Chapter 34

1.4K 90 40
                                    

Francine pov..

            "Gusto ko lang sabihing-- nextweek na yung binyag ni baby Alfie.. Araw nang Sabado alas diyes nang umaga sa Resurrection Church. Inaasahan ka namin nila Mama." Pormal niyang wika. At hindi nakaligtas sa paningin ko nang pasadahan ako nang tingin. Mula ulo pababa. Bago pasimpleng nagbaling sa ibang direksyon.


            Hindi ko naman malaman kong anong sasabihin- hanggang sa tuluyang lumapit si Grace sa akin.. At walang sabing, hinawakan ang isang palad ko. Dahilan upang napabaling muli sa akin si Althea.. Doon parang nagkaroon ako nang lakas at marahan akong napatango. Habang nakipaglabanan nang titig dito. Kumilos pa ako at gumanti sa hawak ni Grace, nang sobrang higpit.

 
           

           Hindi ko napaghandaan ang pagkikita naming ito. Hindi lang yun- sa anim na buwang lumipas, buong akala ako okay na ako.. Na- nakamove na ako, pero hindi parin pala. Andun parin yung nararamdaman ko-  yung pagmamahal ko sa kanya.. Sa kabila nang lahat nang nangyari, sa kabila nang sakit na dinulot nito sa akin.


          Pero nagpapasalamat ako sa mga kaibigan kong parating andiyan para damayan ako.  Si Ligaya- at itong si Grace, na kahit bulgaran yung pagkakaroon nito nang gusto sa akin. Mas pinili paring maging magkaibigan nalang kaming dalawa, kesa e-persue nito yung kanyang nararamdam. At nakahanda ding akong tulungan anumang oras.

          Alam kong pakana nilang dalawa itong kunwa'y pagsulpot ni Grace' kaya sakyan ko nalang.. Usapan kasi naming kasama siyang kumain, pero nawala na yun sa isip ko.

            To the rescue talaga itong dalawang to'. Kesa mapahiya na naman ako sa harapan ni Althea. "Uhm, s-sige pupunta kami.." Tugon ko. Pilit kong ngumiti sa harapan nito. Kaya lang, kita ko kong gaano siya kasamang tumingin sa kasama ko. Lalo na sa kamay naming magkasalikop.. Pero pilit ko nalang itong huwag pagtuunan nang pansin. Ayoko nang paasahin ang sarili ko--.


          "Okay! Maiwan na kita at hinahabol ko pa ang last day of enrollment.." Seryoso parin nitong wika.. Para bang ako lang ang taong kaharap. Bago kami nilagpasan ni Grace.. Kaya nasundan ko siya nang tingin.


             Gusto ko sana siyang habulin, pero maagap akong pinigilan nang huli.. Nang lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa  kamay ko. Dahilan upang awtomatiko akong natigilan at mabilis na nagbaling sa kanya.


          Kita ko ang pakikisimpatya nang marahan siyang napapa-iling nang sandaling iyon.. "Hayaan mo muna siya!" Hugot pa nito nang malalim na paghingang turan. "Parang wala din lang silbi yung ilang buwan mong pag-iwas-iwas sa kanya.. Lumayo ka pa kung bibigay ka din naman agad agad--."


           "Tama!" Biglang sulpot namang wika ni Ligaya. Dahilan upang awtomatiko akong napabaling sa kanya. "Huwag maging marupok- sayang ang effort!" Turan pa nito. At nagbabanta ang kanyang mga tingin, kaya napapakamot nalang ako nang batok.. Nang pasimple kong binitawan ang kamay ni Grace.


          "Lalo ngayon at- mukhang mag-aaral na rin siya ulit. Hindi maiiwasang magkakasalubong kayong dalawa."


         Napabuga nalang ako nang hangin, habang pilit na hinahamig ang sarili.. Masaya akong- maipagpapatuloy na din nito ang pag-aaral. Wika ko nalang sa isip-isip ko.. Namayani ang katahimikan, habang seryoso nakatitig sa akin ang dalawa.


          "Tara na  nga at kumain.." Pagkuwa'y aya ko. Dahil mukhang masasabon na naman ako. Grabe kasi magsalita itong dalawang to' tagos na tagos. Pero sa akin ayos lang, dahil yun naman talaga ang kailangan ko.


"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon