Nagulat at napatigil si Reed sa salitang binitiwan ni Sadako. Kahit simpleng linya lang 'yon ay halatang seryoso, at isang pangungulit nalang ni Reed sakanya ay maiinis na talaga sya. Hindi na nakapagsalita si Reed sa huling sinabi ni Sadako.
Pinasadahan ko silang dalawa ng tingin. hindi sila gaanong kalapit sa isa't isa, sincere ang mata ni Reed na nakatitig sa mata ni Sadako at si Sadako naman ay nakakunot noo lang.
"I'm just telling the truth Jazzmiamavees, so please just listen to me." Hindi ako nag aakalang pag dating sa ganito ay umiiba ang ugali ni Reed, at napaka seryoso nya.
Bakit ba kasi itong si Sadako? Bakit kaya hindi niya nagugustuhan si Reed? Eh sya yung tipong hinahabol ng mga kababaihan? Aish. Pero may pagka cute naman si Sadako tulad nung nakita ko sya kanina lang sa library. Aisht! Ano na naman ba itong naiisip ko?! Tch!
"Tigilan mo na ako Zekhyreed, ayokong masaktan k-kapa ng dahil sa akin." Sumiryoso narin si Sadako sakanya na iniiwas ang tingin.
"Don't worry, titiisin ko ang sakit." Napangiti si Reed sa nasabi niya at biglang napatingin sakanya si Sadako na nanlalaki ang mata.
"Please s-stop." Tanging pakiusap sakanya ni Sadako at nag iwas ulit ng tingin.
Katahimikan ang namuo sa pagitan nilang dalawa. Ngunit agad na inatras ni Sadako ang isa nyang paa na nag aakmang aalis na pero biglang nag salita si Reed at napahinto naman kaagad sya.
"Okay fine, I'm sorry. Pero wag mo akong tatalikuran na naiinis nang dahil lang din sa akin. I don't want you to be like this in front of me." Pagpipigil ni Reed sakanya at tumingin naman sakanya si Sadako.
"Ano na naman?" Parang batang naiinis na tanong ni Sadako kaya napahalakhak nalang si Reed at lumapit sakanya saka umakbay at biglang napayakap si Sadako sa kanyang sarili at yumuko tsaka nagsimula na silang maglakad papalabas ng maze gargen.
Tch! Parang kahit ano nalang ang iniimagine nya na baka may gagawin sakanyang masama ang sino mang makalapit sakanya. Abnormal na Sadako. Aisht! -__-
"Wag ka ngang ganyan, ang cute mo tuloy tingnan." Natatawang sabi pa ni Reed sakanya at kumawala na sa pagkakaakbay tsaka humarap na kay Sadako na umaatras habang naglalakad. "Sige ka, baka hindi na kita ililibre ng chuckie." Tumalikod na si Reed at nauna nang naglakad matapos nyang magsalita pero alam kong natatawa sya. Bigla namang napatingin sakanya si Sadako.. Eh?
"U-Uhmm... Sigi na.. i-ishh..." Parang nahihiya pang usal ni Sadako na namumula kaya napalingon si Reed na natatawa.
"Ang cute mo talaga HAHAHAHA." Tawang tawa si Reed at huminto para hintayin si Sadako na nag lalakad papalapit na sakanya tsaka sila tuluyan nang umalis.
-__-
Umalis narin ako ng garden at nagpasya nang pumunta at pumasok sa room dahil sa nakita ko, nawalan ako ng gana. Ewan ko ba kung bakit pero hindi naman yun sapat na dahilan kung bakit bigla nalang akong titigil sa pagtutuklas ng pagkatao ni Sadako dahil ewan korin kung bakit sa tuwing nakikita ko sya ay gusto syang tingnan ng mata ko, gusto syang kausapin ng bibig ko at gusto syang lapitan ng katawan ko. Aisht... Ano ba ang nangyayari sakin? Siguro ay ang curiousity ko lang ito sakanya.
Habang naglalakad ako, bigla namang umugong sa aking pandinig ang mga babae at baklang estudyanteng nagbubulungan sa mga nakaupo na bench.
"Besh tingnan mo! sina Zekhyreed at Jazzmia, naglalakad ng magkasama. OMG!"
YOU ARE READING
Eyes MET | On-going
Ficção AdolescenteEverything has connection. When they collide, the rain will fall. They found each other accidentally and unexpectedly. They used to be so sad and lonely. Her life was supposed to be in danger all the time, but he became her knight in shining armor e...