Chapter 22

1.8K 96 34
                                    

Althea pov..

              "Francine.." Napaawang ang aking mga labi, pagkarinig sa kanyang huling sinabi. Marami akong gustong sabihin- itanong nang sandaling iyon, subalit bigla nalang naumid ang aking dila. Sumabay pa ang mabilis na pagkabog nang aking dibdib.

           T-totoo bang mahal niya ako? Baka naman- mahal bilang kaibigan- o kapatid, bilang isang kababata. Hayys!! Pati tuloy ako biglang naguluhan-

              "Y-yung phone mo, tumutunog. Mukha yatang may tumatawag..'' Untag nito. Dun lang ako biglang natauhan at napakurap ang aking mga mata.. Oo nga- tunog nga nang tunog ang cellphone kong nasa loob nang aking shoulder bag.


             Taranta ko tuloy itong hinagilap, ewan ko kong pansin nito ang panginginig nang aking mga kamay. Hanggang sa bigla nalang nalaglag sa sahig ang hawak-hawak kong bungkos nang susi.  Na siyang pakay ko sana kaya ko sya sinundan dito sa itaas.


           Tssk!! Ano bang nangyayari sa akin, para akong kinakabahan na ewan! Dinampot ko yung mga susi, kaya lang kamay na pala ni Francine ang aking nahawakan. Nang hindi ko namalayan ang paglapit nito at naunang nakapulot niyon.

          Nagpa-angat ako nang mukha at nagtama ang aming mga mata. Ngunit, maagap itong napa-iwas nang tingin. Mabilis na binawi ang kamay, umayos nang tayo, pagkatapos bigla nalang akong tinalikuran. Mabilis na tumungong muli sa may pintuan.

         Napahugot nalang ako nang malalim na paghinga habang pinagmamasdan ko sya. Halata namang galit ito- hindi ko naman kasi malaman kong anong isasagot ko sa mga sinabi nito. Masyadong komplikado ang mga bagay bagay at hindi ako makapag-isip nang maayos.

 

          Dumagdag pa itong kanina pa tawag nang tawag, mukhang ayaw yata akong tantanan. Napapabuga tuloy ako nang hangin at walang ganang hinagilap ang aking cellphone. Muling nataranta nang makitang tumatawag si Mama..

            "Hello Ma.." Wala sa sariling turan ko. Matapos sagutin ang tawag. Kusa pa akong napalingon kay Francine, kaya lang saktong ipinapasok na nito ang ibang mga gamit sa loob nang kuwarto. Mukhang hindi na nito narinig na kausap ko si Mama.

          
            "Althea, wala ka bang balak umuwi- bakasyon naman! Nagtatanong ang Papa mo.." Bungad ni Mama. Awtomatiko naman akong napapikit nang mariin at mapalunok nang sunod sunod.

           Huling uwi ko pa yata- bago ko pa malamang buntis ako. Ah- basta halos hindi ko na matandaan kong kelan, dahil halos hindi na din ako komokontak sa kanila.

          Marahan akong humakbang papababang muli nang hagdanan, habang nakatutok sa kanan kong tainga ang aking cellphone. "Hello, Althea naririnig mo ba ako!?" Napapagat labi nalang ako nang muling magsalita si Mama.

          "Ma- pasensya na po kayo pero mukhang malabo akong makauwi.. N-nasa Batangas kasi ako ngayon- Uhmn! Kasama ko si Tita Ashtrid--."

          "Okay okay na! Naiintindihan ko.." Maagap nitong putol sa sinasabi ko. Rinig ko pa ang paghugot niya nang malalim na paghinga.. Kapag ang manager ko kasi ang kasama ko, kampante kaagad si Mama. Lihim tuloy akong napabuga nang hangin.

           Hindi ko alam kong hanggang kelan ko maitatago sa pamilya ko ang aking kalagayan.. Sobrang takot ako sa magiging reaksyon nila, lalo na si Papa. Sa oras na malaman nila ang nangyari sa akin--.

   

           "Basta anak, palagi ka sanang mag-iingat. Ako nalang ang magpapaliwanag sa Papa mo.." Malumanay nitong wika. Na awtomatiko ko namang kinangiwi. Napakurap-kurap, nang naramdamang nag-iinit ang sulok nang aking mga mata.

"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon