Chapter 30

15 2 0
                                    

|Author's note!|
Bocchan - It's often used by maids and butlers to refer to a boy whom they serve, so it's often translated as "young master," but it can be used toward a "rich boy".

Ojou-chan/-sama/-san (more formal honorifics) - a formal Japanese word for literally "young lady", is typically used when referring to wealthy, high-class female characters. |

Aldritch's Pov

Lumabas ako ng mansion para maglakad lakad lang, nakakapagod din kase na nasa loob ka lang ng bahay. Bahala na kung saan saan na ako mapadpad, may baon naman ako, may dala ako isang apple para kainin habang gumagala. May nakita naman akong malaking poster sa di kalayuan, sa waiting shed mismo at sa unang impression ko pa lang ay pagkain ang nasa poster kaya tumakbo ako para puntahan ang waiting shed at basahin narin ang nakadikit na poster.

'Bianca Zhuang Chinese Haochi (好吃)Takeaways'
- NO to DINE IN! Available only in the village! 8:00 to 5:00
(美味的食物)Měiwèi de shíwù menu;
Kung Pao Chicken, Mapo tofu, Spring roll, Wonton noodles, Jiaozi, Dim sum, Chow mein, Baozi, Lo mien, Chao fan, Peking duck, Roast Duck with rice, Wontons, Dumplings, Honey Sesame Chicken, Gong Bao Chicken, Congee, Sichuan Boiled Fish, Hong Shao Shi Zi Tou, Chinese Egg Rolls, Chinese Hamburger, Stinky Tofu, Yangzhou Fried Rice, Classic Shrimp Fried Rice, Classic Beef Fried Rice, Classic Chicken Fried Rice, Vegetable Fried Rice-

"Bilhin ko na kaya to lahat?" Tanong ko sa sarili ko, at binasa ko pa ang nasa dulo. Bianca Zhuang and Bradley Stanford with offspring Residence...

"Sa poste... numero otso." Hinanap ko kung nasaan yon, ewan ko kung bakit yon nag udyok sakin para hanapin ang posteng may numero otso. Tinapos ko ng kagatin at kainin ang apple red ko.

(- _ -)

Mayamaya pa ay nakita ko na ang posteng hinahanap ko, at nakita ko narin ang mansion nila Blaster.

Kung ganon, sina Blaster pala ang may ari non. Tch. Hindi ko kaagad naisip.

(- _ -)

Paano naman kaya ako makaka takeout nito? Hinablot ko ang cellphone ko at nag akamang tawagan si Blaster, pero naligaw naman kaagad ang mga mata ko at di sinasadyang napatingin ako sa may paparating na tatlong taong naka black suit at black shades. Mukhang mga bodyguards nga sila, may maliit na bagay pa sila sa tenga isa isa at sa tingin ko access nila yon sa mga kasamahan nila at sa boss nila.

(- _ -)

Nang pumasok na sana sila ay saktong bumukas ang gate, at may lumabas na babae, dala ang bike-si Sadako. Makikilala ko talaga sya dahil sa dark hair nyang mahaba, bangs na naka hime cut, saksakan ng puti, matangkad at hindi gaanong payat. Nagtago naman kaagad ako sa poste at inayos ko ang cap ko para hindi kaagad nila ako makita o makikila.

(- _ -)

Saan naman kaya pupunta si Sadako? Tch.

Nag usap muna sila at sa tingin ko ayaw sila ni Sadako at sa tingin ko rin hindi niya nagustohan at seryosong seryoso ang mga tatlong kataong yon, sa palagay ko ay sasamahan nila si Sadako para bantayan ito. Aalis na sana siya pero sinundan parin sya ng tatlong lalaking nakasuit, ewan ko kung bakit pa ako napangisi nung nanlaki ang mata ni Sadako sa pagmamadali at pagkataranta niya, at nag akmang pigilan at harangan ng isa pang lalake si Sadako kaya nagulat si Sadako ayaw paawat, pero nagulat ako nung bigla niyang sinuntok sa mata ang lalake na nasa gitna. Kitang kita ko ang pagkabasag ng kabilang eye glass ng lalake at mukang malakas nga ang pagkasuntok ni Sadako.

(• _ ·#)

Hindi ako makapaniwalang ginawa yon ni Sadako, muntik din mahandusay ang lalake buti nalang nandoon ang dalawa pa nitong kasama para tulungan sya. Tinalikuran sila ni Sadako na parang walang nangyari, sumakay si Sadako sa bike niyang kulay crimson red, at nilayasan na ang tatlong lalake. At nakita kong pumasok sya sa gate ng mansion nina Blaster kaya mas lalo kong tinago ang sarili ko para hindi niya ako makita.

Eyes MET | On-goingWhere stories live. Discover now