Chapter 2

2.9K 101 7
                                    

Althea pov..

            ''Buntis ka!" Pag uulit nito. "Saiyo yung pregnancy test kit, dahil nakita ko kanina noong nalaglag ito mula sa kamay mo. Bago ka palang maka labas sa pintuan nang comfort room.." Litanya pa nya. Dahilan para awtomatiko akong muling napa baling sa kanya. "Kaya nga hinabol kita diba!''


             Seryoso  itong naka titig sa akin kaya nakipaglabanan ako nang tingin-- pero hindi ko man lang mabasa ang eksaktong ekspresyon nang kanyang mukha sa sandaling ito. Kung sabagay, ano naman ngayon, ano naman sa kanya kong b-buntis ako! May maitutulong ba sya kung sakali!?


               "So what!!" Sarkastiko kong bigkas. "Ano namang pakialam mo!?" Humakbang ako palapit dito.. " Ipagkakalat mo ganun ba- para ano, para sumikat ka.." Matapang ko pang turan na marahan naman niyang kina atras..Anong sa palagay nya, makakalimutan ko ang nangyaring eskanadalo noon.


            Simpleng away bata lang sana, pero biglang nakialam ang parents niya! Hindi naman sana malalaman nang parents ko kung walang  nangialam at nagparating sa kanila..Syempre wala na akong nagawa nang nakialam na din ang mga ito. But, in the  first place-  sino ba ang nauna- sila! Pinagtatanggol lang ako nang parents ko.


            Kunsabagay, ganun naman talaga ang  buhay nila, ang gustong gusto nilang ginagawa. At- dun sila masaya, ang makialam at manira nang buhay nang ibang--


           "Gusto lang naman sana kitang e congratulate.." Wika nito na kina kunot naman nang aking noo.  Congratulate?? Joke ba to! Ako nga, hindi ko na naisipan ang bagay na yan. Dahil para sa akin-- isa itong mabigat na problemang kinakaharap ko ngayon!


            "A-althea.. kung ano man sana ang mga nangyari noon-- kalimutan nalang natin!?" Naalangan nitong sabi. Na lalo ko lang kina kunot nang  noo. Wala din sa loob ko nang basta nalang napa tawa nang pagak.


            Magmula kasi nang araw na yun, hindi na kami nagpansinan pa. Masakit para sa akin na sabihan sya nang Mommy nya na hindi daw ako dapat kinakaibigan. Kundi- sa mga katulad lang nilang mayayaman!


               Oo, hindi kami mayaman pero  nagsusumikap ang magulang ko para maitaguyod at mapaaral kami nang maayos nang bunso kong kapatid sa magandang eskuwelahan. Lalo ngayon na kumikita na ako para sa sarili ko, kumbaga kaya ko nang buhayin ang sarili ko. Abutin ang mga pangarap--


             Pasimple akong napahawak sa aking puson.. Kaya hindi pwedeng humadlang ang dinadala ko sa pagtupad nang mga pangarap ko!


         "Hindi ako- nagbibiro Althea.." Turan nitong muli. Pwes, hindi din ako nagbibiro.. Sa palagay ba nya, maniniwala ako sa mga sinasabi niya! Nagulat pa ako nang ilahad nya ang kanang kamay ito sa harapan ko..   "Matagal ko nang gustong--"


                 "J-jared!!" Tawag ko sa isang pigura nang lalaking nasa may kadilimang bahagi nang park. Bigla nalang itong kumaripas nang takbo, na kina kabog nang husto nang dibdib ko. Hahabulin ko sana nang may dalawang kamay na kumapit sa kaliwa kong braso.


             "Bitawan mo nga ako!!" Angil ko. Pilit kong binabawi ang  braso ko, pero sobrang higpit ang hawak ni Francine sa akin. Kailangan kong habulin si Jared, b-bakit ba sya biglang umalis!? Narinig ba nito ang pinag-uusapan namin--


                "Huwag mo na syang habulin, makakasama sa dinadala mo kong tatakbo ka nang matulin.." Pigil nitong turan. Bago nya ako binitawan. Ano nang klaseng pag-iisip meron--


"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon