Francine pov..
"Diba isa sya dun sa mga grupo na nambubully saiyo kanina sa loob!" Pabulong na turan ni Oliver. Sabay akbay nito sa akin na lihim ko namang kina kunot noo.. May pa hug na nga, with akbay factor pa. Kita ko naman kong paano napa tingin si Althea sa braso nitong mokong kong ex-boyfriend na dumantay sa aking balikat. Ang bigat naman! Reklamo ko pa sa loob loob ko.
"Bumalik kana nga doon sa loob, baka mamaya mapagalitan ka pa.." Pasimple kong taboy dito, sabay siko pa sa kanyang tagiliran. Hindi ko din pinansin ang sinabi nito.. Gusto ko lang sanang lumayo layo siya nang konte sa katawan ko.. At tsaka, hindi naman nila ako binully, katangahan ko yun kaya ako pinagtawanan. Kaya ako napahiya.
Ramdam kong lalo lang nitong dinikit ang katawan sa akin na parang nanadya pa. Dahilan upang nakaramdam ako nang pagka ilang. At mas lalo lang sumama ang pagtitig ni Althea akin. Para bang lalamunin ako nito nang buhay.
"Francine, magtawag kana nang Cab para makauwi na tayo!" Pagkuway ma awtoridad niyang utos.. Sabay baling at irap nito kay Oliver. Ah e.. Okay! Tugon ko nalang sa isip ko. Pero hindi pa ako kaagad naka kilos nang muli ako nitong balingan at nagbabantang tingin ang pinukol nito sa akin.
Heto na nga at pupunta na.. Hahakbang na sana ako nang biglang hinawakan ni Oliver ang aking braso. Nagtataka tuloy akong napa baling sa kanya.
"Ako na!" Boluntaryo nyang turan na kina kunot tuloy nang noo ko dito.. Akmang aalis na sana ito nang biglang napa sigaw si Althea.
"Francine ba ang pangalan mo!?" Sarkastikong nitong turan. Dahilan para awtomatikong mapa hinto itong si Oliver.. Pati tuloy ako natigilan nang sandaling iyon. May problema ba sya!? Kanina ko pa kasi napapansing mainit ang ulo nito. O baka normal lang kasi naglilihi na siya- ganun daw ang mga buntis--
"Hindi!!" Matapang namang tugon ni Oliver na kina titig ko dito. "Bakit sino ka ba, ha! Para utos utusan mo siya nang ganyan!" Napa singhap nalang ako at nanlaki ang mga mata sa pagka gulat nang basta nalang magsalita siya nang ganun kay Althea.
Bumaling ako sa huli at kitang kong napa taas nang husto ang isang kilay nung nito. At biglang pinamulaan ang buong mukha sa galit.
Napa awang nalang ang aking labi ni hindi maka depensa habang nagpapalipat lipat nang tingin sa kanila.. Bigla tuloy akong kinabahan sa namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa.
"Bakit, sino ka din ba!?" Balik tanong ni Althea..Ni hindi nito sinagot ang tanong ni Oliver sa kanya. My gosh! Kilalang kilala ko na itong si Althea mula pagkabata, kaya alam ko kung galit na sya. At tsaka, isa pa bawal itong ma stress, dahil ako ang mananagot kay Jared--
"Boyfriend lang naman niya ako.." Tugon nito.. Ha! Oliver-- ano bang pinagsasabi mo. Mukhang nakalimutan mo yata yung word na EX.. Nagbabanta ko siyang tinitigan na tumigil na siya, ngunit bale wala lang yun sa kanya. ''At akala niyo ba hindi ko kayo tinitignan kanina habang pinagkakaisahan ninyo siya doon sa loob!" Patuloy lang nitong litanya.
"Excuse me! Anong pinagkaisahan!? Francine, ikaw nga ang magpaliwanag sa sinabi nang lalaking yan! Mukhang nahihibang na yata siya.." Mataray namang sagot ni Althea. Pagka tapos, nagbabantang titig ang pinukol nitong muli sa akin. Bakit- pati ako dinadamay niya sa-- "I don't care kung boyfriend mo sya, pero huwag siyang bastos! Ni hindi ko siya kinaka-usap kaya huwag siyang sabat nang sabat.. Pagod na ako at gusto ko nang umuwi!" Galit na siya- kaya natuod nalang ako habang naka tutok ang mga mata ko dito.
BINABASA MO ANG
"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)
RomanceGirltogirl story... Magkababata sina Althea at Francine dahil magka sanggang dikit din ang kanilang mga magulang (Ina). Hindi lang sila basta matalik na magkaibigan, para na silang magkapatid. Si Althea ang nagsilbing ate dahil mas mata...