Chapter 14

1.7K 96 16
                                    

Althea pov..

              Pansin ko ang papanahimik ni Francine pagkatapos naming kumain nang hapunan. Matapos sinabing pupunta daw si Tita Fiona dito bukas para pag-usapan tungkol sa sitwasyon ko..  Awtomatiko naman akong napangiti, tsaka marahang dinala ang isang palad ko sa aking puson.  Habang ako'y naka-upo sa kama, masuyo kong hinihimas himas ang medyo maumbok ko nang tiyan.


                  Kunsabagay, sanay naman akong ganyan sya yung tipong hindi talaga umiimik minsan. Tukoy ko kay Francine nang muli ko siyang maalala.. Kaya lang, may kakaiba kasi sa kanyang mga mata. Para bang nawalan nang sigla o dahil nalulungkot lang talaga na muling mag-isa dito sa dorm nito.


           Magiging pabor nga yun sa kanya kung sakali. Hugot ko nang malalim na paghinga, mababawasan ang stress niya dahil sa akin.. Yung oras na nilalaan nito tuwing inaasikaso- pinagsisilbihan niya ako. Matututukan na niyang muli nang husto ang pag-aaral at pagtatrabaho sa university.


                Natigilan ako sa paghaplos sa aking tyan nang marinig ko ang mga yabag papalapit sa aking kinaroroonan.. Kunyari, inaayos ko yung kanyang mga librong nasa ibabaw nang kama.  Kaya yun ang naabutan nito pagpasok niya sa loob nang kuwarto.


             ''Ahm- ako na dyan!" Saway nito. Pero kunwa'y hindi narinig ang kanyang sinabi at pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa. Galing ito sa  labas- sa may kusina upang magligpit nang aming pinagkainan.  Samantalang ako, pagkakain naglinis na ako nang katawan tapos diretso kuwarto. Ako na nga yung nakikitira pero ako pa itong pinagsisilbihan nang husto..


             "Saan mo dadalhin ang mga yan!?" Takang tanong ko nang binitbit ang iba nitong gamit at akmang lalabas nang kuwarto. 


             ''Sa may sala muna ako, mag-aaral habang hindi pa ako inaantok.  Para hindi kita maistorbo.." Kulang sigla niyang tugon.  Bago tuluyang lumabas nang silid.  Napabuga nalang ako nang hangin. Oo nga at kailangan kong matulog nang maaga dahil sabi sa akin nang OB- ko. Bawal akong magpuyat, ma-stress- basta madaming bawal at makakasama  sa baby ko.


                Noong una, inaamin kong-  hindi ko talaga tanggap itong kalagayan ko. Itong hindi inaasahang pagbubuntis ko, dahil wala talaga to' sa plano ko- dahil ang dami ko pang gustong marating.. Feeling ko naging sagabal siya sa lahat, sa pangarap ko sa hinaharap ko. Pero habang tumatagal at ramdam kong lumalaki na yung nasa aking sinapupunan, parang hindi ko din inaasahan sa sarili kong unti-unti ko nang natatanggap.


               Lalo na nang nag start akong maglihi. Sobrang hirap, kaya doon ko lalong naramdamang mahal na mahal ko pala ang aking anak. At paulit-ulit akong humihingi sa kanya nang kapatawaran at nangangakong babawi sa lahat nang aking pagkakamali at pagkukulang.


           Pero ang lahat nang pagbabagong iyon, hangga't maari gusto kong sarilinin nalang.. Nakakahiya din kasi kay Francine- lahat nang pinaggagawa ko at ang isang binabagabag nalang nang isip ko. Ay yun kung papaano ko ipagtatapat sa mga magulang ko ang lahat nang ito.  Lalo na at sobrang laki  rin nang expectation nila kay Jared, sa relasyon naming dalawa.


            Hindi lang tiwala ko ang kanyang sinira, maging ang buong tiwala nang mga magulang ko. Dahil, ganun ganun nalang para takbuhan ang responsibilidad niya sa akin! Basta, galit ako sa kanya, kinamumuhian ko sya--.

               

               ''Oh- bakit yan!?" Muli kong puna. Natapos na kasi nitong maalis at nailabas ang mga gamit sa eskwela, nang bigla niyang kinuha ang sariling kumot at isang unan na malaki.. Akala ko ba mag-aaral- bakit kailangan pati gamit pantulog bibitbitin din niya.


"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon