Chapter 48

1 1 0
                                    


Aldritch's Pov

(-_-)

Ganito lang ang mukha ko pero shete kinakabahan ako. Hindi ko alam ang pakiramdam kung natatae ba ako o nasusuka.

"Hello kamusta? Ako ang tatay ni Jazzmia." Inabot niya ang kamay niya sakin at tinanggap ko rin naman agad yon saka nagkamayan nga kami.

"Aldritch ho." Pagkilala ko kahit hindi ko pa kayang ngumiti dahil baka matanaw ang pagka kaba ko ay magalang naman na paraan ang tono ng boses ko. "Nice to meet you sir." Pahabol ko pa at nakangiti parin sya sakin. Gusto kong gantihan ang ngiti niya. Napaka sincere pero eto ako, hindi basta bastang ngumingiti sa bagong kakilala.

"Pfft! Formal." Nagulat naman ako ng natawa silang bigla except yung mayabang na kuya nung si Sadako na kanina pang madilim ang paningin sa akin. Ewan ko ba, pakiramdam ko, nag aagawan ang sunshine at storm sa paligid ko. Syempre nagulat kaya ako sa  inasal ng tatay ni Sadako matapos nyang sabihin yon, ayaw nya nga talaga sa pagiging mabiglang pormal ko. Akala ko ang ginagawa ko ay pagiging magalang lang, naging pormal na pala. "Kahit ano na gusto mo itawag sakin basta gusto ko parang magkatropa tayo dito hahaha! Magkaklase ba kayo ng anak kong si Jazzmia?" Nakangiting tanong niya sakin.

"Oho." Maikli kong tugon at kalmado parin ako syempre kunwari para hindi pansin.

"Maraming salamat talaga Aldritch, tatanawin namin na malaking utang na loob ang pagligtas mo kay Maveez." Bigla naman syang nagpasalamat sa akin at may biglang nahagilap ang mata ko kaya tiningnan ko agad yon. Si Sadako mula sa hagdanan na pababa narin.

Ano ba 'to, hindi ko agad maalis ang paningin ko sakanya!

(•_•)

Kinawayan niya si Aryana habang nakangiti at ginanon din sya nito at napatingin na silang lahat sakanya.

Shete. Ang ngiti nayan.

(•_•)

Napakamao naman ako sa hindi malamang dahilan, pero kunwari hinawakan ko na lamang ang damit ko. Napatingin sya sakin at parang hindi inexpect na pupuntahan ko sya—puntahan ko ang bahay nila. Ngumisi ako sakanya at parang nabigla sya, hindi niya inaasahan yon, pero sinusubukan nyang ihandle ang sitwasyon. Tumingin nalang sya sa mga steps habang bumababa na parang iniiwasan niya ang paningin namin.

(-_-)

"She's really cute." Nakangiting bungad ni Reed ng nakatingin parin sakanya.

"Suss! Akala ko ba wala na?" Nakangising tanong ni Jeptah na mukang nang aasar pa pero mahina lang, ewan ko kung naririnig ba nila kasi rinig ko nasa tabi ko si Jeptah.

(-_-)

"Wag ka ngang ganyan, stop it. Her dad and brother are here." Bulong naman ni Reed sakanya at natawa nalang si Jeptah.

"Maganda talaga yang Jazzy namin!" Proud namang sabi ni Aryana. Ang lakas ng boses niya, kaya naman nagulat sakanya si Blaster na nasa likod niya rin. Umiling na lamang ito sakanya at binaling na ang paningin kay Sadako.

"Give around of applause to our beautiful fairy princess." Nakangiting sabi ng tatay ni Sadako na parang mag aanunsyo at natawa naman ito sakanya.

Aaminin ko, dahil wala naman masamang mag salita sa ano man ang naobserbahan. Ang cute ni Sadako pag tumawa at ngumiti, nangingibabaw ang crooked teeth niya na mala bampira at yon ang nagdala sakanya at kinaganda naman nya at bagay na bagay sakanya. Ewan ko ba, ang weird ng obserbasyon ko. Pero yun, sa napapansin ko ngayon sa ayos nya ay elegante syang babae kahit simple lang ang ayos at casual dress lang ang suot, masasabi mo na elegante syang babae. Ang puti kasi tapos puti pa ang suot, pero bagay sakanya, simple lang pero kakaiba ang dating niya pag nakaayos. Pinansin ko ang hairpin niya na may butterfly sa dulo. It emphasizes her beauty, ang linis nyang tingnan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Eyes MET | On-goingWhere stories live. Discover now