbuksan sya ng pinto. Paglabas ko ay mabilis syang pumasok kaya bigla akong lumabas para isara ang pinto.

"Ang tagal mo! Pinawisan tuloy ako!" Anas pa niya. Sumandal ako sa pinto at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

I'm so pangeytt... Hihihi.

(◡ ω ◡)

"Ayys akin na yung pad!" Bulong niya kaya nag taka pa ako.

"Ha? Akala ko ba naiihi ka o n-natatae?" Tanong ko sakanya.

"Gaga niregla ako kaya bilisan mo na't ibigay mo na sa sakin!" Naiirita niyang bulong kaya napabungisngis pa ako. "Nandyan din yan sa bag ko." Bulong niya kaya kinuha ko naman sa bag niya at binigay sakanya. Pinasok ko pa ang kamay ko sa baba ng pinto para makuha niya, atsaka ako tumayo at sumandal ulit sa pinto. Nag taka pa ako kung bakit sa dinami dami ng cr dito ay nag antay pa sya sakin na lumabas ng cr na'to.

(× _ × ||)

Mayamaya pa ay lumabas na sya ng cr kaya binigay ko agad ang bag niya sakanya pero hindi niya naman agad yon kinuha at agad syang humarap sa salamin at nag hugas ng kamay.

(× _ ×)

"O-Okay ka lang?" Pangangamusta ko sakanya.

"Okay ba ako nyan ngayon sa paningin mo?" Tanong niya na tinuro pa ang sarili nyang mukha.

"Hm? Bakit ka palaging g-galit ngayong araw?" Nagtataka kong tanong.

"Haysss ewan ko sayo, mas ginagalit mo pa ako ng todo." Nakakunot noo nyang anas tsaka humarap ulit sa salamin at nag ayos, at sinuot ko nalang ang bag ko.

( ˘ ^ ˘ )

Plak*

( ° ^ ° )

"Now look who's here?" Si Scarlet ang lumabas ng cr at lumabas narin ang mga kaibigan niya.

A-Ahh may tao naman pala...

(× _ ×)

"Kami lang naman 'to, kami lang." Mataray na sagot ni Aryana sakanila.

"Well... Menstruation lang pala ang dahilan kung bakit laging naka kunot ang noo at kung bakit nakataas ang kilay mo na abot hanggang langit." Sarkastikang sabi ni Scarlett atsaka nag hugas ng kamay.

"Ano bang pakialam mo sa akin?" Tanong sakanya ni Aryana na humarap sa kanila. "Bakit pinakialaman ko ba kayo? Tsaka never pang tumaas ang kilay ko na abot hanggang langit ano, baka yang laki ng bunganga mo ay abot hanggang tenga mo psh!" Singhal niya na inirapan pa si Scarlett.

"Pinakialaman mo kami ni Blaster, at inagaw mo sya sa akin." Nakakunot noong sabi ni Scarlett kaya hindi naman nakapaniwalang tumingin si Aryana sakanya.

"Baliw kana ba?" Hindi makapaniwalang mahinang boses na tanong ni Aryana sakanya at nagtataka pa.

"Baka ikaw ang baliw dahil ang hindi sayo ay inaangkin mo." Sa mata palang ni Scarlett ay halatang galit na galit na sya.

"My gosh... for goodness sake, hindi ako makapaniwala na sa tagal na ng relasyon namin ni Blaster ay nagkakaganito ka parin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Aryana.

Eyes MET | On-goingWhere stories live. Discover now