(◡ ω ◡)
Tumakbo kaagad papunta sa mga pusa ko nung nakita na nila ako. Nag fond agad sila sa paa ko kaya umupo ako para hawakan sila. Hinawakan ko agad ang mga ulo nila at ang una kong kinuha ay si Niki.
(◡ ω ◡)
Lalake at puro white ang color niya at sky blue ang mga mata niya, at mataba rin sya. Hihi. Dumikit silang lahat sa paa ko na parang namiss nila talaga ako kaya hindi ko napigilang ngumiti.
(◡ ω ◡)
"Helloo Shal!" Masayang pagtawag ni Aryana kay Shalvia mula sa loob ng kotse, at kinawayan din sya nito, at ganon din si Jeptah.
"Thank you Shal." Nakangiti kong pasalamat kay Shalvia.
"You're welcome Ate Mavees. Actually nag enjoy ako habang kasama sila, mamimiss ko na naman sila. Hehe. But sadly, Ate Selina won't let me have a pet especially cats. She's really really maarte." Nakasimangot nyang sabi, pero binungis ngisan ko lang sya.
"Y-You can visit my cats anytime. Hihihi." Nakangiti kong sabi at ngumiti na sya.
"Okay Ate Mavees, if you say so. *Laugh* Here, take this." Binigay niya sakin ang hawak niyang plastic bag at sa tingin ko ay pagkain yon ng mga pusa. "Yung cat food na binili ni Kuya Shrillex." Kinuha ko yun habang buhat buhat ko parin si Sheihun.
"Thank you talaga Shal, magkano ba ang nagastos ni Kuya Llex?-"
"No. Don't mind it Ate Mavees. Don't worry about it na." Pangpakalma nyang sabi nya sakin. "Uhm how about your other cats Ate Mavees nasan na ba sila ngayon?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
Ay Oo nga pala!!! Hayss grabe! N-Nakalimutan ko!!!! Nandoon pala sa bahay nina Mommy Mixia!
(× _ ×)
"Nandoon kila M-Mommy Mixia." Nanlalaking mata kong sabi, na mismo ako ay nawala sa sarili at lutang na naman.
"Kaya pala nagpost si Mika ng pictures with all the cats. Hehehe!" Natutuwa nyang ani.
"Hai. Hihi." (◡ ω ◡)
"Sige na Ate Mavees, kanina pa pala nag hihintay si Boss Blaster." Nakangising sabi niya at tiningnan naming dalawa si Blaster-kun na seryosong nakatingin sa amin, at parang nanunusok na yung tingin, konti nalang mawala na yung gana niya.
Hihi.
(◡ ω ◡)
"Okay. Thank you Shal, n-next time ulit. Please sabihin m-mo kay Mommy Shanaya at Daddy Sebaste na nagpunta ako dito ha? Pati narin kay Kuya Llex. Hihihi." Nakangiting tumango si Shalvia at kinawayan na kami.
(◡ ω ◡)
Pinagbuksan na kami ni Jeptah ng pinto at pinapasok ko na muna si Niki. Nagulat ako nung biglang pumasok at nauna si Mozart na parang walang pakialam.
Ang t-taray talaga ng pusang 'to. Hihihi.
(◡ ω ◡)
Ang iba ay kusang pumasok sa kotse at may isa isa rin na binuhat ko at pinapasok, agad din silang kinuha ni Jeptah at Aryana. Ang huli kong kinuha ay si Sushi.
( ° ^ ° )
Kinabahan ako at nanginginig na naman bigla ang kabuuhan ko nung parang meron hanging bumulong sa tenga ko. At may nakita akong black na van at sa di kalayuan ay may isa na namang itim na kotse. Nag pasya na agad ako na pumasok sa kotse ni Blaster bago pa man ako mapaligiran ng mga sasakyang itim at mga panget na clowns!
( ° ^ ° )
Hindi ako sure kung sila na ba talaga yun o nagkakamali lang ako.
Pumasok ako habang dala ko si Sushi at may takot at panginginig, hindi na naman ako mapakali sa takot. Hinihingal hingal pa akong nakatingin sa harap ko at ewan ko ba kung ano ang tinitingnan at nakikita ko ngayon.
YOU ARE READING
Eyes MET | On-going
Teen FictionEverything has connection. When they collide, the rain will fall. They found each other accidentally and unexpectedly. They used to be so sad and lonely. Her life was supposed to be in danger all the time, but he became her knight in shining armor e...