Chapter 32

1.3K 94 15
                                    

Francine pov..

          "Ito na ba yung pinakahihintay kong araw-- ang araw na ako'y hahatulan ni Althea.."  Napalunok nalang ako nang sunod sunod, nang matalim ang tinging pinukol sa akin ni Althea.. Matagal ko na itong pinaghandaan, pero iba parin pala yung pakiramdam kapag andito kana sa mismong sitwasyon..

     

           "Althea anak, mabuti pa magpahinga ka muna at sa bahay nalang yan pag-usapan.." Hugot ni Tita Alicia nang malalim na paghinga at malumanay na turan. Marahang lumapit sa anak at masuyong hinagod ang balikat. Kaya lihim na naman akong napapabuga nang hangin, tsaka napabaling sa ibang direksyon..

          

            
           "Hindi Ma! Hindi ko na to' maipagpapaliban pa.." Seryoso naman nitong katuwiran. Na awtomatiko kong kinasinghap nang sandaling iyon, habang hindi parin ako nakatingin sa kanya nang diretso.


           "Matagal na akong kinukutuban e, pero lahat nang iyon pilit kong huwag pagtuunan nang pansin.. Dahil wala naman akong pruweba.. Kaya kung hindi ho ninyo mamasamain Mama-- pwede bang iwan niyo nalang muna kami ni Francine!?"


          "Anak, kakapanganak mo lang- makakapaghintay naman yan at pwede namang idaan sa magandang usapan--."

         "Mama please.. Iwan niyo muna kaming dalawa!!" Maagap nitong putol at ma-awtoridad parin niyang turan sa kanyang Ina.. Na lihim ko namang kinahugot nang malalim na paghinga. Alam ko namang may pagka-spoiled brat siya, kaya ganyan.  Kinakaya kaya lang niya si Tita Alicia.


            Habang ako nama'y nanatili lang sa aking kinatatayuan at hindi mawari kong anong mararamdaman ko.. Tila tako na takot'- kunsabagay matagal na akong takot kay Althea. Pero kahit ano mang mangyari, nakahanda na kong aminin sa kanya ang lahat- iisa-isahin ko pa kung kinakailangan.. At handa akong pagdusahan iyon!


           "Okay s-sige.." Pagkuwa'y napipilitang sang-ayon ni Tita Alicia. Makalipas ang ilang segundo.. "Amina muna yang apo ko, nang sa ganun makapag-usap--." Akmang kukunin sana nito si Baby Alfie, pero maagap itong iniwas ni Althea.. Dahilan upang, bigla din siyang natigilan.


           Wala itong nagawa nang kundi- magsawalang kibo nalang. Ako tuloy ang nahihiya kay Tita Alicia.  Lalo na nang marahan na itong humakbang patungong pintuan. Bago ito tuluyang lumabas nang silid-- marahan pa nitong isinarado ang pinto. Ngayon, kami nalang ni Althea, lalong hindi malaman kong anong gagawin..


           "Babe-- tama si Tita, hindi mo pa nababawi yung lakas mo. Pwede namang- pagkalabas ninyo ni Baby nang hospital. Tsaka natin pag-usapan nang maayos ang lahat.." Naalangan man- pero nilakasan ko nalang ang loob ko.. Tsaka nagpasyang marahang humakbang papalapit sa kanya. Na awtomatiko ding kumabog nang husto ang dibdib ko. Samantalang wala naman ito kanina.


           Nakakabahala kasi yung biglaang pananahimik nito, habang naka diretso lang ang tingin sa akin. Ni hindi man lang kumukurap.


           "Babe.." Marahan akong lumuhod sa kanyang harapan nang tuluyan akong nakalapit.. Kahit anong mangyari, nakahanda na ako. Kahit anuman ang kahihinatnan nang lahat!!  Turan ko sa sarili- at nagsimulang manginig ang aking mga kamay.


             Karga karga nito si Baby Alfie at masuyong hinehele na himbing na himbing naman sa pagtulog. Nakakagalak dahil isang itong napakalusog na sanggol.. At habang pinagmamasdan ko ito, hindi maitatangging-- marami siyang nakuha kay Jared. Na hindi ko maiwasang kinaramdan nang kirot sa aking dibdib. Na hindi naman dapat, dahil sya parin ang ama nang bata! Tiyak kong napansin na rin ni Althea ang bagay ba yun.


"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon