Chapter 38

1.5K 83 40
                                    

Francine pov..

          Segundo lang, nang binitawan ko din sya kaagad.. At kusang napangiti nang makita, kung paano naka-pikit nang husto ang kanyang mga mata.. "Aminin mong- namiss mo ako.." Malambing kong turan. Pagkasabi ko sa katagang yun, tsaka lang sya maagap na napamulat.


          "At- nagseselos kay Grace.." Dagdag ko pa. Para lalo siyang asarin at mukhang effective, nang salubungin ako nang tingin. At matalim ang tinging pinukol nito sa akin..

           "Ano, habang buhay ka na lang magmumumok diyan! Kung pairailan mo yang kaduwagan mo, walang mangyayari saiyo.. Kung mahal mo talaga sya- aba!  Ipaglaban mo bago pa  tuluyang mahuli ang lahat. Once na pumayag si Althea na magpakasal kay Jared, lalo ka lang mawalan nang pag-asa.."


         Sermon nang kaibigan kong si Ligaya. Simula kasi nang nalaman kong tuluyan nang sumama ang mag-ina.. Parang hindi ko na alam kong papaano haharapin ang bawat bukas. Palagi lang akong nagkukulong sa kuwarto at hindi makapag concentrate sa mga bagay bagay.


         Ilang araw na lang magsisimula na ulit ang pasukan.. Pero parang nawawalan na ako nang interes sa pag-aaral. Parang gusto kong- magpakalayo layo muna. Yung parang ginawa ni Mama noon, siya nalang yung nagpa-ubaya at nagparaya.


            "Puntahan mo siya! Kung hindi ka kikilos, talagang walang mangyayari. Habang buhay mo yang pagsisisihan, sinasabi ko na saiyo!! Anong silbi nang tinatamasa mong pag-angat ngayon kong hindi ka din masaya.."


          Dagdag pa niya. Basta, madami pa siyang sinabi! Daig pa nito ang Mama ko kong makapag-sermon at yung iba hindi na pumasok sa isip ko. Ang paulit-ulit ko nalang naririnig sa utak ko- yung sinabi nitong huwag akong magpaka-duwag!!


         "Umalis ka na nga!" Patulak niyang taboy. Pero hindi naman yun malakas at biglang tumulis ang kanyang nguso. Kaya hindi ko napigilang napangiti, dahil ang cute cute lang nito pag gumaganun. Pag hinalikan ko siya ulit, hindi ko na siya bibitawan.


           "Totoo namang may Grace kana diba! Tapos ang lakas parin nang loob mong pumunta dito at sabihing mahal mo ako!? Kalokohan!" Seryoso naman niyang litanya. Dahilan upang magseryoso na din ako nang sandaling iyon. Baka mamaya, tuluyan akong ipagtabuyan.



           Pagkakataon ko na to' para masabi lahat nang nilalaman nang aking puso. Napahugot ako nang malalim na paghinga. "Alam mo, sabihin mo na ang totoo- kesa madadagdagan na naman yung kasalan mo sa kanya! Abvious namang mahal ka niya, base na din sa kwento mo. Kung papaano sya makatingin sa inyo at si Grace. Dahil sa pride at selos kaya sumama yun Jared.."



         Ang galing talaga magpayo nang kaibigan kong yun. Samantalang never pa naman siya nakaka-experience nang mga katulad nito. Sobrang taas pa nang confident sa sarili! At dahil malaki ang tiwala ko sa kanyang  mga sinabi..



           Natagpunan ko nalang ang sariling- nasa tapat na ako nang bahay na ito. Hindi lang yun- andito na ako sa harapan mismo nang babaeng pinakamamahal ko. Kaya lang-  kong hindi ko siguro nakitang umalis si Jared.. Malamang inumaga na ako kakahintay sa labas, o baka umalis din lang ako!



           Nayakap ko ang sarili nang bigla akong nakaramdam nang ginaw. Sa lakas ba naman nang aircon, dagdag pa yung nabasa nang ulan itong suot ko. Sinadya ko talagang magpa-ulan kanina, para magpa-awa sa kanya. Mukhang effective din yung ginawa ko at pinapasok pa ako dito sa loob nang bahay- ni Jared.

            

          "A-ang totoo, hindi ko siya girlfriend..." Napapalunok kong wika at tukoy kay Grace. Kaya kita ko, kong papaano nagbago ang kanyang ekspresyon.. Pero hindi parin naalis ang pagiging-seryoso.



"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon