Chapter 21

27 2 0
                                    

Tumayo na ako at nauna ng patakbong lumabas ng room, paglabas ko ay deretso na akong pumunta sa court. At sa bilis kong tumakbo ay nakita ko na kung saang banda sina Aryana at Jeptah kaya dumeretso lang ako, naghihintay na silang lahat at halatang inis na inis at naiinip na ang mga mukha nila.

( ˘ ^ ˘ )

K-Kasalanan ko ito kung bakit sila nagkaganito, sana hindi nalang ako nag p-palate. Maiinis nanaman sila lalong lalo na sina Georgina, Audrey at Sony, hindi na naman nila ako t-tatantanan. Ishh..

( ˘ ∧ ˘ )

"Hoy weirdo!" Sigaw ni Georgina habang papalapit sa akin na naiirita kaya napahinto naman ako sa kakatakbo. "Alam mo kung hindi dahil sa'yo hindi ma-waste ang time ni Sir Mauii ngayon." Sumbat pa niya sa akin at lumapit din si Audrey.

( ° ^ ° )

"Malas ka talaga Jazzmia!" Singit ni Audrey at ako ang sinigawan. "Akala ko ba naman maayos ang klase ngayong hapon and I expected too much and guess what? You ruin this, so you should be the one to punish by Sir Mauii, tapos nandamay kapa?!" Nagagalit niyang tanong pero hindi nalang ako nagsalita pa.

"Oo nga nandamay kapa sa amin!" Sabi naman ni Sony mula sa hulihan.

( ˘ ∧ ˘ )

"What? Say something... Hindi ka naman pipi at bingi diba?" Sarkastikang tanong sa akin ni Georgina sa akin pero hindi talaga ako sumagot hanggang sa lumapit sina Aryana at Jeptah.

( ° ^ ° )

"Hoy ano yan?!" Tanong ni Aryana habang papalapit sa amin kaya napa cross arms si Georgina, si Audrey naman ay nakapamewang lang habang nakataas ang kilay at nagtataray. "Alam niyo kanina pa kayo!" Dinuro duro pa sila ni Aryana paglapit niya sa amin. "Ano ba ang kasalanan ni Jazzmia sa inyo?" Nagtataka pa niyang tanong at napansin ko naman na pinapanood na kami ng buong kaklase kanina pa.

( × ∧ × )

"Oo nga bakit ba ang kate ng mga pwet ninyo at gusto niyo na laging ginaganyan si Jazzmia?" Simple pero nakakunot noong tanong ni Jeptah sa kanila.

"And why do you just take side with this weirdo? You're in favour with her all the time." Nakakunot noong sabi ni Audrey sakanya. "Eh kahit nga si Selina ay hindi tumatagal sakanya, for short ayaw niya dito kay Jazzmia, can't you see? They're not close." Dagdag pa niya kaya nag react agad si Aryana sa sinabi niya.

"Bakit bigalang nakasali dito ang pangalan ni Selina? Alam mo napakachismosa mo talaga ano ba talaga ang problema mo ha?! Ang mga pakealamera na tulad ninyo ay dapat talagang puksain!-" Nagagalit nang sigaw ni Aryana sakanya.

( × ∆ × )

Nilapitan talaga ni Aryana si Audrey na parang gustong sumabunot, pero biglang pumagitna si Jeptah sa kanilang dalawa, pinipigilan niya ang nagwawalang Aryana bale kaharap niya ito at si Audrey naman ay nasa likod niya, at ang mga kaklase naman naming lahat ay nag eenjoy habang pinapanood kami ang iba ay nagchi-cheer pa, sumisigaw ng mga;

"Aud-rey! Aud-rey!"

"Audrey! Kaya mo yan! Woooh!"

"Ar-ya-na! Ar-ya-na! Aryana!"

"Yeyy! Si Aryana ang manok ko!"

"Hoy Jeptah alis ka nga dyan! Nagpapakabayani ka na naman sa bayaw mong hilaw!" Rinig ko pang sigaw sa isa naming mga kaklase kaya agad namang napatingin si Jeptah sa kung sino ang sumigaw non, si Aryana naman ay walang pakialam na patuloy lang nagwawala at gusto ng kotongan si Audrey.

Eyes MET | On-goingWhere stories live. Discover now