Chapter 14

37 2 0
                                    

×_×

Ano naman kaya ang pag uusapan namin? Tsaka ang alam ko lang ay hindi sya kumakausap ng kahit na sinong estudyante, maliban kay Jeptah. Tsaka mukang wala naman syang interesado sa kahit na sino, eh malay ko ba hindi niya lang pinapakita ang pagiging interesado niya sa isang tao, parang tulad nalang sa akin ngayon. Gusto niya lang daw akong kausapin, so it means... interesado sya sa akin?

°__°

"Sadako." Narinig ko naman syang tumawag sa akin gamit ang pangalan ng ibang tao. Ishhh

×^×

Pero hindi ko nalang sya pinansin at naka yuko lang ako habang naglalakad sa likod nya dahil nangunguna parin sya sa paglalakad kesa sa akin.

"Hoy babae." Pagtawag niya pa ulit kaya tumigil ako sa paglalakad at tiningnan sya.

"H-Ha?" Wala syang ekspresyong humarap sa akin matapos niyang tumigil sa kakalakad.

"Alam mo ang daan kaya mauna kana." Ani niya kaya yumuko nalang ako ulit at nagsimula nang naglakad kaya naramdaman ko rin ang ang pagsunod niya sa likod.

Nakalimutan niya na ba ang daan papunta sa rooftop?

×_×

Tahimik kaming nagtungo sa building, nanatili naman akong nakayuko habang naglalakad at yakap yakap ang snacks sa plastic bag. Pagkapasok namin sa building ay deretso kaming naglakad sa isang dulo na kung saang may hagdan paakyat sa rooftop at doon din ako naabutan ni Ryuk kanina.

×.×

Umakyat na kami sa hagdan at ang hagdan na ito ay made of iron at paikot ikot sya. Nung sa gitna na kami ng hagdan ay bigla naman akong napatigil. Baka masilip pa niya ang perlas ng sinilangan!

OwO

"Oh? Bakit?" Napakapit pa ako sa hagdan nung bigla syang narinig.

"A-Ahh.. Uhhmm..."

"Tch. Ang dumi naman ng utak mo at kung ano ano pa ang iniimagine mo." Napatingin naman ako sakanya.

"H-Ha? Hindi n-naman sa g-ganon." Napamaang pa ako pagkasabi ko ng ganon. May kakayanan ba syang mang basa ng isipan?

OwO

Tumalikod nalang ako at patuloy na naglalakad at hindi nalang sya inintindi. Pero hindi ako komportable, feeling ko pinag aaralan niya ang kabuuhan ko. Hindi kaya... May ibinabalak syang masama kaya gusto niya akong makausap? At dito pa sa rooftop! Tsaka ano naman kaya ang pag uusapan namin? Wala nama-

*tereret!*

>∆<

OwO

T∆T

Na slide ako!

Uwaaaaahhhhhh!!!!

T∆T

Bigla ko rin namang naramdaman ang pag hawak sa akin ni Ryuk sa braso ko mula sa likuran. Buti nalang napakapit ako sa hagdan. Napapikit naman ako sa kapalpakan.

×^×

"Ayos ka lang?" Walang emosyon niyang tanong.

Please wag kang tumawa..

>›-‹<

"H-Ha? Ah-Ahh Oo a-ayos lang..." Sinubukan ko namang tumayo ng dahan dahan at nananatili parin akong naka talikod sa kanya.

Ishh...

T^T

Maingat nya naman akong tinulungan maka tayo na hawak ang magkabila kong braso kaya bigla rin naman akong napatingin sakanya. Hindi sya nakatingin sa akin na parang nakatingin sa kung saan kaya mabilis ko rin namang iniwas ang tingin ko.

Eyes MET | On-goingWhere stories live. Discover now