"Wala naman akong ginagawa sa bahay kaya ayos lang, at wag kang mag sorry. Wala kang kasalanan." Seryoso kong sabi at inayos ko ang tono ng pananalita ko para mabago niya na ang pakikipag usap niya sa kin.
"Ohh thank you Aldritch." Matamis na ngiti ang ginanti niya sa kin bago niya binaling sa bagong usapan. "Uhmm.. remember when I was on the Grade 12 HUMSS - Gold?" Nagtaka naman ako sa bigla niyang naitanong sakin. "I mean yung last time sa school, yung nagpaiwan kami ni Devi sa HUMSS department?"
Oo naalala ko nga.
(- _ -)
"Uhmm... Oo naalala ko. HUMSS ang strand nyo ni Devi." Sabi ko.
"Uhmm... Actually hindi kami HUMSS - Gold Aldritch, Diamond ang name ng section namin. Hehe." Mas lalo naman akong nag taka sa mga sinabi niya.
"Ahh... Bakit sabi nyo HUMSS Gold kayo?" Tanong ko, pero napansin ko naman bigla na hindi sya agad naka sagot.
(- _ -)
Teka bakit namin 'to pinag uusapan ngayon?
"May mga friends kasi kami doon, madalas kaming pumupunta doon kaya feeling namin ni Devi ay kabilang narin kami sa section nila." Natawa pa sya pagkatapos at tumingin sa kin muli. "We just found out that their section was kinda like funny and more enjoyable compared to our Respect section. But I'm not saying that our section is boring is just that some of our friends are in the other room-yeah, the Gold section." At ngumiti na naman sya ulit.
(- _ - #)
"Hindi mo naman kailangang sabihin yon sakin." Seryoso kong tugon. "It's not a big deal." Dagdag ko pa.
"But it is a big deal for me Aldritch..." Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Hmm... You know, kasi hindi ko agad nasabi sayo. And since we're friends, you have the right to know the truth and to tell you all about myself." Nakangiti nya pang dagdag. Hindi ako nakasagot pa, pero tiningnan ko lang sya ng walang ekspresyon parin ang mukha ko.
(- _ -)
Ang totoo ay nawala yon sa isip ko, dahil hindi ako interesado. Pero ngayon na alam ko na, parang hindi naman malakas ang impact sakin non. At least ngayon ay nagsabi na sya ng totoo.
"Okay... Basta wag kang magsorry." Sabi ko nalang kaya nakita ko na mas lalo lang syang ngumiti.
(- _ - #)
"Aldritch!" Narinig ko ang pagtawag ni Jeptah sa akin kaya agad akong napatingin. "Halika na dito! Samahan mo kami!" Pasigaw nyang pag aya.
(- _ -)
"I should go to the dressing room first, I have to change my clothes, please wait for me okay?" Nakasuot parin pala sya ng damit na pambabaeng maikli at nakadikit talaga ang balat niya sa suot nyang kulay itim at may mga suot syang pearls.
"We'll wait for you." Walang ekspresyon kong sabi, sinamahan na sya ni Devi at dumeretso na agad ako kina Jeptah.
(- _ -)
Nakita kong panay ang pagpapapicture nila at Polaroid na ang gamit nila. Tawag ng tawag sakin si Reed, Aryana at Jeptah pero tango lang ang iginaganti ko sakanila. Pero bigla akong napatingin kay Sadako. At nanlaki ang mata ko sa gulat nang nahuli ko syang may kinuhang candy at chocolate sa loob ng isang garapon. Unti unti niyang binulsa at nag aasta sya ba parang wala syang pakialam. Hindi mo sya matatawag na magnanakaw dahil sa normal nya paring galaw.
(• _ •)
Pero ang masasabi ko lang ay... Mag nanakaw pala si Sadako!!
(• _ ·)
Hindi ako nagdalawang isip na puntahan agad sya para pigilan sya sa mali nyang gawain. Agad kong pinigilan ang kamay niya ng mahigpit, kaya naman napansin ko kaagad na gulat na gulat syang napatingin sa akin. Nanlaki ang mata niya sa gulat nung nakita niya ako.
YOU ARE READING
Eyes MET | On-going
Fiksi RemajaEverything has connection. When they collide, the rain will fall. They found each other accidentally and unexpectedly. They used to be so sad and lonely. Her life was supposed to be in danger all the time, but he became her knight in shining armor e...