Francine pov..
Pakiramdam ko sobrang stressed ang buong araw na ito. Unang una- yung babaeng iniwan ko sa dorm, halos buong araw ko syang iniisip. Oo sabihin na nating, hindi na yun bata-- malaki na sya at kaya na nya ang sarili nya. Hindi ko parin kasi maiwasang mag-aalala sa kalagayan nito.
Pangalawa- yung Jared.. Paulit ulit kong pinag-isipan yung offer sa akin, hayyss.. sakit sa utak! Pero ang ending, yung sitwasyon parin ni Althea ang nanaig sa akin. Yung kalagayan nito at sa magiging anak niya--
Nasa tapat na ako nang pintuan nang dorm nang bigla akong natigilan. Napa kunot noo sa pagtataka dahil masyado yatang tahimik. Sanay naman ako sa tahimik tuwing umuuwi, kaya lang kasi alam ko namang hindi lang ako ang nasa dorm. Dahil may iniwan akong tao-- Althea!
Bigla nalang akong sinalakay nang kaba, nang pumasok sa isip ko- paano kong-- napa hawak ako sa doorknob. Medyo nabawasan ang aking kaba dahil hindi ito naka lock. Ibig sabihin mali yung kutob kong baka umalis ito. Hayyss salamat naman kong ganun. Madadgdagan na naman yung pag-aalala ko.
Tuluyan ko nang pinihit ang handle nang pinto sabay tulak-- bat ang dilim! Hindi man lang sya nagbukas nang ilaw. Napa hugot ako nang malalim na paghinga sabay dahan dahang binaba ang aking mga bitbit. Konte lang naman, mga gamit ko sa pag-aaral tsaka yung uniform ko sa school at sa trabaho. Tapos dumaan na din ako sa may kanto at mamili nang lutong ulam na kasya lang sa aming dalawa.
Kinapa kapa yung switch nang ilaw, nang may tumunog tsaka biglang nagliwanag ang buong paligid. Napa takip pa ako nang mga mata dahil nabigla kaya nasilaw ako at nagtagal nang ilang segundo. Sabay dahan dahan inalis ang aking palad at kina kurap kurap nang aking mga mata.
"A-althea!?" Tawag ko. Heto na naman at nabubulol na naman ako. Parang tanga lang! Naghintay ako kong may sasagot pero wala o baka tamad lang. Hmp! Alam ko namang may galit parin sya sa akin at napilitan lang syang nag stay dito.
Sinara ko nalang yung pinto pagkatapos nun inabala ang sarili ko sa mga dala ko. Inuna ko muna yung pagkaing naka lagay sa mga paper box. Ipinatong ko sa ibabaw nang maliit na lamesa- natigilan dahil pansin kong malinis ang kusina pati ang lababo ay walang kahit anong hugasin.
Kumain kaya yung taong yun! Napa kunot noo na naman tuloy ako bago ko binalingan yung iba kong bitbit. Pero biglang nagbago ang isip ko, unahin ko nalang munang e-check si Althea sa kuwarto. Kaya naman humakbang na ako patungong pintuan, hinawi ang kurtina- bukas ang pinto pero naka patay din ang ilaw pati sa kuwarto.
Hay naku! Napa buga ako nang hangin. Hahakbang na sana akong muli nang biglang natigilan dahil may isang bagay na naka hambalang dito sa pintuan. Wala tuloy sa loob kong binukasan ang ilaw nang kuwarto at--
"Althea!!" Nanlaki ang dalawang mata ko nang makita ko syang naka handusay sa sahig at mukhang walang malay. Diyos ko.. Yung kabog nang dibdib ko kanina domoble na yata. N-n.. nag suicide na yata.. iyon ang unang unang pumasok sa utak ko bago ko sya dinaluhan.
Althea naman!! napa luhod ako sa harapan nito sabay hawak sa magkabila niyang balikat. Marahan ko itong niyugyog habang napa lunok nang sunod sunod. Gising.. please gumising ka. Hinaplos ko ang pisngi nitong namumula--
"Hmmnn..." Ungol nito sabay kilos nang marahan. Buhay... Hinga ko nang maluwag. Kaya napa buga nalang ako nang hangin at wala sa loob na nanatili ang kamay ko sa pisngi nito. Sabagay, wala naman kahit anong bahid nang dugo sa paligid para isipin kong baka nag laslas sya nang pulso. Wala din akong makitang lubid- para sabihing nagbigti!
BINABASA MO ANG
"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)
RomanceGirltogirl story... Magkababata sina Althea at Francine dahil magka sanggang dikit din ang kanilang mga magulang (Ina). Hindi lang sila basta matalik na magkaibigan, para na silang magkapatid. Si Althea ang nagsilbing ate dahil mas mata...