Nasa gitna kami ng roadtrip at syempre sino ba ang hindi mag eenjoy? Grabe kung sainyo ang babaw ng kaligayahan ko pero ganon talaga hindi ako mahirap pasayahin. Habang nagpapatugtog si Selina ng kanta, ay kami naman ni Devila ang sumasayaw at nakikisabay sa likod. Tawa lang ng tawa habang sumasayaw at nag dadrive si Selina at si Jaz naman ay panay kain pero nakikita naman sakanya na nag eenjoy din sya, simpleng galaw lang ang ginagawa niya pero alam mong masaya sya. Nakajacket at bucket hat sya oh diba mas lalong mainit? Pero kailangan nya yun para hindi sya ma exposed talaga sa araw.
"...I don't care! Ang lupit!" Pagkanta ko kahit sintunado.
"It's I love it! Duh." Bulalas naman ni Devila at humiyaw sa ere.
Eh? Ganon palaaa. By Icona Pop yun kung sino man kayo ang hindi pamilyar mwheheh. Sa beat at pagkalive ng kanta ay syempre yumuyugyog din katawan namin, feeling ko ganon din ang kotse ni Selina.
"Next song!" Ani Selina habang nagmamaneho at sya na mismo ang nag next. Nang nag play na ay sumabay din kami sa bawat tugtog nito.
{Now playing: Bang Bang by Jessie J feat. Ariana Grande & Nicki Minaj}
"She gotta booty like a Cadillac but I can give it to you all the tiiimmmmeeee!!!!" Birit ni Selina.
"She gotta body like an hourglass but I can sechuwonchuolmaydrayvuooohhhhh" Ako naman tapos si Devila na habang si Jaz naman ay tawa lang ng tawa bang nakalingon sa akin matapos kong kumanta.
Hay nako, kakaiba talaga pag ako kumanta mapapabilib lahat lalong lalo na si Jazzy. Ilang oras kaming nag roadtrip until we had enough saka hindi kami maaring gabihin lalo na si Jaz at ang dalawa ay hindi pa nakapag beauty rest bukas pa naman yung party. Ako kahit hindi na mag beauty rest kasi beauty ang mag rerest sakin hindi ako. Duhh!
Hinatid muna kami ni Selina sa mansion nila Jaz. Bumaba na kami ni Jaz at hinintay rin silang dalawa ni Devila maka alis.
"Salamat ah! Nag enjoy kami." Nakangiti kong sabi.
"Yes. I enjoyed too." Nakangiti ring tugon ni Selina.
"See ya tomorrow. I'll text the boys na nakauwi na tayo." Seryosong sabi naman ni Devila.
"Nako! For sure nasa pub pa yon, baka bukas sa party may hangover pa 'yon." Nakakunot noo kong sabi naman at natawa naman si Selina.
"Sanay naman na sila saka hindi yon pupunta sa party pag alam nilang may hangover pa sila. You know." Nakangising ani Devila.
Oo alam ko, hindi ako tanga. Chariz!!!! Hahahhahahah!
"I'm just worried about Aldritch, baka hindi sya sanay uminom." Nakangiting sabi naman ni Selina pero nababakas sa mukha nya ang pag aalala.
"Wag mong alalahanin yon, ang alam ko ay mahilig yon sa kape at hindi alcoholic tulad nung tatlo, Oo sya sige, pasok na kami mag ingat kayo sa daan ha." Sabi ko sabay talikod at inalalayan si Jaz na pumasok na.
"BaByeeeeee!!!" Pagbabye pa ni Jaz sa dalawa kaya kumaway at tumango naman ang dalawa bago nagmaneho para umalis at umuwi na. Naglakad na kami papasok sa tahanan nila Jaz.
"Ikaw, nag enjoy kaba?" Tanong ko sakanya habang inaakbayan na parang kinakausap ko bata. At nagulat naman ako na mayroon palang apat na men in black na nakapaligid sa amin.
"Of course! Especially now that you're going to sleep with me tonight." Nakangiti nyang sabi at agad ko namang dinikit ang pisngi ko sa pisngi nya at pinanggigilan ko sya. Nagulat naman ako ng biglang nag vibrate ang phone ko sa bulsa kaya agad ko yun hinablot para tingnan. Gulat yan.
YOU ARE READING
Eyes MET | On-going
Teen FictionEverything has connection. When they collide, the rain will fall. They found each other accidentally and unexpectedly. They used to be so sad and lonely. Her life was supposed to be in danger all the time, but he became her knight in shining armor e...