(- __ -)
Naglalakad ako sa hallway mag isa, at kakatapos lang naming mag lunch at nag excuse muna ako sa kanila para makapag lakad lakad naman ako ng mag isa. Pero habang ako'y naglalakad ay bigla kong naramdaman ang phone kong nag ring sa bulsa, kaya kinuha ko at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Greenitch calling...
(- __ - #)
"Bakit?" Bigla kong tanong nung sinagot ko ang tawag niya.
"Magkita tayo, nandito ako sa labas ng school niyo." Tugon niya.
Ano naman ang kailangan niya?
"Busy ako." Walang ekpresyon kong sabi.
"Tskkk... Wag ka ngang mag sinungaling, nandito lang ako sa baba, at kitang kita kita mula rito." Napatingin naman ako sa baba at bigla ko naman syang nakita.
(• _ ·)
"Nagsinungaling karin naman, ang sabi mo ay nasa labas ka ng Stanleigh." Pagkatapos ay bigla kong binaba ang linya at nakita ko naman syang natawa. Bumuntong hininga muna ako at pagkatapos non ay humagdan na ako pababa.
(- __ -)
Pagkababa ko ay sya agad ang tiningnan ko, naka blacksuit sya at nakangisi na nakatingin din sakin. Paglapit ko sakanya at sinalubong niya naman ako ng hanggang tenga niyang ngiti.
"Mag usap naman tayo sa labas." Nakangiti niyang pag aya, kasabay ng pag akbay niya sakin.
"Ayoko, sa susunod nalang, may klase pa ako." Sabi ko at napangisi sya.
"Don't worry Khaleed, inexcuse na kita sa mga teachers mo." Masaya nyang sabi. "And besides afternoon class lang naman, at bukas babawi ka nalang." Tinapiktapik nya pa ang balikat ko at nagpakalawa sa kakaakbay nya sakin.
(• _ ·)
"Bat mo ginawa 'yon Greenitch? Tch. Kahit anong gawin mo hindi ako sasama sayo." Walang ekspresyon ko parin sabi.
"Ahh... Okay sige kung ganon, samahan mo nalang ako, maglilibot nalang tayo dito sa Stanleigh." Taas noo niyang pag aya, at nag simula nalang akong maglakad kaya sumunod naman sya.
"Inutusan ka ni Dad... para puntahan ako dito?" Tanong ko nang hindi tumitingin sakanya at natawa sya sa tanong ko sakanya.
"Nope, I came here because I really want to see you." Nakangiti niyang tugon at pinakita niya sakin ang kabuuhan niya. "As you can see, nakasuot ako ng suit, kaya ang ibig sabihin nito ay babantayan ko kayo ulit." Nakangiti niya parin sabi.
"Tch. Marami kasing alam, may pa France pang nalalaman. Atsaka nakikita mo naman ako sa bahay, lalo na ngayon at araw araw mo na akong nakikita dahil dumating kana." Nagulat naman ako ng mas tumawa sya sa nasabi ko. "Aisht. Anong nakakatawa?" Hindi ko naiwasang nagtaka sakanya.
(• _ ·)
"Yan ang gusto kong Khaleed, pero nakakatawa ang hitsura mo kapag nagtatampo, sobra." Tawang tawa niyang sabi.
Nagtatampo ba ako? Aishtt..
"Ano ba talaga ang pinunta mo dito? Don ka dapat kay Dad, mas kailangan ka niya tch." Singhal ko.
"Mamaya na-" Bigla namang nag ring ang phone niya kaya tumigil kami sa kakalakad atsaka niya kinuha sa bulsa niya ang phone at sinagot. "Hello... Nandito ako sa loob, pumasok na kayo." Nawala ang palatawa niyang mukha kanina at napalitan yon ng pagka seryoso ngayon. Pagkatapos niyang sagutin ay agad nyang binulsa ang phone niya at bumaling ulit sakin. "Halika na, may pag uusapan pa tayo." Nakangiti niyang baling sabay hawak sa balikat ko, kaya nagpatuloy na kaming naglakad.
YOU ARE READING
Eyes MET | On-going
Teen FictionEverything has connection. When they collide, the rain will fall. They found each other accidentally and unexpectedly. They used to be so sad and lonely. Her life was supposed to be in danger all the time, but he became her knight in shining armor e...