Chapter 10

1.8K 74 12
                                    

Althea pov..

                 Nagpalipat lipat ang tingin ko kay Francine at sa babaeng nasa harapan ko ngayon na tinawag nitong Mama.. Teka- Tita Fiona?  "Mama- ano pong ginagawa ninyo dito!?" Maagap na hinila Francine ang braso nang Mommy nito para sa kanya mabaling ang atensyon.

               Kasi sa totoo lang, hindi ko  din malaman ang  gagawin nang sandaling iyon..Hindi ko inaasahang sa ganito kami magtatagpo pagka lipas nang mahabang panahon. Parang napaka awkward din yung sitwasyon, pag maalala yung nakaraan kung papaano sila nagbangayan nang nanay ko noon.

               Sunod sunod akong napalunok.. Hindi ko alam kung papaano ko sya pakikiharapan..Tsaka ano nalang ang sasabihin nito, bakit andirito ako nakisiksik sa apartment nang anak niya.  Tiyak maraming katanungang--

               "Aba e masama bang dumalaw sa aking anak.." Rinig ko namang turan nito."Namimiss na kaya kita anak, tsaka diba birthday mo na sa makalawa. Alam kung busy ka lagi sa school at kung ano ano kaya ngayon ko na naisipang e-celebrate ang kaarawan mo nang magkasama..'' Litanya pa ni Tita Fiona. Pasimple naman akong nakikinig. Pag baling ko kay Francine, pansin ko ang pamumutla nang mukha nito. Halatang kabado din sya katulad ko.

               "Ahm- kaya lang, mali yata yung unit na napuntahan ko.." Biglang baling nito sa akin. Lihim naman akong napasinghap, hindi kasi ako makakilos sa aking kinatatayuan. "Pero, pagka tanda ko naman e-."

              "Ah.. Eih! Tama naman po Mama. Pero- mabuti pa siguro sa loob nalang natin to pag-usapan." Napapa ngiwi tuloy  na wika ni Francine. Sabay mabilis na inakay ang Mommy niya. Kaya lang, bago sila tuluyang maka pasok sa loob tinawag muna nito ang lalaking may dala dalang sako na may lamang buko. Mabilis naman itong sumunod. Heto na naman yung pagki-crave ko sa niyog, pagka titig sa bitbit nito.

              Napasinghap sabay biglang nanlaki ang ang aking mga mata nang  maalala yung suka- yung sinuka ko sa may CR hindi ko pa pala nalilinis iyon.. Sa sobrang taranta, mabilis pa sa alas kuwatrong kumilos ako patungong banyo.  Rinig ko pa nang nagsalita si Tita Fiona na kailan pa daw nagkaroon si Francine nang kasama dito sa dorm nito. Kaya lang, wala na doon ang atensyon ko kundi pagtuunan ang naiwan kung kalat sa loob nang banyo.

           Tsaka bigla ko din naalala yung tungkol sa pagbubuntis ko  Bukod kay Francine, hindi pwedeng may ibang makaalam tungkol dito. Kahit pa kay Tita Fiona, hindi nito pwedeng malaman ang aking kundisyon..  Sunod sunod tuloy akong napapabuga nang hangin sabay punas nang pawis ko sa noo.. Gamit ang likod nang palad ko. 

               

                 "Tamang tama pala yung in order kung buko Mama, para maka gawa tayo nang favorite mong buko salad." Wika ni Francine nang saktong nalinis at naayos ko na yung banyo.  Dahilan upang ako'y mapa kunot noo- sa akin iyon eh, ako ang nagpa kuha nun! Magpoprotesta na sana ako, kaya lang paglabas ko nang banyo sakto namang napabaling si Tita Fiona sa akin.

                 Natitigilan nalang ako at hindi malaman ang gagawin.  Lalo nang marahan itong humakbang papalapit sa aking kinaroroonan. Lalo lang dumagundong ang kabog nang akong dibdib. Wala sa loob nang mabilis akong napa iwas nang tingin.  Mukhang nakikilala na yata ako nito- sesermunan kaya nito ako- papalayasin.. Hindi pwedeng masira lahat nang plano ko nang ganun nalang.  O kung ganun man, di itutuloy ko nalang ang pagpapa laglag nang bata sa-

                  "Mama.." Bigkas  ni Francine. Habang nasa may likuran nang Ina at mukhang hindi makakilos sa kinatatayuan. Gosh! Bakit kasi hindi man lang nagpasabi si Tita na darating sya- o di kaya, kung hindi sana sumama yung pakiramdan ko.  Hindi sana ako nadatnan dito at nakalusot pa sana kami.  Pero ngayon mukhang--

"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon