Paglabas ko ng kwarto ni Kheilauv ay dumeretso na kaagad ako sa kwarto ko at pumasok sa cr para maligo. Pagkatapos kong naligo ay pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang towel at nakaroba parin ako. Umupo ako sa kama at nag cellphone, at agad bumungad ang text ni Sadako.
'I'm home. Thank you. <3' Text niya.
'I'll call you when you're up.' text ko naman at tumayo na ako saka nanalamin. Nag skin care muna ako dahil parang namumula ng konti ang mukha ko dahil sa araw kanina.
Pagkatapos ko nag skin care ay uupo na sana ako sa study table para mag review review lang pero biglang umilaw ang cellphone ko sa kama, kaya mabilis kong tiningnan yon.
'okay. hihi.'
(-_-)
Ano? Tatawagan ko na ba sya o hindi pa? Sigi tatawagan ko nalang. Nag ring ng ilang seconds at saka niya sinagot.
"Kamusta ka na?" Tanong ko sakanya sa kabilang linya.
"Ayos n-naman Ryuk. How about you?" Tanong niya pero parang may napansin ako.
"Umiiyak ka ba? Parang iba ang tinig mo." Natataka kong tanong.
"It's c-cold. K-Kakatapos ko lang mag bath." Bumuntong hininga naman ako at parang biglang pumasok sa isip ko na baka pinagalitan sya ng kuya niya.
"Sige... Magpahinga ka muna—"
"Aldritz."
"Oh?" Agad kong tugon sa pagtawag niya sa pangalan ko.
"Uh-Uhm... The ring..." At ngayon ko rin napansin na hindi ko pala naalis sa daliri ko ang singsing. "Should I wear this everyday? Ang g-ganda kasi, sabi ni Nanay Lis bagay daw sakin." Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong nakangiti sya.
"Tama sya. Pero hindi mo kailangan suutin yan araw araw, isuot mo lang yan pag nasa fairy world tayo." Seryoso kong sabi at kinuha ko ang remote saka ko binuksan ang tv.
"You're fun to be with. A-Aldritz." Sabi niya at parang nanginginig pa dahil siguro sa lamig.
"Aldritch. Tch mali mali ang pag pronounce mo ng pangalan ko." Seryoso kong sabi at panay ang pag next ko ng channel.
"Hihi sorry. Kumain ka na ba?" Natigilan ako sa tanong niya sa ewan na dahilan
"Hindi pa ako gutom." Walang ekspresyon kong tugon.
"Don't forget to eat okay?" Hindi na ako nakasagot sa tawag niya dahil sa bigla kong napanood sa news.
"...Icy Publishing House employees and writers became less and have filed for resignation due to administrative staffs and officers' disorderly treatment and the company will not be the same as before or probably will close temporarily. According to the Publishing House's manager, Mrs. Khendall Ingrosso, she did everything to protect the company, but she believes that it will rise again." Sabi ng babaeng reporter sa tv at biglang nag flash ang si mommy habang nagsasalita sa tv at iniinterview ng mga tao sa paligid niya.
"I don't know, I think maybe there is a person behind this." Malungkot na pahayag ni mommy.
"Are you going to investigate? Mrs. Ingrosso?" Tanong sakanya ng isa sa mga reporter.
"I have no time for this nonsense but whoever is behind this, please just stop. My husband Aldrain and I didn't do anything, we just aim to continue our parents' legacy." Nakakunot noo at nag aalalang sabi ni Mommy.
Aisht. Gawa gawa lang siguro ni Mommy na may tao sa likod nito. Imposible. Walang kaaway sila Dad. Ewan ko nalang sa Lola ko, iba pa naman yon, siya ata ang pinaka terror na kilala ko.
YOU ARE READING
Eyes MET | On-going
Teen FictionEverything has connection. When they collide, the rain will fall. They found each other accidentally and unexpectedly. They used to be so sad and lonely. Her life was supposed to be in danger all the time, but he became her knight in shining armor e...