Althea pov..
"Ang ganda naman dito!" Namamanghang bulalas ni Francine matapos naunang bumaba nang sasakyan. Kaagad naman akong napasunod dahil tulad niya, excited din akong makita ang aming naging destinasyon.
Awtomatikong napangiti, nang parang batang tuwang-tuwa itong nililibot ang malawak na bakuran nang naturang resthouse. Isang two-storey house at halatang bagong patayo lamang. Kwento pa ni Tita Ashtrid, caretaker lang ang syang namamahala. At twice a week lang kung pumunta, para magcheck at malinis sa loob nang bahay. Maging dito sa may bakuran, para magdilig nang mga halaman.
Nangingiti parin ako, sabay napapa-iling habang pinagmamasdan ko sya. Talaga namang napakaganda nang lugar na pinagdalhan sa amin ni Tita.. Kitang kita yung view nang taal lake at napaka-aliwalas, sobrang nakakarelax. Kung maari lang sana, dito nalang ako habang-buhay- Kasama sya.. Kusang bulong nang aking puso.
Dahilan upang unti-unting naglaho ang mga ngiting iyon sa labi ko. Matapos ko din maramdamang parang may malamig na hanging humaplos sa aking puso. Habang hindi inaalis ang mga mata ko kay Francine.
Wala akong idea kong anumang meron sa aming dalawa. Dahil sa totoo lang, bago sa akin ang lahat nang ito.. At yung tungkol sa namagitan sa aming dalawa- mas pinili kong huwag nalang pag-usapan pa. Ang mahalaga, nakakaramdam ako nang kakaibang saya- sayang hindi maipaliwanag sa sarili at gusto ko syang makasama.
Tsaka, ni wala sa aking hinagap na mangyayari ang lahat nang ito. Ako!? Makikipag relasyon sa kapwa ko babae- nang huli kong e-check ang sarili. Straight parin naman ako- just go with the flow nalang siguro. Na sa tingin ko, pareho din naman kami ni Francine. May boyfriend sya pero mqsaya kung ano mang meron ngayon sa aming dalawa. Basta, bahala na..
Dahil buong buhay ko, natuon nalang lahat nang oras ko sa mga pangarap ko. Nang buong atensyon ko sa mga gusto kong marating sa buhay. Parang, lahat nakaplano, dahil andyan ang mga magulang kong nakasuporta. At- kasama sana si Jared sa lahat nang iyon.
Subalit, sa hindi inaasahang pagdating nang munting anghel sa aking sinapupunan. Unti-unti nitong binago ang lahat- as in sobrang dami siyang binago sa buhay ko. Kaya ngayon, wala na akong ibang hangad. Kundi ang mapalaki ko sya nang maayos at manatiling may takot sa Diyos.. Kusang kumilos ang isang palad ko, marahan at masuyong hinimas ang ramdam kong lumalaki ko nang tyan--
"Para syang bata no!" Nagulat pa ako nang biglang nagsalita si Tita Ashtrid. Ni hindi ko namalayang nakatayo na pala ito sa tabi ko at matamang pinagmamasdan si Francine. Dahil hanggang ngayon, wala paring kasawaang nagpaikot-ikot sa napakalawak na bakuran. At punong-puno nang iba't ibang uri nang halamang namumulaklak.
"Magkababata pala kayo at parehas nang passion sa buhay.." Turan pa niya. Matapos naming magkwentuhang tatlo sa loob nang sasakyan kanina. Nalaman na din nitong ang matalik niyang kaibigan ang syang may hawak kay Francine.
Hindi naman sa lahat ay pareho kami, sa pagiging isang modelo lang siguro.. Pero sa ibang talento- sa pagkanta talaga ang hilig ko. Samantalang si Francine, sa pagsasaway naman sya mahusay.
"Pero infairness nakakatuwa yang kaibigan mo at buti nalang meron din sya. Pasalamat ka talaga, dahil kung wala sya- malamang tinuloy mo ang pagpapa-abort nang wala sa oras. At malamang, buong buhay mo itong pagsisisihan." Seryoso nitong litanya.
Dahilan upang awtomatiko akong napabaling sa kanya. At seryosong napatitig, sabay napahugot nang malalim na paghinga. Tama sya kung wala si Francine, ewan ko lang kung anong nangyari sa akin..
BINABASA MO ANG
"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)
RomanceGirltogirl story... Magkababata sina Althea at Francine dahil magka sanggang dikit din ang kanilang mga magulang (Ina). Hindi lang sila basta matalik na magkaibigan, para na silang magkapatid. Si Althea ang nagsilbing ate dahil mas mata...