Chapter 39

7 2 0
                                    

Nang makarating na ako sa school ay nakita ko agad sina Terr at Reed na nakatayo sa ilalim ng poste na nakatingin at naghihintay sakin kaya nginitian ko agad sila ng napakalaki abot hanggang sa puso ni Yumo. Nga pala hindi ko na muna hinatid si Yumo sa school nila dahil nag aya sakanya si Aryana na mag bus. Hindi ko alam kung bakit mahilig si Aryana mag bus kahit may kotse naman sila, tapos si Yumo pumapayag agad sa kahit anong gusto ng kapatid. Basta ang saya saya ko ngayon sana forever na'to. Hhahahahah!


"Ang saya ah? Naka points na naman kay Yumonique? Ano, triple?" Nakangisi nyang tanong habang papalapit na ako.

"Higit pa ron." Nakangisi kong tugon sakanya kaya naman tinapik niya ang balikat ko pagkahinto ko.

"Ayos ah." Nakangiti nyang sabi.

"Nagalit nga lang si daddy." Biglang sumeryoso ang mukha ko at ganon din sya pati si Blaster ay nakatuon ang pansin sa akin at nag aantay sa sasabihin.


"Don't tell me he doesn't like Yumonique." Seryosong sabi ni Reed at tiningnan niya si Ter. Tiningnan nila akong dalawa ng seryoso when I immediately dropped my smile. Naghihintay sila sa susunod kong sasabihin at kunwari'y bigo ako, at tumingin ako sa baba and I cover my eyes at saka ko dahan dahang nag peace sign saka ngumiti.

"Pautang ng dalawang pisooooo!" Nakangisi kong sabi at bigla rin silang narelieve, napabuntong hininga si Reed kasabay ng paghawak niya sa dibdib at si Ter naman ay tumingin sa malayo na kunwari ay hindi affected.

"Tsh. You're so gay." Ani pa niya at umirap at nag cross arms habang si Reed ay nakapamewang ang kanan nyang kamay.


"Nabigla lang si dad na ngayon ko lang sinabi na matagal na kami ni Yumo. Tapos ang sabi naman ni mommy, dalhin ko daw bebe ko sa bahay kasi ipagluluto niya ng mga masasarap na pagkain. Hayyss sarap ng buhayyy." Nakangiti kong sabi at nagpakawala ng napakalakas na hininga.

"Ayos. Sa pub tayo mamaya." Nakangiting sabi ni Reed at nakipag kamayan sakin tapos ay bumaling na sya kay Blaster. "Kayo naman ni Aryana? Kailan kayo malegalize?" Nakangising tanong niya at si Ter naman ay tumingin muna sa baba at huminga ng malalim saka nag salita na.

"I don't want to talk about that now." Blangkong ekspresyon nyang tugon na halatang ayaw nyang pag usapan saka ulit sya tumingin sa malayo.


Hindi ko maintindihan si Blasterr, sa tuwing seryoso ang pag uusap namin ay ayaw nyang pag usapan ang tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Aryana, alam ng mundo na magjowa sila pero sikreto pagdating sa Stanford family at walang naglalakas ng loob na sabihin o banggitin yon sa pamilya nila lalong lalo na sa tatay ni Terr.


"Teka, nabalitaan nyo ba ang tungkol kay Aldritch?" Tanong ko na parang chismosa.


"Almost all of the students here knows that, even at the other school. Aldritch is such like an extraordinary person from nowhere." Nakangising sabi ni Reed.


"How could he be so trending?" Tanong ni Terr na animoy nawawala sa sarili. "We didn't recognize that he knows Kung Fu." Biglang nakakunot noong dagdag pa niya.


"Diba ang ganda nun, ikaw marunong sa mixed martial arts, si Reed naman sa kickboxing tapos ako magaling lang makipag basag ulo, edi perfect match tayo hahahha!" Malakas kong pagtawa.

"He kept it a secret." Nakakunot noo paring sabi ni Terr na parang nadidisappoint kay Dritch. "That's why he saved Jazzmia from the freaking clowns without a scratch. If he's just an ordinary and unskilled person, maybe he was killed or hospitalized until now. I remember, he lied." Pagkatapos nyang sabihin yon ay naglakad na sya kaya sumunod naman kami ni Reed.


Eyes MET | On-goingWhere stories live. Discover now