Chapter 13

36 2 0
                                    

UwU

Ishhh... Nakakainis ka talaga Champ! Napabuntong hininga pa ako bago pumasok sa room at walang lingon lingon na deretsong naglakad papunta sa desk ko. Hay nako kahit saan ilagay ang mga taong 'to, sobrang ingay parin! °__°

"Kon'nichiwa Jazzmia!!!" Salubong sa akin ni Aryana, kaya napangiti naman ako sakanya at kumaway. :") Napatingin din ako kay Jeptah na kausap ang katabi niya at napabaling naman ang paningin ko kay Ryuk.

°__°

Wala parin syang emosyon na nakatingin sa akin ng deretso! Akala ko ba matapos nung mga nangyari kahapon hindi na sya ganyan? >^<

"Uhmm... T-Thank you.." Mahinang usal at baling ko sakanya. Pero wala parin syang ekspresyon na nakatingin sa akin..

×^×

Napahiya tuloy ako!

Tahimik lang syang napabaling ng deretso sa unahan kaya napanguso akong umupo ng maayos, napatingin naman ako sa unahan....

OwO

Bahagya naman nanlaki ang mata ko nung kanina pa pala nakatitig sa akin si Aryana at may makikitang malisya ang pagkatitig niya! Ishhh.... °^°

"Himala ah? Bigla kayong nag kausap! Ano ba ang nangyare?" Bungad at tanong pa niya ng nakangisi ng nakakaloko kaya ngumuso nalang ako. "Jazzmia... Kelan ka pa ba nagkaroon ng utang na loob kay Aldritch? HA HAAAA" Nakangisi niya pang hirit. Ishhh... ×^×

Oo nga pala, hindi ko pa pala nasabi sakanya ang tungkol don, at wala naman silang malalaman sa Ryuk na'to, eh hindi naman ito nagsasalita. Hmmp! ×.×

"Jazzmia! Ayos ka lang ba? Hindi kaba nasaktan?! Ang sabi sa akin ni Acey ay kinuha ka na naman daw ng mga clowns na'yun!" Biglang baling sa akin ni Jeptah nung napalingon na sya sa amin. At nanlalaki ang mata niya sa pag aalala.

"Ssshhhhh!!! Huwag ka ngang maingay! Ang lakas ng bunganga mo..." Pabulong na suway sakanya ni Aryana at pinalo pa sya gamit ng book kaya napapiksi naman si Jeptah.

"Arayyy! Sorry naman!" Pabulong niya pang sigaw at napakamot sa ulo niya tsaka bumaling ulit sa akin. "Sorry Jazz, pero hindi na kita binisita sa mansyo niyo para makamusta ka man lang... Ang sabi kasi ni Acey ay nakauwi na raw si Kuya Drae kaya sabi ko bukas nalang... hehe" Nakangisi at nahihiya nya pang sabi kaya bumungis ngisi nalang ako.

Grabe, kahit kailan ay takot parin sila kay Onii-chan!

OwO

"Ay ako rin Jazzmia, hindi kasi ako inupdate nitong si Jeptah..!" Nanggigigil pang baling ni Aryana kay Jeptah bago bumaling ulit sa akin. "Pero Spade! Ikwento mo nga sa amin, ano na ang nangyari-"

"Good morning class." Pumasok na si Ms. Aguas. Kaya natahimik ang lahat at napaupo ng maayos. Grabe si Miss, ang bata at ang ganda ganda niya pero sometimes napapansin kong bad mood sya, ano naman kaya ang problema nilang dalawa ni Sir Mauii? °^°

Nag anunsyo narin si Ms. Aguas kung sinu-sino naman ang mga nakapassed at mga nafailed sa quiz, hihi syempre, perfect yung resulta ng quiz ko. UwU Napansin kong problemado rin ang iba dahil baka na failed sila, napansin ko ang mga nabuong ekspresyon nina Jeptah at Aryana, at sigurado akong magbubulyawan nanaman sila mamaya dahil naging magkaiba at hindi tama ang mga sagot sa mga ginawa nilang kodigo. Hihihi.. Grabe, binansagan pa naman silang mga The Great Cheaters. Pero pagdating naman sa mga mahal nila sa buhay, hindi sila cheater. UwU

Eyes MET | On-goingWhere stories live. Discover now