Chapter 19

33 2 0
                                    

(- _ - #)

Lumapit sya sa amin ni Sadako habang tinutulak ang troli na sa palagay ko ay nag kukunwari lang sya na wala syang nakita. Unti unti ko naman binitawan ang kamay ni Sadako pero nag taka pa ako kung bakit nang nakita nya na si Reed ay hindi nya agad binitawan ang kamay ko. Nag expect ako na bitawan nya agad pag nakita na kami ni Reed, at kitang kita ko na walang naging reaksyon si Sadako, kanina lang na dalawa lang kami.

Ang epic ng reaksyon nya, parang gusto kong tagalan.

(- _ -)

"Reed." Bungad ko atsaka kumuha pa ng isang bote. Nakangiti na syang tumingin sa troli ko.

"May suggest ako sayong wine." Nakangiti nyang sabi.

"Hindi ako umiinom ng wine." Simpleng ngiti na sabi ko.

"Ooh akala ko alcoholic ka." Nakangisi nyang sabi.

May alcohol din ba ang wine? Akala ko mga beers lang ang merong alcohol.

(- _ -)

"Mga yan lang ang iniinom ko, tsaka tubig." Tinuro ko pa ang laman ng troli ko, at napatingin din ako sa troli niya.

"Hindi yan sakin..." Natawa nayang sabi. "kay Jazzmia ang lahat ng mga yan, gusto nya kasi ang mga ganyang klaseng pagkain." Nakangiting sabi niya tsaka tumingin kay Sadako na nilibot libot ang paningin sa paligid habang naka lobo ang magkabilang pisngi. Mga Yakult, Chuckie, mga chocolate drinks at ang mga iba't ibang klase ng chocolates.

Puro fats lahat ang mga kinakain niya pero bakit ganyan lang ang katawan niya? Wala yata syang pakialam sa nakasulat sa nutrition facts. Hindi naman sya payat talaga, hindi rin sya pandak. Matangkad pa nga sya kesa kina Aryana, Devi at Selina. Parang hanggang noo niya lang ang mga ito. At masasabi kong sakto lang naman, tsaka sa opinyon ko lang naman.

"Sakin naman ay mga prutas at bottled and canned drinks. Tsaka hindi pa ako tapos." Pagshare ko kay Reed ng mga binili ko kaya tiningnan nya rin yon.

"Mahilig ka sa prutas?" Nagtataka nyang tanong.

"Hindi naman, gusto ko lang kumain ng mansanas." Natawa naman sya sa sinabi ko.

(- _ -)

Ano naman ang nakakatawa ron? Tch.

"Nga pala Aldritch, kung may mga activities sa school na involve kami ni Blaster at Jeptah, sana sumali karin at samahan mo kame." Sa nasabi niya ay napa isip pa ako kung ano ang sasabihin ko, kaya natawa pa sya ng konti. "Ayos lang naman, alam kong hindi ka pa sanay sa amin-"

"Hindi." Pagpuputol ko sa sinasabi niya. "Magkaibigan tayo. Hindi ba?" Sa sinabi ko sakanya ay alam kong hindi nya na kailangan pang mag isip, talagang magegets nya agad ang sinabi ko. Napangiti sya at tinapik ang braso ko.

"Oo naman!" Nakangiti nyang sabi. "By the way sasama ka ba sa amin para manood ng photoshoot ni Selina?" Tanong niya.

"Hindi ko alam, hindi ako sigurado." Umiling iling pa ako sa hindi kasiguraduhan.

"Sama kana, Selina needs our presence there as her supporters." Masaya nyang sabi.

"Manood lang?" Natawa pa sya sa tanong kong iyon.

(- _ -)

"Wag kang mag alala, dadalhin din tayo ni Selina sa restaurant para kumain pagkatapos non." Nakangiti niyang sabi.

"Hindi naman yon ang inaalala ko, ang totoo ay wala akong interes sa mga ganyan." Sabi ko kaya nakita kong kumunot ang noo niya.

"Pfft. Tanggihan ba naman, inimbita ka para sumama sa amin, walang ganyanan. Baka mag tampo pa kami sayo pag hindi ka sumama." Sinabi niya yon na para bang matagal na kaming magkaibigan.

Eyes MET | On-goingWhere stories live. Discover now