Chapter 41

1.6K 91 28
                                    

Francine pov..

          "Asan na yun!? Tara doon tayo..." Mariin kong ipinikit ang aking mga mata..Humahangos habang yakap yakap si Althea at ramdam ko din ang malakas at mabilis na pintig nang kanyang puso. Na lihim ko pang kinasinghap nang sandaling iyon. Pinigilan na huwag syang kumilos, hanggang sa narinig ko nalang ang mga yabag papalayo. Nang mga taong nakita kong naka-sunod sa kanya kanina..


            Dito ko siya maagap na hinila at ikinubli sa mga naka-park na mga malalaking sasakyan. Sa may gilid nang daanan. Wala naman sana akong balak na tulungan siya e- susundan ko lang din sana nang palihim.. Susubaybayan hanggang sa safe siyang makarating sa bahay nila.


            Kaya lang, mukhang hina-harass na siya nang mga lima, hanggang anim kataong pilit siyang hinahabol at kinaka-usap.. Na hindi ko naman maiwasang makaramdan nang inis sa sarili nang sandaling ito. Dahil sa kabila nang lahat, hindi ko parin pala siya kayang tiisin, lalo na sa mga ganitong sitwasyon..


          Sinusundan na kasi sya nang mga reporter o media sa iba't ibang network. Mukhang ayaw siyang tantanan.. Maaring meron nang nakapag-tip tungkol sa kanyang pinakatago-tagong sekreto. Yung tungkol kay Baby Alfred.. Hugot ko nang malalim na paghinga.


           Kunsabagay, hindi naman habang buhay ay maililihim nito ang lahat. Lalo at lumalaki na si Baby Alfie, hindi malabong pagpiyestahan ang kanyang buhay. Maangat ang career nito kumpara sa iba- marami din syang mga kakompitensiya.. Hindi malayong gagawa nang paraan ang mga nai-insecure sa kanya.. Sisiraan siya hanggang sa tuluyang bumagsak sa kasikatang tinatamasa--.


             "Francine.." Paanas na bigkas ni Althea. Dahilan upang awtomatiko ko na siyang binitawan. Tsaka, mukhang natakasan naman na namin yung mga sumusunod sa kanya.. Pagkatapos, pasimple na akong dumistansiya dito, napatikhim nang maagap na napa-iwas nang tingin.


           "S-salamat.." Naalangan pa niyang turan. Baka kasi mamaya- madadala na naman ako sa mga titig nito.. Kaya hangga't maari, ayoko nang ganito kami kalapit sa isa't isa. Masyado na akong nasasaktan sa mga nangyari at naawa na din ako sa sarili ko..

            "Mukhang kailangan mo nang humingi nang proteksyong sa manager mo. Tiyak kong- hindi ka titigilan nang mga yan, baka mamaya gawan ka pa nang hindi maganda.." Seryoso ko namang litanya.. Pero pilit huwag ipakitang may concern parin ako sa kanya.  Kaya todo ang pag-iwas na huwag bumaling sa kanyang mukha.


          Namayani naman ang katahimikan sa aming pagitan pagkatapos. Na lihim kong kinabuga nang hangin. Mukhang hindi naman na nito kailangan ang tulong ko- kaya tuluyan ko na sana siyang talikuran. Pero bago pa ako makalayo- maagap nitong hinawakan nang mahigpit at hinala ang isa kong braso. Na awtomatiko ko namang kinasinghap at kinapikit nang mariin nang aking dalawang mata.


         "N-nagkasakit ka daw!?" Turan nito sa malambing na tono.. Dahilan para mabilis pa sa alas kuwatrong nagmulat ako nang mga mata.. At awtomatikong bumilis ang tibok nang aking puso.


           K-kanino naman kaya niya nalaman ang tungkol doon- di kaya si Ligaya?  Napasinghap akong muli. Wala naman akong ibang maisip kundi siya lang. Alangan naman si Grace- hindi naman namin siya kapareho nang pinapasukang University.. Tsaka- hindi yun maglalakas loob na lapitan si Althea.


          Bigla tuloy sumikip ang dibdib ko, dahilan para ako'y mapasinghap pa lalo.. Dahil sa nangyaring nagkasakit ako- nakagawa tuloy ako nang bagay na hindi dapat. Kung mapagsamantala lang sigurong kaibigan si Grace, baka may nangyari na sa aming dalawa noong oras na yun.. Kaya naman, sobra talaga akong nagpapasalamat, k-kung pwede lang sana turuan ang puso..


"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon