Francine pov..
Ano kayang ginagawa ni Althea ngayon sa dorm- tulog pa kasi ito nang umalis ako kanina. Paano halos magdamag yatang umiiyak, sobrang awang awa ako. Kaso, ano pa bang magagawa andyan na yan-- "Aray!!" Inis kong daing nang bumatok sa akin.
Mabilis ko tuloy binalingan ang aking kaibigan na si Ligaya.. Ewan ko ba, masyadong mapili yung nanay nya at yun pa ang naisipang ipangalan sa kanya. ''Ano bang problema mo!?" Kunot noo kong patanong. Hinimas himas ko pa ang likod nang ulo kong nasaktan.
Lunch break na, kaya kasalukuyan kaming naglalakad patungong cafeteria nang university.
"Paano ba naman kasi, kanina pa ako kwento nang kwento saiyo hindi mo man lang ako pinapakinggan. Tapos ngingiti ngiti ka pa dyan, sabay hinga nang malalim. Sabihin mo lang at ipapa mental na kita!" Turan nang matinis niyang boses. Kunyari pa akong napa takip nang tainga."Pasensya naman daw at marami lang akong iniisip.." Pabiro kong paliwanag. Iniisip ko lang si Althea at yung dinadala nya--
''Ang sabihin mo, iniisip mo na naman yung ex-boyfriend mo na gustong makipagbalikan saiyo.." Nah, si Oliver-- naging boyfriend ko sya noong grade 7 kami. Nagtagal din kami nang halos- buong school year.Diba aga kong lumandi! Wala, puppy love lang yun at bored lang ako noong panahon na yun dahil nagkakalabuan ang pagsasama ni Mama at Papa-
Pero wale e, tuluyan na silang naghiwalay noong grade 8 na ako. Napa hugot tuloy ako nang malalim na paghinga. Ngayon nga-- hindi ko na alam kong nasaan si Papa, wala na akong balita simula nang pinalayas sya ni Mama--
"Oliver, Oliver... in fairness mas pomogi sya ngayon at patay na patay parin sya saiyo daayy!?" Parang tangang kantyaw sa akin ni Ligaya. May pa tili tili pa ang landi. Napapa iling na lang ako. Ayoko munang mag love life, sagabal lang yan sa pag-aaral ko. Kahit nga-- kung tutuusin hindi ko afford mag-aral sa university na ito. Naglakas loob parin akong dito mag aral nang kolehiyo kahit na, kinailangan kong magsinungaling kay Mama.
Napapa ngiwi nalang ako.. Akala kasi niya, scholar ako dito kaya pambayad lang nang dorm at konteng allowance ang pinapadala nya sa akin kada buwan. Hindi nito alam, pinagtatrabahuan ko ang pinambabayad ko nang tuition. Ang propose ko lang, dito kasi nag enrol itong si Ligaya at- para mapalapit na muli ako sa dati kong kababata.
Muli akong napa hinga nang malalim. Kaya kahit anong papansin ni Oliver sa Facebook sa akin, inignora ko nalang.. Buti nga sa ibang university ito nag-aaral e, paano nalang pag dito- tiyak araw araw akong kukulitin nun.
"Bilisan mo na nga maglakad dyan. Nagugutom na ako!" Hila nito sa braso ko. "Huwag mong isipin nun mahal ka nun!" Hindi nga ako makulit kulit ni Oliver nang personal, meron naman itong kaibigan kong substitute nya.. hayss!!
Halos kaladkarin na niya ako dahil nga sobrang patpatin ko.Buti pa sya medyo nagkakalaman na- paano kasi lamon nang lamon--
Nasa entrance na kami nang cafe nang may mahagip ang aking paningin. Bigla tuloy akong napa hinto at- pabalyang inalis ang kamay ni Ligaya na nakakapit sa aking braso.JARED ESPINOZA! Tiim bagang kong turan. Naka suot sya nang baseball cap at naka shades ang put-- talagang pinagtataguan nito si Althea. May mga kasama ito- mga ka team nya sa basketball at halatang pinagtatakpan sya nang mga ito. Ang tapang nang hiya-- humanda ka sa akin! Gigil na gigil ako sa totoo lang.
BINABASA MO ANG
"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)
RomanceGirltogirl story... Magkababata sina Althea at Francine dahil magka sanggang dikit din ang kanilang mga magulang (Ina). Hindi lang sila basta matalik na magkaibigan, para na silang magkapatid. Si Althea ang nagsilbing ate dahil mas mata...