Dumating na ako sa room at hindi parin nawawala sa isip ko ang ginawa ni Sadako kanina. Aisht buti nalang hindi kami naabutan. Pagpasok ko ay nakita ko agad sya na nakayakap sa likod ni Aryana. Nilagay ko na ang bag ko at saka ako umupo at tumingin sa labas. Saktong nag ring na ang bell at dumating si Jeptah ng nakangiti.
"Mga classmates! Punta daw agad tayo sa Painting room sabi ni Sir Mari!" Anunsyo nya sa unahan.
"Hanep talaga si Jeptah ohh, parang kahapon lang naging presidente, ang active na." Sabi ni King ng nakangisi.
"Hayaan mo, ngayon lang yan active pero pag tumagal hindi nayan." Nakangiwing sabat ni Aryana at pumunta na kaming lahat sa Paint room.
Nang makarating na kami sa Painting room ay sinalubong kaagad kami ni Sir Mari at umupo na kami sa kanya kanya naming puwesto. Magkatabi kami ni Jeptah.
"Listen class." Nakatingin kaming lahat kay Sir Mari. "As you can see, the materials are complete, all you have to do is draw whatever you like. You can start now." Nakangiting sabi niya at nag start na ang konti sa amin.
"Sir para kaming nag lalaro lang dito?" Tanong ng isang lalaki sa unahan niya.
"Saka Sir ang hirap mag isip." Nakangiwing sabi naman ni King.
"Kung sino man sainyo ang makahula ng gusto kong ipapaint ay magkakaroon ng perfect score. Pero hahayaan ko kayong ipaint ang gusto nyo." Na alarma naman sila pagkatapos sabihin yon ni Sir Mari.
"Ang hirap naman non Sirr... Paano po namin malalaman kung ano ang gusto nyo?" Tanong nung Natividad.
"Sir Mari can you give as a clue?" Nagpapacute na tanong ni Georgina.
"It's easy guys, let's just draw Ms. Aguas's face." Singit nung Audrey.
"Pwede pero minus 50 kayo sakin." Deretsong sabi ni Sir Mari kaya umugong ang ingay.
"Sir ang bitter naman." Rinig kong sabi ni Aryana, at nagsimula na akong nag isip kung ano ang idodraw ko. "Sir what if po napaint na namin ang gusto nyo, pero pangit naman, may points parin po ba kami?" Tanong ni Aryana.
"Depende. At yun kung magets nyo ang gusto ko. Pwede nyo idedicate ang painting nyo sa kung sino, pwede sa crush niyo, sa kasintahan or family, kahit ano at sino na basta galing sa puso nyo ang ipipaint nyo." Seryosong sabi ni Sir kaya tingin ko may naisip na kaagad sila.
"Uuyyy iba talaga yan si Serr in love na kung in love!" Singit ni King.
"Shhh shh!" Pagpigil ni Sir at natahimik naman lahat. "Baka marinig kayo ni Doc Haru magseselos yun sige na." Seryosong bulong niya pero alam namin na biro nya lang yon kaya natawa naman sila. "Basta talaga usapang ganyan buhay na buhay ang diwa niyo."
(-_-)
Nature. Scenic view ang ipepaint ko.
"Pagkatapos nyan, magpreprensent kayo sa unahan. Explain nyo kung bakit yan ang napaint nyo." Sir Mari.
Gusto kong magpahinga sa ganitong view. Tahimik, at kung saan makakalanghap ka ng sariwang hangin at saan ka makakahanap ng peace of mind. Saka kahit hindi naman ako pagod ay gusto ko ng mahabang pahinga sa ganitong lugar.
"Ohhh haysssttt! Pati ba naman dito nangongopya ka?!" Singhal ni King kay Sony.
"Grabe ka, nangunguha lang naman ng ideya ang swapang mo." Ani sony. Napatingin naman ako kay Sadako at pangiti ngiti lang habang nagpepaint at mag isang nakabungis ngis.
Tch. Para talagang bata. Tsk tsk tsk.
Makalipas ang kalahating oras ay natapos na ang lahat at oras narin para mag resent sa unahan. Nauna na syempre si Georgina.
YOU ARE READING
Eyes MET | On-going
Ficção AdolescenteEverything has connection. When they collide, the rain will fall. They found each other accidentally and unexpectedly. They used to be so sad and lonely. Her life was supposed to be in danger all the time, but he became her knight in shining armor e...