Nang malapit na kami ay may nakita akong tumatakbo ng mabilis, threat mark ang kilala ko at ang mga bugok na Vixthrone, at parang tumatakas na sila kaya naman bigla akong kinabahan para kay Aldritch binilisan ko agad ang pagmamaneho at nilampasan ko sina Ter at Reed.
Kapag may mangyari talagang hindi maganda kay Aldritch baka makakapatay na ako, kahit sino na basta wag lang ang mga pamilya at kaibigan ko.
Hanggang sa makarating na kami sa old budega na madalas doon nag rarumble yung mga gang kasama narin ang mga threat mark. Bumaba agad kami at dumeretso ako kay Blaster at ganon din si Reed.
"Nakita nyo ba ang mga threat mark? Hindi maganda ang kutob ko, nakipag collab sa Vixthrone mga gago." Nakakunot noo kong bungad.
"I saw that too." Sabi sakin ni Reed at agad ding bumaling kay Blaster. " Ter what do you think about that?" Tanong niya dito.
"I don't freaking care even if satan is with their side." Kalmado ngunit nakakunot noong sabi ni Ter habang nakatingin sa front ng budega.
"Let's go." Ani Reed at tumakbo na kami papasok.
Nagtaka kami ng nakita namin si Aldritch na nakatayo at maayos naman ang lagay pero mas nagtaka kami kung bakit kasama niya si Jaz.
"What is she doing here?" Tanong ni Zeckyreed at wala kami ni Ter ang sumagot dahil alam na namin.
Paniguradong may ginawa na naman 'tong white lady na'to. Pfftt HAHAHHAAHHA!
*End of Flashback*
Hayysssshhhhh... Hindi ako makapaniwalang nag disguise ang mga Vixthrone na threat mark, psh! Mga walang magawa sa buhay. Pero kahit hindi yon sinabi sa amin ni Aldritch ay malalaman at malalaman parin namin yon, kahit nung simula pa ay alam ko ng hinding hindi nakikipag collab ang ang threat mark nayan sa ano mang gang o organization, wala ngang nakakakilala sakanila maski isa, sila na yata ang pinakamahusay magtago.
"Nasan na kaya ang baby ko?" Tanong ko sa hangin habang nakatingin sa pinto ng building.
Mayamaya pa ay bigla syang lumabas at nagtaka ako ng may kasama syang lalaki. Ngayon ko lang 'to nakita ah?Psh hahahha! Katrabaho nya lang yan, kaya wala akong dapat ikabahala.
Nagtatawanan silang dalawa habang naglalakad at huminto saka nag kwentuhan pa. Masayang masaya ang lalake habang kakwentuhan ang baby girl ko at siya naman ay ngiti ngiti lang ang itutugon.
Iba ang kutob ko dito. Hindi kasi parang hindi na komportable ang baby girl ko sa lalaki.
Nagpasya na akong lumabas ng kotse ko at nakita naman kaagad ako ni baby girl kaya ngumiti sya at sinabihan muna nya ang lalake bago sya pumunta dito, pero sumunod ang lalake sakanya. Kaya naman lumakad ako at sinundo si Yumo.
"I can take you for a ride, ihahatid na kita." Sabi ng lalake kaya natigilan si baby girl at humarap ito sakanya.
"No thanks, nandito na yung sundo ko bye." Nakangiting sabi ni Yumo sa lalake at tumingin sa akin ang lalake kaya tiningnan ko naman sya.
"Student." Ang tawag nito sakin.
"Jeptah nalang." Nakangiti ko namang tugon at ngumiti din sya ng malaki.
"By the way Julz he's my—"
"Kapatid nya ako."
Inunahan ko na si Yumo at napatingin agad sya sakin pero nakatingin parin ako sa lalake ng nakangiti."Oh, nice to meet you, Jeptah." Mas lumiwanag ang mukha nito at inabot ang kamay sakin. "I'm Julzette Evangelista but you can call me Julz." Pagpapakilala niya sakin at kinamayan ko naman sya. "Nice car." Sabi niya ng napansin niya ang sports car ko.
YOU ARE READING
Eyes MET | On-going
Dla nastolatkówEverything has connection. When they collide, the rain will fall. They found each other accidentally and unexpectedly. They used to be so sad and lonely. Her life was supposed to be in danger all the time, but he became her knight in shining armor e...