Chapter 46

4 1 0
                                    


"*Whistle* Haha. Intense." Rinig kong sambit ni Reed mula sa likod. Pansin kong gulat si Sadako sa ginawa ko, hinawakan na niya ang kamay ko at ang panyo sa ilong niya kaya dahan dahan ko na syang binitawan.

Dumistansya ako sakanya ng konti at agad naman syang tinakbuhan ni Aryana at si Blaster na ang may hawak sa mga gamit niya. Kalmado parin kaming lahat syempre, ang nakaka pang alarma lang ay sunod sunod ang pagdudugo ng ilong ni Sadako.

(-_-)

"Mauna na muna kayo, sasamahan ko pa si Jaz sa cr." Sabi ni Aryana habang inaalalayan si Sadako papunta ng CR.

"Sige, bilisan nyo!" Ani Jeptah at sabay sabay na kaming naglakad papunta sa isang restaurant. At parang wala lang yon sakanila kaya naman hindi na ako nag isip pa na ikakapag alala ko. Lumapit naman sakin si Reed at inakbay ako.

"Don't worry, she'll be fine." Nakangiting sambit niya sakin. "She's nosebleeding again. When we were just little we usually play under the heat of the sun. Sensitive sya sa araw, laging umiinit ang temperature ng katawan nya at nag nonosebleed at kaya naman minsan napagkakamalan pa syang bampira dahil sa puti niya at takot nya sa araw." Mahabang kwento ni Reed at bumaling naman si Jeptah sa amin habang naglalakad parin kami.

"Pero okay naman sya ngayon, bihira nalang syang nag nonosebleed nouh? Saka noon akala natin allergic sya sa sun kaya naman pag lumalabas kami sa bahay nila doon sa Japan, pinapayungan ko sya kahit hindi naman gaanong kainit doon." Nakangiting kwento pa ni Jeptah. Napansin ko lang na base sa mga kinukwento nila, ay magkababata sila pero parang si Jeptah ang matagal ng kaibigan ni Sadako, at dahil kilalang kilala niya ito.

"And I heard ayos lang na ikaw ang maarawan wag lang si Jaz." Nakangising ani Reed at umiiling iling pa kaya napangiti at tawa nalang si Jeptah.

"It's normal. She's inherited by her father." Seryosong sabi naman ni Blaster habang dala nya parin ang lahat ng mga gamit ni Aryana.

Shete. Nag nosebleed sya dahil sa init ng araw kahapon tapos umulan pa, tapos nilagnat pa sya. Kasalanan ko 'to kung tutuusin.

(•_•)

"I don't know you're actually THAT close with Jazzmia." Sabi sakin ni Selina at magkatabi na kami habang naglalakad, at si Reed at Jeptah naman ay bumaling na sa iba ang atensyon.

"Sa palagay ko ay kailangan niya lang ng tulong kaya wala yon sakin." Tugon ko at ngumiti ng simple.

"You really are amazing. It's like you're her savior all the time." Sabi niya naman pagkatapos ay ngumiti.

"Pag nandyan lang ako. Saka kaibigan ko sya kaya ko tinutulungan." Sabi ko at tumango tango sya habang nakangiti parin.

Parang may napapansin sila sa akin na hindi ko napapansin sa sarili ko. Halata ba? Ako parin naman 'to pero parang—sige hindi muna ako mag iisip ng kung ano ano. Teka na prapraning ako.

(-_-)

Aryana's POV

Nataranta ako ng konti kasi hindi ako nakadala ng wet wipes or tissue paper! Hindi ko naman kasi alam na magdudugo ang ilong ni Jazzy. Kaya naman kumuha ako sa may free tissue dito sa comfort room ng mall nina Reed. Mwehehhe

Ang daming dugo na nagkalat sa sink dahil na spread ng konting tubig, kaya naman nilinisan ko na para hindi masyadong revealing. Patuloy parin si Jaz sa kakasneeze ng kanyang ilong.

"Nako Miss, ang daming dugo. Ayos lang ba sya?" Tanong ng isang babae matapos nitong manalamin at bahagya niyang napansin si Jaz at ang sink.

"Ah—Oo wala 'to. Hehehe. Ayos lang sya." Nakangiti kong tugon sa babae at bumaling ulit ako kay Jaz. "Jaz, punta nalang tayo sa kuya mo doon sa hospital, baka hindi lang yan basta nosebleed." Nag aalala kong sambit sakanya at napansin ko na parang wala ng lumalabas. Hayss sa wakas kung hindi talaga matapos tapos ang pagtulo ng dugo, dadalhin ko na talaga sya sa hospital.

Eyes MET | On-goingWhere stories live. Discover now