Special Chapter

2.5K 108 34
                                    

Althea pov..

           "Hi!" Bati nito. Sabay simpleng napa kaway. Na kina lunok ko naman nang sunod sunod, habang magkahinang ang aming mga mata.. Hanggang ngayon, sobrang lakas parin nang epekto nito sa akin. Samantalang halos limang araw lang siyang nawala. At sobrang miss na miss ko na ito.

          "Babe--."

          "Mommy, gutom na ako.." Hindi pa man ako tapos sa sasabihin. Sinisimulan ko palang, nang maagap na sumabat si Alfred.. Lalapit din sana ako, pero kaagad na napahinto. Dahil hila hila na nito ang isang kamay nang Mommy Francine niya.

         "Gusto ko po nang french fries Mommy.." Malambing pa niyang wika. At tila atat na atat na itong lumabas nang department store.

           "Yes my love.." Tugon naman ni Francine. Sabay gigil na ginulo ang buhok nang anak namin. Bago sinimulang humakbang papuntang exit..

         Naiiling nalang ako nang sandaling iyon, dahil sa sobrang pang e-spoiled nito sa bata. Hindi kasi ito titigil nang pangungulit, hangga't hindi ibinibigay ang gusto. Sa akin kasi hindi niya magawa ang ganun. Sinasabihan at sinasaway ko kasi kaagad..

 

          Wala pa nga akong nabibili e! Kibit balikat ko nalang na reklamo sa sarili. Bago nagpasyang sundan ang aking mag-ina. Maagap ding napa sunod sa akin si Aki. Na mas gustong tumira sa bahay kesa kila Mama. At paminsan minsan ding dumadalaw kay Papa. Magkasundong magkasundo kasi ang mag Tito at kinatutuwa ko naman nang husto.

           Mainam kasi yung may kalaro si Alfred, kesa kukuha pa ako nang personal Yaya. Kahit na may kasama naman kaming isang kasambahay. Responsableng bata ang kapatid ko at sa murang edad natutunan nito mga simpleng gawaing bahay.

            Naabutan namin sina Francine sa loob nang isang food chain at nag-oorder na nang makakain.. Napabuga nalang ako nang hangin, bago nagsensyas  kay Aki na maghanap nang bakanteng upuan.


        Tsaka ako tumungo sa kinaroroonan nang mag-ina. At talagang nagpakarga pa yung batang ito. Ang laki laki na ngang damulag e,  kinakawawa nang husto sa pagbuhat ang Mommy Francine nito.

          "How's your flight babe, hmn?" Malambing kong tanong.. At iyon sana yung dapat kong sabihin sa kanya kanina. Sabay pasimpleng idinantay ang aking baba sa kana nitong balikat.

          Na awtomatiko ko pang kina pikit nang mariin, nang masamyo ko ang natural scent nito. Na siyang ma miss ko na din nang sobra.. Tumungo kasi itong Libya, matapos mapag-alamang may taning na ang buhay nang kanyang Papa.

        Nakakalungkot mang isiping mawawalan tayo nang isang myembro nang pamilya. Pero ganun talaga ang buhay, sobrang malala na kasi ang sakit nito. At hindi na magagamot pa. Kaya ang hiling nang Papa nito, makita man lang nito si Francine. Bago lisanin ang mundong ito.

          "Ayos lang! Ang importante safe akong naka balik." Malambing naman nitong tugon.. Na awtomatiko namang kina silay nang aking mga ngiti. Tumawag kasi ito kanina at sinabi kong nandito kami sa Mall. Kaya ang akala ko dumiretso na siya nang bahay.

           Hindi na ako muling nagtanong dahil tapos na itong nag order.. Siyempre, alam na din nito kong anong favorite ko.. Magka hawak kamay kaming tumungo sa may bakanteng lamesa sa sulok. Na syang pinili ni Aki.

        Hindi naman maiwasang maka agaw kami nang atensyon. Lalong lalo na sa akin, pero hindi naman lingid ang tungkol sa aming relasyon. At ipagsisigawan ko sa buong mundo kong gaano ko siya kamahal.. Sobrang mahal na mahal at wala na akong mahihiling pa.

"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon