Francine pov..
"Tawagan mo lang ako ha kung sakaling- nakapag-isip kana.." Napapahugot nalang ako nang malalim na paghinga. Habang nakatitig sa hawak kong calling card. "Maghihintay ako Francine anak.." Muli ay napahugot ako nang hininga, bago isinilid ang naturang card sa aking wallet..
"O- yung bababa nang San Gabriel andito na tayo!!" Hiyaw nang konduktor. Na umagaw nang atensyon sa aming mga pasahero.. Dahilan din upang, maagap akong kumilos at inayos ang mga pasalubong kong dala.. Kay Mama at sa aking- mag-ina..
Hindi ko mapigilang mapangiti nang mapait. Dahil sa kabila nang sayang aking nararamdaman, kaakibat parin nito ang hindi mawala-walang takot at pangamba sa aking dibdib. Hindi pa dapat ako uuwi, kaya lang nangako ako kay Althea at ayokong sumama lalo ang loob nito.
Pagbaba ko sa naturang bus Station ay saktong takip silim.. Saktong hapunan ay makakarating na ako sa aming munting tahanan. Kaya nagmamadali na akong sumampa sa loob nang tricycle na tumapat sa akin. Pagkabanggit kung saang sitio ako- awtomatiko na nitong pinaharurot ang sasakyan.
Panay naman ang paghugot ko nang malalim na paghinga. Maraming bumabagabag sa aking isipan- dumagdag pa si Tita Alicia. Noong aksidente akong nakita, may isang linggo na ang nakakaraan. Malamang, hinihintay nitong tawagan ko sya, kaya lang hindi ko madesisyuhan ang bagay na yun. Kailangan ko munang maka-usap nang masinsinan si Mama..
Basta- masyadong maraming pumapasok sa utak ko-- "Miss singkwenta lang.." Biglang turan ni kuyang driver. Ni hindi ko namalayang naka hinto na pala ang sinasakyan kong tricycle. Masyadong inookopa ang utak ko nang kung ano-ano..
Pagka-abot ko nang bayad, mabilis na akong umibis nang sasakyan. Tabing kalsada lang naman ang kinatitirikan nang aming munting bahay.. Isang Bungalow house na may dalawang kuwarto at kahit papaano kongkreto naman ito.. May gate na bakal pero hindi naman iyon naka-lock, tiyak kong hinihintay na nila ang pagdating ko..
Kaya naman, excited na din akong humakbang patungong pintuan.. Na bahagya ding naka-awang dahilan upang bigla nalang akong natigilan. Lalo na nang tila may nauulinigan akong mga boses sa loob. Mga nag-uusap usap at pamilyar na mga himig- nagdalawang isip tuloy ako kong itutulak ko nalang basta yung pintuan.
Pero mas pinili ko nalang katukin nalang iyon nang marahan.. Kaya bigla ding natahimik ang buong kabahayan- subalit wala paring nagbubukas nang pinto.. "Sandali lang!" Rinig ko ang boses ni Mama. Na awtomatikong kinakabog nang dibdib ko nang hindi maipaliwanag. Nang hindi ko natiis at muling kinatok ang pinto..
"Francine anak!?" Halata ang pagkagulat nito nang makita ko. Mukhang hindi yata nasabi ni Althea sa kanya na uuwi ako ngayon--.
"Francine.." Mula sa likuran ni Mama. Ay bigla nalang sumulpot ang taong hindi ko inasahang makikita nang sandaling iyon.. At sa hinaba hiba nang panahon- kung kailan nag-uumpisa na akong sya'y kalimutan.. Saka naman--. "Anak.." Dinaluhan niya ako nang mahigpit na yakap.
B-bakit- ano bang nangyayari!? Hindi ko mapigilang itanong sa sarili, habang yakap ako ni Papa nang sobrang higpit.. Ni hindi ko magawang gumanti sa sobrang pagkabigla- ni hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Hindi ko din alam kong a-ano bang dapat kung maramdaman..
"Naku- kayong mag-ama, pumasok na kaya kayo muna dito sa loob.. Tsaka kayo mag moment diyan.." Puno nang siglang turan ni Mama. Dahilan para, kaagad naman akong binitawan nang aking Ama. Ni hindi pa man ako nakaka-tugon nang akayin ako nito.. Nang basta nalang niyang kinuha ang mga bitbit kong kaunting pasalubong.
BINABASA MO ANG
"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)
RomanceGirltogirl story... Magkababata sina Althea at Francine dahil magka sanggang dikit din ang kanilang mga magulang (Ina). Hindi lang sila basta matalik na magkaibigan, para na silang magkapatid. Si Althea ang nagsilbing ate dahil mas mata...