Pagkatapos kong nagbihis ay nag game na muna ako, VR games. Hindi pa naman ako nakaramdam ng gutom at ilang minuto narin akong nakaupo. Nag text naman sakin si Jeptah kaya binasa ko yun, pero ngayon ko lang nabasa kanina pa pala to.
Auntie Jeptah*.
'Good morning sunshine! Gala tayo? Sa bahay ni Lola Blaster!'
6:33 AM.(• _ •)
Kaninang umaga pa'to! Ang aga nya naman!
(- _ -)
Tumayo na ako at nag stretch na muna, inayos ko muna ang kwarto ko, hindi naman nilinisan, dahil malinis naman. Puntahan ko nalang si Jeptah sa bahay nila para diretso. Pagkalabas ko pa lang ng kwarto ko ay bigla akong nilapitan ng isang housemaid.
"Master, paumanhin ngunit may bisita po kayo. Nandoon po sa courtyard kasama po si Madam." Bungad nito.
"Mm." Tugon ko at niyuko niya ang ulo niya at tumango naman ako saka ako dumeretso na sa baba.
(- _ -)
Kung sino man sila o sya, I didn't expect them to come. Saka sa tanang ng buhay ko ay ngayon lang ako nagkaroon ng bisita. Malayo pa lang ako ay nakita ko agad si Mommy, at mukang isang tao lang ang bisita ko dahil lalakeng nakatalikod ang nakita kong kausap ni Mommy. Malinaw naman ang sinabi sakin ng housemaid kanina.
(• _ •)
Pero sino kayo 'to?
(- _ -)
"Master Aldritch." Nakangiting bungad ni Manang Lisa habang naghahanda ng pagkain sa lamesa, at lumapit naman ako. "Hayy.. Alam mo, may bisita ka." Sa tono palang ng pananalita niya at ang timpla ng mukha niya ay natutuwa nga sya.
"Manang, sino po ba?" Tanong ko habang nakatingin kaming dalawa kay Mommy at sa kausap niyang nakatalikod sa amin. Nakaupo silang dalawa, at mukang tuwang tuwa si Mama makausap yung tao.
(- _ -)
Aisht. Nagtatanong pa ako kung hindi niya naman kilala, malamang kilala ko dahil bisita ko nga.
"Kilala ko sya matagal na hehehe. Alam mo, napunta ka sa mabuti at tamang kaibigan. Saka nakakatuwa dahil ngayon ka lang nagkaroon ng bisita sa bahay, at bago ito sa amin." Nakangiting sabi niya habang inaayos ang mga pagkain. "Ang mabuti pa ay puntahan mo na sila, dahil nag aantay yan sayo kanina pa. Ang sabi ng Mommy mo, gigisingin ka nalang daw pero ayaw ng bisita mo, mag aantay nalang daw muna sya sa paggising mo at mukang nagustuhan sya ni Khendall dahil kanina pa sila ryan nag kukwentuhan." Nakangiting sabi pa niya.
"Sige po." Sabi ko nalang kay Manang Lisa at naglakad na ako.
Pinuntahan ko nalang sila, dahil hindi ko alam kung sino ba talaga ang bisita ko, at kilala naman sya ni Manang Lisa. Habang papalapit ako ay naririnig ko na ang boses, at pamilyar sakin yon, sa lakas ng boses nito ay mabubulabog ang kalahating natutulog ko pang kaluluwa.
(- _ -)
"Ganon pala po si Aldritch? Hahahahhaa!" Rinig na rinig kong natutuwa at humahalak na sabay pang palakpak ni Jeptah.
Halatang ako ang pinag uusapan nila.
(- _ -)
Tsaka Momshie Khens?
(- _ -)
"Hay nako kaya ako Momshie Khens, gustong gusto ko talagang mag chef kasi masarap akong magluto kaso ang gusto naman po ng Daddy ko ay mag engineer ako kaya STEM yung strand na kinuha ko. Hahahaha kahit labag yon sa kalooban ko hahahhahah! Ang mommy ko naman sumusuporta lang kahit anong gusto ko, at anong gusto ng Daddy ko! Kaya naman pagbibigyan ko na si Daddy, payag na ako na maging engineer because I believe that parents knows best! Tama po ba Momshie Khens?" Masayang masaya silang dalawa ni Mommy habang nagkukwentuhan.
YOU ARE READING
Eyes MET | On-going
Roman pour AdolescentsEverything has connection. When they collide, the rain will fall. They found each other accidentally and unexpectedly. They used to be so sad and lonely. Her life was supposed to be in danger all the time, but he became her knight in shining armor e...