Althea pov..
Rinig ko ang malakas na pag-iyak nang isang sanggol, kaso wala na talaga akong lakas para imulat ang aking mga mata. "Napaka lusog na baby boy.." Marahan akong napangiti at pumatak ang ga-butil nang luha sa aking mga mata. Luha nang kagalakan, dahil sa wakas dumating na ang oras na aking pinaka-aasam asam. Salamat sa Diyos at walang masamang nangyari sa amin nang baby ko..
G-gustong gusto ko na siyang mahawakan- makita, mayakap at mahagkan. Kaya lang, nasaid na ang buong lakas ko nang sandaling iyon. Hanggang sa tuluyan na akong iginupo nang matinding antok--.
Hindi ko alam kong anong oras na o araw o kung ilang oras akong nawalan nang malay. Dahil pagmulat nang mga mata ko, nasa isang kuwarto na ako. Puro puti lang ang aking nakikita.. Wala na ding mga komosyon sa paligid ko.. Ang mga nurses na hindi magkanda-ugaga, ang doctor at ang aking pamilya na labis ang pag-aalala..
"Mama!" Bigkas ko nang biglang maalala. A-ang Mama ko- andito ang Mama ko! Alam na niya ang lahat- mabilis pa sa alas kuwatro akong napabangon mula sa pagkakahiga. At nagsimulang magpanic ang aking kalooban..
"Althea.. Ayos ka lang ba- M-may masakit ba saiyo?" Maagap akong dinaluhan ni Francine. Halatang naistorbo ito mula sa pagtulog at bakas nang pag-aalala ang kanyang mukha. Natatandaan kong kasama nito ang Mama ko- sinet-up nila ako!!
"Asan ang anak ko.." Cold kong turan. Pagkatapos, pasimpleng tinanggal ang mga kamay nito sa aking braso.. Akala ba niya, makakalusot na sya- mamaya lang at kailangan naming mag-usap nang masinsinan!! Gusto ko munang unahin yung anak ko, nasasabik na akong makita sya.
"Maayos s-siya, andun sa nursery room at binabantayan nang kanyang dalawang lola.." Masigla nitong balita. Pero kaagad ding naglaho ang kanyang mga ngiti nang matalim ang tinging pinukol ko sa kanya. "M-mamaya dadalhin na sya dito nang nurse- wait lang ha tawagin ko lang yung doctor para ipaalam na gising ka na--."
"Ano bang nasa isip mo ngayon Francine!?" Awtomatiko itong natigilan. Akmang hahakbang na sana ito patungong pintuan. Pagkatapos nun- marahang pumihit paharap muli sa akin..
"I'm so sorry babe- mamaya ko na ipapaliwanag saiyo ang lahat.." Malumanay naman nitong wika.
"Puro ka nalang si paliwanag.." Kontra ko naman. Tsaka mabilis na napa-iwas nang tingin. Rinig ko ang sunod sunod nitong paghugot nang malalim na paghinga.. Pero naiinis talaga ako sa kanya.
"Babe.." Naramdaman ko ang masuyong paggagap sa aking dalawang palad. "May naisip ka na bang pangalan ni Baby- kasi kailangan na syang mai-register.. Dadalhin na nang doctor yung form." Malambing parin niyang wika. Pilit na inaabot ang aking pisngi, pero maagap parin akong napapa-iwas. Mukhang sinasadya kasing huwag pansinin yung inis ko- iniiba agad ang usapan.
Naisip ko na lahat ang bagay na yan bago pa ako manganak, kung kanino ko ipapa-apilyedo yung anak ko.. Siyempre sa akin dapat, dahil wala namang karapatan si Jared sa kanya. Hindi ko tuloy napigilang mapahugot nang marahas na paghinga.. "Siya si Baby A-alfie.." Turan ko. Pero ayoko parin siyang tignan. Hindi parin mawala wala yung inis ko- bakit bigla bigla ay kasama nito si Mama.
"Okay. Tawagin ko muna si Doc ha!" Mariin akong hinagkan sa bumbunan. Na kusang kinapikit nang aking mga mata, hindi na din ako kimontra nang tuluyan itong lumabas nang kuwarto.. Muli ay napapahugot nang marahas nang paghinga, habang mag-isa nalang ako.
BINABASA MO ANG
"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)
RomanceGirltogirl story... Magkababata sina Althea at Francine dahil magka sanggang dikit din ang kanilang mga magulang (Ina). Hindi lang sila basta matalik na magkaibigan, para na silang magkapatid. Si Althea ang nagsilbing ate dahil mas mata...