Althea pov..
"Mama.. Kasalanan ko po.." Dahan dahan akong nagmulat nang mga mata. At bumungad sa akin ang humihikbing si Francine, yakap yakap si Tita Fiona. Nakatayo sila pareho malapit sa kinahihigaan ko, habang masuyo naman syang inaalo nang huli. Huli kong natatandaan- dinugo ako tapos dinala ako ni Francine dito sa hospital.
"Tahan na anak, huwag ka nang magpanic dyan. Magiging maayos din ang lahat!" Turan naman ni Tita Fiona. Mukhang hindi pa nila napansing gising na ako kaya hinayaan ko nalang muna ang dalawa. Lalo at nakaramdam parin ako nang panghihina, pero alam ko namang ligtas na ako. Ligtas na kami nang baby ko, kusang sumilay ang ngiti sa aking mga labi.
Marahan akong kumilos at masuyo kong hinaplos ang aking puson-- "Francine, gising na sya.." Nang marinig kong wika ni Tita Fiona. Dahilan upang, marahan na akong kumilos, bumangon mula sa pagkakahiga. Sinandal ko ang aking likod sa headboard nang kama.. Habang naka-swero ang kanan kong braso..
Awtomatikong nagbaling si Francine sa akin. "Althea.." Basta nalang akong dinaluhan nang mahigpit na yakap. Ni hindi pa ako nakakatugon nang hindi inasahang bigla nalang akong hinagkan nang mariin sa labi. At alam kong kitang kita iyon nang Mama nito nang sandaling iyon.
Bigla tuloy akong nakaramdam nang nahiya, lalo na at kita ko ang pagka-gulat sa mukha ni Tita Fiona. Pero, bigla namang napa-iwas nang mukha nang nagbaling sa ibang direksyon.
"Sobra mo akong pinag-alala, alam mo ba yun!?.. I'm so sorry, pangako hinding hindi ko na iyon uulitin.." Hikbi ni Francine. Matapos nitong masuyong ikinulong ang magkabila kong pisngi nang kanyang mga palad. Habang hilam nang luha ang kanyang mga mata.
"Hinding hindi na.." Sunod sunod pa syang napapa-iling. Kumilos naman ako at napapangiting pinahid ang kanyang mga luha. Gamit ang isa kong palad, tsaka napakagat nang pang-ibabang labi.
Kung tutuusin wala naman syang kasalanan sa nangyari. Hugot ko nang malalim na paghinga pagkatapos. Oo, kabilin-bilinan nang OB- ko na bawal sa akin ang nai-stress. Pero hindi naman sya yung dahilan, kung bakit ako dinugo. Dahil naramdaman ko ang paghilab nang aking tyan, pagkatapos tumawag si Jared.. Masyado ko kasing dinamdam iyon, kung bakit pa sya nagparamdam sa kabila nang nangyari. Lalo na tuwing naalala ko yung pag-iwan nito sa akin. Sa amin nang anak ko, sumisikip ang dibdib ko.
"Napag-usapan na namin ni Francine na- pagkalabas mo nang hospital. Sa bahay na tayo dumiretso, para doon makapagpahinga ka nang maayos.." Hugot nang malalim na paghingang litanya ni Tita Fiona. Dahilan upang maagap akong binitawan ni Francine at halos sabay na napabaling. At sa akin nakafocus ang kanyang mga mata.
"Sabi nang Doctor na bawal sa saiyo ang masyadong magkikikilos dahil mahina ang kapit nang bata. Kailangan nang ibayong pag-iingat at sapat na tulog at pahinga.." Dugtong pa nya.
"A-ayos lang ba yun saiyo..hmn?" Masuyo namang turan ni Francine. Sabay haplos sa kaliwa kong pisngi. Pasimple tuloy akong napapalunok, sabay iwas nang tingin kay Tita Fiona..
Hindi ko kasi maiwasang makaramdam nang kaba at bahagyang pagka-ilang nang sandaling iyon. Baka kasi- makahalatang may namamagitan sa amin nang anak niya. H-hindi ko kasi sigurado kong handa na ba akong may ibang maka-alam tungkol sa bagay na iyon. Lalo na sa mismong magulang--.
"I-kaw lang naman kasi itong inaalala ko e.." Pagkuwa'y nagsalita si Francine.. Hindi kasi ako makakibo, hindi ako makapagdesisyon- hindi malaman ang gagawin. Pero ramdam ko ang pag-aalala nila pareho sa akin lalo na si Francine. Kaya, marahan na akong napatango bilang pagtugon at pagsang-ayon.
BINABASA MO ANG
"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)
RomanceGirltogirl story... Magkababata sina Althea at Francine dahil magka sanggang dikit din ang kanilang mga magulang (Ina). Hindi lang sila basta matalik na magkaibigan, para na silang magkapatid. Si Althea ang nagsilbing ate dahil mas mata...