Chapter 15

33 2 0
                                    





(O ω O)

"Jazzmia!" Agad naman akong napatingin sa may tumawag sakin, si Aryana at papalapit na sya na may dala dalang test papers, nilipat ko naman ulit ang paningin ko kay Ryuk na hanggang ngayon ay...

Nakatitig parin sya sakin!

(O ω O)

"O, test paper mo." Nakangiting bungad niya na binigay sakin ang quiz ko. Unti unti naring bumabalik sa normal ang panlalaki ng mata ko.

E-Eh kasi naman itong s-si Ryuk... I-Ishhh...

"Hmm... Thank you." Sabi ko kay Aryana tsaka tiningnan ang resulta ng quiz ko.

50/50

(◡ ω ◡)

"Hayhhh buti kapa naperfect mo, eh ako 20/50 lang ang score ko." Malungkot nang sabi ni Aryana kaya bahagya pa akong napatingin sakanya, at nakasimangot na sya.

"Ha? Uhm, marami pa namang q-quiz kaya better luck next t-time hihi. K-Kaya mo'yan!" Nginitian ko sya ng matamis na pinapalakas ang kanyang loob.

"Aldritch! 47 ka!" Biglang bungad ni Jeptah at binigay ang isang dala nyang quiz na kay Ryuk tsaka umupo sa kanyang upuan na nakangisi. "17 ang score ko hehe." Bumaling narin si Ryuk sakanya, habang si Aryana naman ay ngiti ngiting umupo ng maayos sa kanyang upuan.

(° ^ °)

Buti pa sila, kahit f-fail ay masayang masaya parin... Nagagawa parin nilang ngumiti at t-tumawa.

*ring ring ring*

"Good Afternoo-what's happening here?" Napatingin naman kaagad ako sa may ari ng boses na'yon at nakita kong kakapasok lang ng teacher.

"Good Afternoon Ms. San Jose." Sabay sabay na bulalas ng mga estudyante tsaka nagsi upuan lahat sa kanilang kanya kanyang proper seat.

Nag simula na si Ms. San Jose sa pag papasa sa amin ng mga quizes at syempre, perfect parin ang score ko hihi. Hindi naman sa pagmamayabang pero ibang iba parin ang nag aral ka ng mabuti sa bahay, talagang makakasagot ka talaga.

(◡ ω ◡)

Lumipas ang ilang oras ay bising busy parin ang mga kaklase ko sa kanilang mga quizes, para ngang exam eh. Si Aryana at Jeptah naman ay panay parin ang kanilang ingay at tinitingnan ang resulta ng kanilang mga quizes, may quiz na nabigo sila at may quiz din na nagtagumpay sila sa pangongopya. Noong junior high palang kame ay ganyan na talaga sila, hindi lang sila dahil pati rin ang mga kaklase ko hanggang ngayon, silang dalawa ang hari at reyna pagdating sa pangongopya at walang nakakaalam na teacher na madalas nila itong ginagawa sa tuwing may quiz at exam, o kaya naman mga activites, ganon sila ka tinik. Pero wala silang takas kay Sir Mauii dahil sya lang ang tanging nakakaalam sa pangongodigo nila at buti nalang ay hindi sumbungero 'tong si Sir. At may mga pagkakataon din na kapag may bagong transfered student o bagong kaklase namin ay tinuturuan nila itong mangodigo at ng dahil sa kanila ay nasasanay nang mangopya.

Nakalipas ang ilang oras ay uwian na kaya nagsilabasan na lahat ang mga estudyante sa room, syempre uwian na't masaya na naman sila at nag move on na sa quiz. Sabay rin kaming apat na naglakad paalis ng room.

(° _ °)

"Hayssshhhtt!! May set pala at hindi ko napansin! Tsh!" Naiinis na singhal ni Jeptah habang naglalakad kami sa corridor.

"Ayan kasi padalos dalos ka!" Sabi naman ni Aryana na katabi niya, ngayon naman ay hindi ko nga namalayang magtabi kami ni Ryuk sa paglalakad.

(× . ×)

Eyes MET | On-goingWhere stories live. Discover now