Naghintay muna kami sa labas pero hindi naman kami gaanong nag alala, dahil hindi naman malubha ang kalagayan ni Sadako. Relax lang kami dito sa labas ng kwarto niya, si Blaster ay sumasandal ang gilid sa pader malapit sa pinto, si Reed ay nakasandal ang likod sa kabila naman sya ni Blaster, habang si Jeptah naman ay nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader malapit sa akin at ako naman ay nakatayo lang at nasa harapan ko ang pinto ng kwarto. After 5 minutes ay nagbukas ang pinto ng kwarto ni Sadako, at bumungad si Selina."Sorry for keeping you wait." Malungkot na sambit niya at napatingin sa akin at biglang nanliwanag ang mata niya. "Hi Aldritch." Baling niya sakin at tinanguan ko lang sya.
(-_-)
"We can't go unless Jazzmia is okay. Besides, this is our plan, we'll go together." Nakakunot noong sabi ni Reed sakanya at tumayo na si Jeptah mula sa kinauupuang sahig.
"She's so lucky, you're always there for her." Nakangiting sabi ni Selina sakanya pero alam mong malungkot sya dahil sa mga mata niya.
"Kahit naman ikaw, kung magkasakit ka, I'll be the first person to run to your house." Nakangiting tugon ni Reed sakanya.
"You don't need to run, this is not a race." Pabirong sabi sakanya ni Aryana at natawa lang din si Reed.
"Teka ayos lang naman kung hindi na muna sasama sa atin si Jaz pag hindi niya kaya, wag natin syang pilitin. Kailangan nyang magpahinga." Sambit ni Jeptah at wala munang sumang ayon sakanya.
"Hindi naman malubha. Don't worry Jep." Nakatingin tugon ni Selina sakanya at nag kabit balikat.
"How's Jazzmia?" Tanong ni Blaster kay Selina.
"She's fine. And she insisted, gusto nya talagang sumama for our roadtrip. We just clean her up because she's still not allowed to take a shower." Seryosong paliwanag ni Selina at sunod na nagsilabasan narin ang dalawa mula sa likod niya.
"Sakto naman na pagdating namin dito, nakahimlay parin sya sa kama niya. At mukang napagod ng husto." Nakakunot noong bungad ni Aryana.
"When I first saw her in that condition, I don't think she can still join our roadtrip." Ani Devi at umirap.
"Parang biglaan din naman kasi ang plano nyo, wala naman kayong nabanggit sa amin." Nakangising sabi naman ni Jeptah habang kinakamot ang ulo.
"Malamang, 'girls' bonding nga eh." Sagot sakanya ni Aryana na diniin ang salitang 'girls'.
"Terr tingnan mo ba." Pagsumbong ni Jeptah kay Blaster habang dinuduro si Aryana at matalim ang paningin nito sakanya.
"So can she still join now?" Seryosong tanong ni Blaster.
"Of course, nagdadamit pa sya. Hindi naman sya magtatagal. Tara, aniya sa baba muna daw tayo mag hintay." Nakangiting sabi ni Aryana at nauna na sa amin kaya hinawakan ni Blaster ang kamay niya, at magkahawak na ang kamay nilang dalawa.
"Woah, mukang pinilit talaga ni Jaz palakasin ang sarili para maka join hehe!" Ani Jeptah ng nakangisi habang naglalakad at sa hulihan nila akong lahat na naglalakad, nilingon ko pa ang pinto ng kwarto ni Sadako.
Bat parang pakiramdam ko kasalanan ko? Kasalanan ko 'to dahil niyaya ko syang lumabas at ito ngayon, ano nalang ang napala niya. Aisht. Dapat hindi ko na sya iniyaya pa. Pero aaminin kong ayokong bawiin ang naging sandali kahapon. Ang saya nung ala-ala nayon para sakin sa hindi maintindihan at maipaliwanag na dahilan.
Pagbaba namin ay may inihanda si Manang Lisa para sa amin. Limpak limpak na japanese foods, gaya ng isang set ng sushi sa isang malaking platter, at namangha pa ako sa pagkadesenyo nito. May seaweed rice balls din, taiyaki, takoyaki, iba't ibang klase ng dumplings, tofu, oden and buns, and teriyaki. I almost recognize each Japanese food, tch. I've been there.
YOU ARE READING
Eyes MET | On-going
Teen FictionEverything has connection. When they collide, the rain will fall. They found each other accidentally and unexpectedly. They used to be so sad and lonely. Her life was supposed to be in danger all the time, but he became her knight in shining armor e...