Aldritch's POV
(- _ -)
"Who's that SAILOR MOON?" Rinig kong boses ni Reed. Tumingin ako at nagulat ako ng kaunti ng nakapost ang mga picture ng naka pasok sa talent show, at isa na doon si Sadako.
(- _ -)
Tiningnan ko si Sadako at lumuluha luha ang mata niya, she's shaking while looking at her pictures. Naalala ko tuloy ang kahapon sa social hall.
*Quick flashback*
Handa na akong manood ng talent ni Sadako, kaya pumasok na ako sa loob. Hindi pa man ako nakaupo ay nakita ko ng lumabas si Sadako, at nasa gitna na sya ng stage.
What?
(•_•#)
Bakit ganon ang suot nya? Ano ang talent nya? I admit... Kinakabahan ako.
Anak ng-
"Konnichiwaaaa!"
(•_•)
Energetic na sigaw ni Sadako habang nakataas ang pompoms sa kanang kamay niya. "Thank you for waiting!" At saka sya nagsimulang sumayaw ng cheer dance moves, pero simple lang hindi sya humataw.
Tch. Parang bata.
"Stanleigh, Stanleigh, Stanleigh University here I come! I'll cheer you for the rest of my life! Go go go Stanleigh for the win!" Kumanta sya at nag chant. Nag cheerdance nga sya, she waved her pompoms very cheerful! At nagulat ako ng biglang may nag sound na iba't ibang genre ng music, parang mapapa indak ka nalang. Nag sexy dance sya pero hindi naman gaanong ka sexy, sinasabayan nya lang ang flow ng music.
Hindi ko alam pero parang napangisi ako.
(>_<)
"OPPA!"
"OPPAA!"
"OPPAAA!"
"OPPAAAA!"
"OPPAAAAA!"
Nang sinigaw nya yon ay para bang loud speaker yon sa tenga ko shete! Nakakabasag ng pandinig! Nag echo talaga sa tenga ko kahit na malayo sya!
(•_•#)
Kumakanta sya habang sumasayaw, pagkatapos ay nag normal cheerdance step na naman sya. "Go go go Stanleigh for the winn!!!" Nakapikit at napakalaking ngumiti sya habang tinataas nya ang pompoms nya at ang isa nya namang kamay ay nakapamewang habang hawak din ang isang pompoms.
Katahimikan ang nangibabaw sa kapaligiran pagkatapos ang performance niya. Kahit ako hindi ako makapag salita at makagalaw, hindi ko alam kung bakit. Aisht! Mayamaya ay natauhan narin si Sadako at tumingin sya agad sa mga judges. Natameme ang mga judges sakanya, at pati rin ang mga audience, sa tingin ko mga contestants din ang nanonood kaya konti lang, mga 30+ lang ata ang nandito. Umayos na si Sadako ng tayo at saka nag bow.
(-_-)
Hindi ko narinig ang mga judges nag usap dahil hindi malakas, parang nagbubulong sila. Nagsalita na yung lalakeng judge. "Ija... Go to the gym, doon ka mag cheerdance para mag cheer sa mga basketball players-"
"Sir, psshh! She's Doc. Spade's daughter." Rinig kong sabi naman sakanya ng isa pang judge dahilan para hindi niya matapos ang sasabihin niya kay Sadako. Apat silang judges, yung lalake ang nasa gitna.
(•_•)
Sinabihan sya ng babaeng katabi niya na judge din at hindi ko marinig ang sinasabi nila dahil dito ako sa bandang itaas kaya hindi ko gaanong naririnig. Mayamaya pa ay tumingin na ulit yung lalake kay Sadako.
YOU ARE READING
Eyes MET | On-going
Teen FictionEverything has connection. When they collide, the rain will fall. They found each other accidentally and unexpectedly. They used to be so sad and lonely. Her life was supposed to be in danger all the time, but he became her knight in shining armor e...