Rest time na at nagstay muna kami sa room habang yung iba atat na atat ng lumabas.
"King! Total ako naman ang presidente ngayon, bilhan mo kami ng pagkain." Nakangiting utos ni Jeptah kay King.
"Ano yung return?" Seryosong tanong ni King sakanya.
"Sus! Pambihira ka naman oh! O sya sige yung sukli, iyong iyo na." Nakangiting tugon ni Jeptah kay King kaya ngumiti narin si King. "Bilisan mo ah?!"
"Ayos! Hahahahhahaha" Tuwangtuwa si King habang palabas ng room para mamili. Natawa rin si Jeptah saka inilapit niya ang upuan niya sakin para magkatabi talaga kami at bumaling na sakin.
"O ano? Nagustuhan mo ba?" Tanong niya sakin.
"Ang alin?" Tanong ko naman.
(- _ -)
"Nanalo ka. HAHAHHAAH. Kunwari pa'to, mag pe-pledge tayo sa induction day ayos bayon?" Nakangiti nyang sabi.
"Wala akong sinabing gusto ko maging classroom officer." Walang emosyon kong sabi. At nagtataka naman ako kung bakit big deal sakanya ang maging officer at gustong gusto niya basta kung ako ang tatanungin ayoko.
"Ano pa nga ba ang magagawa mo kung ikaw ang gusto kong vice president ko? Tsh! Sabi ko nga ako ang bahala sayo!" Tinapik niya pa ang balikat ko at tumingin sya kay Aryana.
"Saka malakas ang team natin hindi madaling matalo." Maarteng singit ni Aryana at umupo sa upuan ni King na katabi ni Jeptah.
"Tapos magpapasikat tayo sa induction day! Sigurado akong proud sakin si Yumo my loves so sweet. Mwah mwahhh ako'y baliw na baliw. Naiimagine ko na syang pumapalakpak habang ngumingiti sa akin ngayon palang." Si Jeptah habang nakikilig kasabay ng pag iimagine nya. At makikita sa hitsura nya na mahal na mahal nya ang babaeng tinutukoy niya, sa ekspresyon nya, sa tinig niya, sa kilos niya at lalong lalo na sa mga mata niya kumikislap habang binabanggit niya. Saka halatang araw araw syang naiinspire ng dahil sa minamahal niya.
"Psh adik... iw ang babaduy." Kunwari nadidiring reaksyon ni Aryana.
"HAHAHAAH! Inggit ka lang hindi ka ginaganito ni Terr." Siniringan naman sya ni Jeptah.
"Mainggit ba naman ako sayo? eh unggoy ka kaya di ka bagay sa ate ko. Hhm! Ilampaso kaya kita dyan." Nanggigigil ani Aryana, tinawanan nalang sya ni Jeptah at napatingin na sila kay Zannie na kakatapos lang mag erase ng board.
"Guys salamat kanina hehe. Uhm remember nyo ba yung last year? Si Georgina yung President tapos si Audrey naman ang VP. Ngayon hindi na sila." Sabi niya at saka umupo.
"Desurb." Boring na mukhang ani Aryana. "By the way, excited na ako sa induction day." Nakangiting sabi pa niya.
Aisht hindi ko talaga gets kung bakit sila nagiging excited sa induction day nayan. Walang kwenta yon, kasi hindi naman mag class. Saka mag pledge pa tapos mangako eh yung iba nga sumumpa pero hindi naman ginagawa ang tungkulin.
(- _ -#)
"Oo nga saka yung acquaintance party, ang saya non kasi merong daw dance for all." Sabi ni Zannie.
"Wow talaga?! Yipiiii!!!!" Natutuwa si Aryana habang pumapalakpak.
"Sino yung nagsabi? Pwehehehe! Ayoko non." Hindi interesadong sabi naman ni Jeptah.
"Ayaw mo? Ang saya kaya lalo na't maka sayaw ko si hon. Hoy isayaw mo nalang yung iba hindi kita isusumbong sa ate ko pramisss!" Pinaharap pa ni Aryana ang palad niya sa mukha ni Jeptah habang sinasabi yon.
YOU ARE READING
Eyes MET | On-going
Teen FictionEverything has connection. When they collide, the rain will fall. They found each other accidentally and unexpectedly. They used to be so sad and lonely. Her life was supposed to be in danger all the time, but he became her knight in shining armor e...