"Grabe pre!" Anas ni Jeptah na parang may hindi sya nagugustuhan sa tono palang niya, kaya kinabahan agad ako. Kumalas na ako sa pagkakayakap sakanya at tumayo na ako ng mabuti, nag hihintay sa kanyang sasabihin. "Anong pabango bayan Aldritch?" Tanong niya ng nakangiwi na parang ayaw na ayaw niya talaga, dahilan ng mas pagka kaba ko.
(• _ • #)
"Bangong nakaka akit! Bangong nakakamatay!!" Biglang umiba ang ekspresyon ng mukha niya, humalakhak sya na parang kontrabida, kaya inirapan ko sya ng irap panlalake.
"Loko. Tch." Mahina kong singhal at huminga na ako ng malalim at huminahon.
Yun lang, pinaamoy ko lang sya kaya ko sya niyakap. Tch.
Inayos ayos ko ang sarili ko pati ang buhok ko at tiningnan sya, nilapitan niya ako ng konti at bumulong sya ng; "Bangong pang one night stand." Nakakapangilabot nyang bulong.
"Tch. Loko ka talaga, nakakadiri ka, gago kapa." Walang ekspresyon kong sabi ko na dahilan ng pag halakhak niya.
"De chor chor lang. Ang bango mo kaya, kahit saan kaya idol kita. Atsaka ang linis mo kaya everytime na magkasama tayo. Naisip ko nga na ang arte arte mo talaga." Nakangisi niyang sabi.
"Tch." Singhal ko nalang at inayos ang damit ko.
"Dinala mo pa ako dito, nakaka panindig balahibo ka. Tsaka akala ko nga bakla ka talaga at baka rereypin mo ako." Seryoso nyang sabi pero maekspresyon.
(- _ - #)
"Tch. Pano pag sasabihin kong Oo?" Tanong ko kaya napangisi sya.
"Edi wow, ikaw na bakla." Sabi niya nalang kaya napailing ako at napangiti na. "Hayss tayo na nga, hinahanap na tayo ng mga yon for sure! Ikaw naman kasi ang maarte mo! Dinala dala mo pa ako ditesh!" Sabi niya na nag aastang bading. Lumakad na kami para bumalik, at pagbalik namin ay nagsimula na ang photoshoot ni Selina dahil naka pose na sya sa color white na background.
(- _ -)
Pinuntahan namin agad kung nasaan sina Reed. Nasa sofa sila nakaupo, at nung nakita nila kami ay parang na surprise sila. Si Sadako lang ang walang pake sa amin, parang naglalaro sya sa cellphone.
"Saan ba kayo nagpunta?" Salubong sa amin ni Reed.
"Umaalis kayo ng walang pasabi, ayos ah?" Nakangising singit ni Aryana at tinaas pa niya ang kilay niya.
(- _ - #)
Ayos na. Akala ko lang talaga ang baho ko na, kasi baka na amoy ni Sadako at hindi niya kinaya kanina. Grabe naman yon, naligo kaya ako. Tsaka wala naman akong pake kahit maturn off pa sya sakin.
(> _ <)
Anak ng tofu...
Hindi ako umalis sa tabi ni Jeptah at baka sasabihin niya sakanila yung kanina, nakakahiya nga kasi yung inasta ko. Para akong baliw.
(• _ • #)
Aisht. Hindi naman ako insecure sa amoy ng buhok ni Sadako, na curious lang ako kung mabango pa ba ako.
(- _ - #)
"Wala lang guys, si Aldritch kasi... Ang bango, ang bango bango pala niya talaga." Nagulat naman ako sa sinabi ni Jeptah sakanila kaya nanlaki ang mata ko ng konti.
"What?" Nakangisi at nagtatakang tanong ni Reed. Tiningnan ko si Sadako, pero hindi sya nakatingin sa amin, may nilalaro parin sya sa cellphone, pero batid ko na ang atensyon niya ay nasa amin.
YOU ARE READING
Eyes MET | On-going
Teen FictionEverything has connection. When they collide, the rain will fall. They found each other accidentally and unexpectedly. They used to be so sad and lonely. Her life was supposed to be in danger all the time, but he became her knight in shining armor e...