Chapter 5

25 2 0
                                    


Nagising ako nang may narinig akong sabay sabay na katok sa aking pintuan. Himikab ako at nakiramdam bago tumingin sa relo. 6:00 na?

"Khaleed anak? Gumising kana baka malate kapa sa school..." Narinig ko ang boses ni Mommy.

Bumangon ako at pinagbukasan sya ng pinto habang humahawak ako sa mukha ko at inalis ang kailangang alisin don. -__- Pagbukas ko ng pinto ay biglang bumungad sakin si Mommy na nakangiti sa akin may nakita naman akong malaking paper bag sa kamay nya. Ano naman yan?

"Good Morning Khal... O eto may nagbigay sayo. Hindi ko nakita kung anong laman dahil naka plastic tape sya at mukhang mahigpit ang pagkasara. Tsaka dapat ikaw ang mag bukas nyan kasi ikaw ang pinadalhan, HIHIHI." Binigay sakin ni Mommy ang plastic bag kaya kinuha ko naman. Hindi sya gaanong mabigat, pero may bigat bigat sya ng konti, basta bahala na. :\

"Mom... Sino ang nag bigay? At galing kanino?" Nakakunot kong noo at nagtataka kong tanong kay Mommy.. Bahagyan syang napaisip na animo'y may inaalala.

"Uhmm... kagabi kasi nung nakauwi na kami ng Daddy mo, may nakita kaming caramel na van sa labas ng mansion at may isang babaeng lumabas ng van at hawak hawak ang paper bag nayan, kaya bago palang pinasok ng driver namin ng Dad mo ang kotse ay bumaba na kami para salubungin ang babae. Pagkakita nya palang sa amin ng Dad mo ay lumapit ito sa amin. Tinanong namin kung sino sya at ano ang kailangan nya pero tinawanan nya lang kami saka inalok nya samin ang paper bag at ang sabi nya'y pasalubong daw galing South Korea para sayo, kaya kinuha ko nalang..." Mahabang kwento ni Mommy sa akin kaya napasandal ang tagiliran ko sa pinto at napaisip...

#•__•

Pasalubong galing South Korea?... Hindi kaya si... Inalala ko ang linyang...

"Tumahimik ka nga Reed! Hindi na nakakatuwa! Psh! Anyway, pupunta rin naman ako sa bahay nyo isa isa mamaya para dalhin ang mga pasalubong ninyo! Surprise ko sana yun pero ang ingay ni Devi. Hmmpp!"

-__-

Ahh.... Si Aryana... Pero bakit naman pati ako dinalhan nya ng pasalubong? Kahapon lang kaya kaming nagkakilala. Tapos-

"Pinadala ko kay Manang Lisa pero ang sabi niya at tulog kana raw. Aryana daw ang pangalan niya... Anak sabihin mo nga, girlfriend mo ba sya?" Nanunuksong tanong ni Mommy na may halong malisya ang tingin sakin at napailing nalang ako. Aishht. >__<

"Kaibigan ko lang po Mommy." Sagot ko nalang sakanya. Bumuntong hininga sya sa naisagot ko dahil kung kukulitin niya ako ay wala rin syang makukuha sakin.

"I'm so happy that finally you're having a friend my Khaleed. And since you're just a pupil in your elementary days, you're such a-." Hindi na natapos ang sinasabi ni Mommy na bigla akong pumutol.

"I'm already 19 Mom, and past is past never to discuss. I also moved on." Pagpuputol ko kaya bumeso nalang sya sakin matapos non ay ngumiti na sya.

"Hayaan mo nalang ako na maging masaya para sayo anak, if it's okay with you." Tumango tango nalang ako at simpleng ngumiti. "I just want you to be happy." Hinaplos niya pa ang pisngi ko at ngumiti pero matapos 'non ay binaba nya na ang kamay nya tsaka binaling sa iba ang usapan. "Sige na Khal, maligo kana may klase kapa tsaka may niluto akong mainit na ramen with siomai on the top!" Masaya nitong balita sakin at biglang lumiwanag ang mata ko.

Eyes MET | On-goingWhere stories live. Discover now