Chapter 12

28 2 0
                                    


Pero kapag magsumbong sya, edi mapapahamak din naman sya. Pero pati narin si Onii-chan dahil pinayagan niya kami.

>.<

"So proud of you Chibi." Ishhh.... Yan na naman ang palayaw na'yan.

T∆T

"Papa, wag niyo na po akong tawaging Chibi. Hindi naman po ako mataba. Ishh..." Nakanguso kong singhal, kaya humalakhak naman sya.

>^<

"Maliit ka naman HAHAHA!" Pang-aasar namin ni Champ sa akin kaya inirapan ko nalang sya, at nag patuloy na ako sa kinakain ko ng naka nguso.

Ngiii... Hindi naman ako maliit, sakto lang. °^°

Matapos naming kumain ay nauna na akong umakyat sa taas at papasok na sa kwarto ko kaya nagpaalam na muna ako bago umalis sa kusina. Whoosshh... Bigla ko namang naalala ang lalaking kamukha ni Ryuk. Sa nakaraang araw, nagtataka ako kung bakit iba sya makatitig sa akin, tsaka sinusundan niya ako. Minsan natatakot na nga ako sakanya, akala ko kasabwat sya ng mga panget na clowns na'yon at nag i-spy sa akin. Baka bigla nya lang akong kunin at iharap sa mga kinatatakutan ko. Takot ako sa mga Clowns! At ang sabi ni Onii-chan Zai, meron daw akong Coulrophobia, takot sa mga clowns! OwO Pero sa pagligtas niya kanina sa akin, nawala ang masama kong hinala sakanya. Pero sayang hindi ko naabutan at nakita ang mga pangyayaring naganap kanina, eh kasi kinareer ko naman ang pagka sleeping beauty ko.

Ishh... Tsaka bakit pala sya nagtatanong kung writer ba ako? Ano ba ang sasabihin ko?

Ishhh sobrang sakit ng ulo ko, feeling ko may mga birds and stars na kanina pa pumapalibot sa ulo ko. Napaupo naman ako sa malambot kong kama, at pinisil pisil ang sentido ko. Pero... Bigla namang nakapasok sa isip ko ang mukha ng kamukha ni Ryuk na'yon. OwO Ish! Hindi naman sya kamukha talaga ng panget na Ryuk na'yon sa Death Note yung kasama ni Light Yagami ba 'yon? Basta nakita ko lang sa laptop ni Champ, nanood kasi sya tapos nakakatakot yung hitsura ng Ryuk na'yon, tsaka si Ryuk na yung bago kong kaklase, oo gwapo sya pero masasabi ko syang kamukha ni Ryuk dahil sobra syang makatitig sa akin parang natutunaw ako at ang laki ng mata ni Ryuk na fictional chatacter na'yon ay nakakakot ang laki, everytime nalang nakatitig! Tsaka si Ryuk yung fictional character ay matangkad malaki ang katawan pero payat, parang ganon din ang totoong Ryuk. Ah basta para sa akin para syang si Ryuk. °__°

"Mavees...!" Napalundag naman ako nung biglang may tumawag sakin sa labas ng kwarto ko at boses ni Papa. Muntik ko ng puntahan at buksan ang pinto pero binuksan na nya at sinara ang pinto at lumapit sa akin kaya nanatili parin ako nakaupo. At sinalubong si Papa ng nakangiti. "Matulog kana anak, may klase kapa bukas." Papalapit at nakangiti niyang sabi kaya tsaka sya umupo sa kama ko. Kinuha ko naman ang is kong unan at niyakap 'yon.

"Papa. Kelan po ba uuwi sina Mama at Onii-chan Zai?" Tanong ko sakanya kaya bumuntong hininga muna sya bago nag salita.

"Wala pang contact mula sa kanila, tsaka hintayin nalang natin sila. Alam mo naman na marami pa silang inaasikaso doon." Pagpapaliwanag niya sa akin.

"Papa.. Uhmm.. May gusto lang po akong itanong sa'yo." Tinakpan ko naman ang bibig ko at umikab ako matapos kong sabihin 'yon.

"Ano 'yun anak?" Ang lakas namang maka anak 'tong si Papa, Mama lang ang peg? ^.^

"Kung may bago kang kakilala, ano po ba ang kailangan mong gawin? Kaibiganin o wag nalang pansinin?" Nagtataka kong tanong ng nakatingin ng deretso sa kanya.

"Well... Syempre kaibiganin, grabe ka naman kung matapos nyong magkakilala, sa susunod ay bigla nalang hindi mo sya papansin. Masama ka sa tingin ng mga tao kapag ganon anak." Nakangisi nyang sabi.

Eyes MET | On-goingWhere stories live. Discover now