Francine pov..
"P-pagpasensyahan mo na kong may kasikipan itong tinitirhan ko. Ito lang kasi yung afford ko e--" Natigilan at napa hugot nalang ako nang malalim na paghinga. Pagbaling ko kasi kay Althea, tulala ito at halatang lutang ang isip. Alam ko namang wala sa loob nito, nang sabihin kanina habang lulan kami nang taxi na kong pwedeng sa akin muna siya makikitulog ngayong gabi.
Hanggang sa nakarating kami ay wala na syang kibo at sobrang lalim nang iniisip. Inilibot ko din ang paningin ko sa loob nang apartment. Ito lang kasi yung murang boarding house na malapit lang sa university kong saan ako nag wo-working student at kahit papaano ay yung safe at komportable ako.
Hindi din lingid sa aking kaalaman na doon din nag-aaral ang aking kababata slash naging kaaway,slash naging-- idolo. Oo Iniidolo ko siya sa maraming bagay at umaasang balang araw magkaka-ayos din kaming dalawa.. Ang buong akala ko hanggang tanaw ko nalang sya sa malayo. Pero ngayon- hindi ko inasahang mangyayari pa ang katulad nito. Hindi lang basta nakalapit, nakausap kundi kasama ko ito at- makakatabi sa pagtulog.
"A-althea.." Naalangan kong tawag. Pero mukhang wala parin syang naririnig. Kunsabagay, ikaw ba naman ang taguan nang kasintahan matapos malamang dinadala nang sinapupunan mo ang inyong magiging anak. Napaka irresponsibleng ama!!
Buti sana kong nasa tamang edad na siya-- nasa tamang edad naman na kaya lang kasi.. Syempre, hindi pa nga nakakapag tapos sa pag-aaral ano nalang kaya ang sasabihin nang mga magulang niya. Lalo na ang Papa nito at sa pagkakakilala ko-- may pagka istrikto--
"Ano nang gagawin ko!!!" Napo-frustrate nitong wika. Nakaramdam ako nang awa, habang pinagmamasdan ko syang pabalyang naupo sa gilid nang aking kama. Pagkatapos- mariin niyang naihilamos ang dalawa nyang palad sa mukha. Pagka tanggal nang dalawang kamay ay hilam na nang luha ang kanyang mga mata.
Napa awang tuloy ang labi ko habang naka focus sa kanya ang mga mata ko. Nakaka impress lang, ganun sya kabilis na umiyak!?
"Anong tinitingin tingin mo!" Pagtataray nito at sinabayan pa nang pag irap. Napasinhap tuloy ako sa hiya. Bigla kasi itong mag angat nang mukha at nagtama ang aming mga mata. Luh! Sungit, hanggang ngayon- hindi pa rin naalis yung katarayan nya simula nang bata palang kami.
"Ahm- o-okay ka lang ba!" Nauutal ko tuloy na wika. Ewan ko ba, bakit ako nagkakaganito tuwing kakausapin ko sya. Pinipilit ko namang maging maayos ang aking pagsasalita, tsaka noong mga bata kami hindi naman ako ganito makipag-usap sa kanya.
"Sa palagay mo- maayos lang ba ang sitwasyon ko! Kung palit kaya tayo nang kalagayan.." Pairap na naman niyang turan. Sabay mariing isinuklay ang mga daliri sa kanyang buhok.Yan- ganyan kasi siya makipag-usap sa akin, palagi nalang may pagulat factor. Bumibilis tuloy yung heart beat ko.
"Ibig kong-- ibig kong sabihin kong komportable ka ba dito sa place ko-- kong--"
"Pinagtatabuyan mo yata ako e!" Putol nya sa sinasabi ko sabay tayo.. Napa awang tuloy ang labi ko at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan. A-ano bang pinagsasabi nya- "Fine, kong hindi din lang pala ako welcome. Hahanap nalang ako nang lugar na pansamantalang magpapawala nang problema ko..'' Napa buga nang hangin pa niyang litanya.Akmang aalis na sana, pero maagap kong nahila ang isa niyang braso.
Eih-- hindi naman yun yung ibig kong sabihin.. Nagpanic bigla ang kalooban ko.. Okay na okay nga sa akin na andito sya ngayon. G-gustong gusto ko. "Althea naman.."Parang bata kong maktol. "P-pwedeng pwede ka dito hangga't gusto mo!" Wala tuloy sa loob kong bigkas. Seryoso naman syang napa titig sa mukha ko nang sandaling ito.
BINABASA MO ANG
"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)
RomanceGirltogirl story... Magkababata sina Althea at Francine dahil magka sanggang dikit din ang kanilang mga magulang (Ina). Hindi lang sila basta matalik na magkaibigan, para na silang magkapatid. Si Althea ang nagsilbing ate dahil mas mata...