Chapter 32

11 2 0
                                    


Aldritch POV

Paglabas ko ng kotse ko ay naglakad na ako, habang naglalakad ay bigla kong nahagilap si Sadako at may dalawang lalakeng naka uniform na nasa likod niya at nakita ko na umiiwas sya sa mga ito. Kaya naman dinahan dahan ko ang paglalakad ko at naglakad ako sa daan kung nasaan sila.

(- _ -)

At nagulat ako ng pinagtripan na nila si Sadako. At dahil mukang kaawa awa sya at walang kalaban laban, nakialam naman ako. Grabeng Sadakong bata kawawa naman kung hindi tulungan, at yung dalawang unggoy naman pumapatol sa bata. Tch.

At pinakitaan ko sila ng swabeng moves na saktong hindi ako pagpapawisan dahil muka namang mga mahihina ang mga unggoy nato.

(- _ -)

Tch. Kalaki laking tao pero isip bata naman saka wala namang binatbat. Bata pinapatulan nyo, hindi na kayo naawa kakadating lang pinag titripan nyo na agad.

(- _ -)

Tumakbo sila na parang bulag at bingi. Kaya tiningnan ko muna ang sarili ko kung may dumi ba o wala bago ako tumingin kay Sadako. Patapon kong binalik sakanya ang bag niya, sa mukha niya mismo.

(- _ -)

Gulat na gulat syang nakatingin din sakin at sa hawak kong gift bag.

"A-Akin yan." Nauutal nyang sabi tapos nanlalaki din ang mata niya na parang gulat na gulat.

"Tch." Hindi ko muna binalik ang gift bag sakanya.

Aasarin ko pa ba to? Pero kung itutuloy ko naman baka iiyak to tapos mag sumbong sa kuya nyang mayabang. Tch. Bata pa naman to. Kanina nga muntik na syang mapahamak sa kamay ng dalawang unggoy nayon pero buti nalang dumating ako kung hindi ewan ko nalang kung saan ba patungo ang lahat ng ito.

(- _ -)

"Ano ba'to?" Kunwari tanong ko at kinapa kapa ko pa at nagulat ako ng bigla syang lumapit at inabot ang gift bag, kaya naman mabilis kong tinaas yon para hindi niya maaabot, matangkad sya pero mas matangkad naman ako. Pilit nyang inabot pero hindi talaga, hanggang sa muntik na syang ma out of balance pero nahuli ko agad sya gamit ang braso at kamay ko, at ngayon ay magkadikit na kami.

(- _ -)

Kaya natigilan sya at nakatingin parin ako sakanya ng seryoso at sya naman ay gulat na gulat parin. My left arm still wrapped around her waist, while her gift bag still here on my right hand. Bigla nya namang inabot yon and at this time, naabot niya na, pero niyakap ko naman ngayon ang leeg niya, I locked her up in my arms. My left arm is on her tummy, and my right hand is on her shoulder, kaya hirap syang maka alis, pero nagulat ako ng bigla niyang kinagat ang pulso ko kaya binitawan ko agad sya at sabay hawak ko sa pulso ko at saka ko sya tiningnan ng nakakunot ang noo. "Aisht! Bampira kaba?" Tanong ko.

"Ikaw nga b-bayolente, nambubugbog ng walang kalaban laban!" Nauutal nyang tugon.

"Tch." Ngayon ay hawak na nya ang gift bag niya.

"Babye!" Nagawa niya pang kumaway at mamaalam pagkatapos nya akong kagatin. Mabilis syang tumakbo na parang super sonic. Huminga ako ng malalim at pinakawala yon.

Tch Sadakong bata.

(- _ -)

Hindi pa man ako maka alis ay may narinig akong camera shots, kaya tiningnan ko agad kung sino at saan yon nanggaling. At dahil sa bilis kong kumilos ay nakita ko agad ang walang hiyang kumuha ng litrato. Pinuntahan ko agad, pero bigla syang tumakbo kaya tumakbo din ako.

Anak ng-don't let me chase you.

(- _ -)

Dahil sa hindi sya kabilis ni Sadako pag tumakbo ay naabutan ko agad sya. Napansin ko na walang tao sa paligid kami lang dalawa ng babae, at hawak ko parin ang collar niya sa likod. Hinablot ko agad ang camera na hawak niya, at pinaharap ko sya.

Eyes MET | On-goingWhere stories live. Discover now