Chapter 22

24 2 0
                                    

Nakalipas ang oras ay huminto na ang kotse ni Blaster na sa tingin ko ay nasa tapat na kami ng bahay nila Aryana at nag work nga ang pagpapapanggap ko na tulog dahil hindi na ako pinansin ni Aryana at Blaster. Kaya nga nag concentrate lang ako kahit inip na inip na ako dito tapos nararamdaman ko na mainit na ng kinauupuan ko, gusto ko na talaga mag move at bumaba dito sa kotse.

"Thanks Hon." Rinig kong pagpapasalamat ni Aryana kay Blaster.

"Anytime Hon. Please do my assignment, I can't wait for the answer." Seryosong bilin ni Blaster sakanya.

"What? Ano? Anong maaasahan mo sa akin Hon? Kahit nga ako nangongopya lang kay Jazzmia." Hindi makapaniwalang sabi ni Aryana.

"Just do your best Hon, I know you can answer it I'm hoping." Seryoso paring sabi ni Blaster.

"Pshh! Kay Jazzmia ka nalang tinatamad pa nga ako eh, nag iisip pa ako kung ano ang i-dodrawing ko sa subject ni Sir Mauii. Alam mo bang hindi ako marunong mag drawing?" Tanong ni Aryana sakanya.

"Hindi." Maikling sagot ni Blaster.

"So ngayon alam mo na, kaya magpa answer ka nalang kay Jazz, keribels din nya yan! Hm! May tiwala ako sa batang yan." Masayang sabi ni Aryana.

"Tsh. What's keribels?" Nagtatakang tanong ni Blaster.

"Hay nako ewan ko sayo Hon, basta asahan mo nalang si Jazzmia pagdating dyan." Sabi ni Aryana.

"Ayoko, gusto ko ikaw." Seryoso paring pagpupumilit ni Blaster.

"Juice mother-Oo alam ko na ako yung gusto mo-"

"Ikaw lang yung gusto ko." Seryosong pagputol ni Blaster sa sinabi niya.

"Ano ba? Baliw! Sira ulo ka ba?" Kunwari pinipigilan niya ang tawa niya.

(◡ ω ◡)

Kahit nakapikit ako ay p-pinipigilan ko rin na m-makilig sa kanilang dalawa. Hihihi.

"Hon sigi na, I'm begging you my love." Malambing na pagpupumilit ni Blaster.

"Psh sira ulo ka talaga Oo, sigi na nga nasan na?" Tanong ni Aryana.

"Here." Tugon ni Blaster at parang may inabot. "Thanks Hon. I just can really count on you."

"Hehe okay." Tanging tugon din ni Aryana sakanya, at narinig kong binuksan nya na ang pinto ng kotse.

"Wait." Biglang pagpigil ni Blaster.

"Oh baket?" Tanong ni Aryana.

"Can I kiss you goodbye?"" Tanong ni Blaster kaya hindi ko na napigilang ngumiti. Hihi

"Psh. Anong kiss you goodbye? Hoy aansweran ko pa lamang ito kaya asahan mong wrong ang magiging answer ko dito tsaka answer mo narin."

"Just a kiss."

"Sira ka talaga ang mapilit mo akala mo natutuwa ako dyan sayo." Pinipigilan nalang ni Aryana ang kanyang tawa, parang nakikilig na nga sya.

Eyes MET | On-goingWhere stories live. Discover now