Chapter 36

1.4K 73 47
                                    

Althea pov..

           Marahang napapa-iling si Francine habang magkahinang ang aming mga mata. Kita ko ang pagkabala mula doon, na lihim ko namang kinasinghap nang sandaling iyon. Bago nag-iwas nang tingin at kay Jared naman ako napatitig. Habang karga karga nito ang aming anak.

          Diyos ko lord, tulungan niyo po akong magdesisyon.. Taimtim kong dasal, pagkatapos- mariing pinikit ang aking mga mata.. Sobrang nalilito na ako, h-hindi ko alam kong anong susundin ko.. Kung yung- tinitibok ba nang puso ko- o yung pilit na sinasabi nang aking isipan.


          "Lahat naman tayo, nagkakamali.. Karapatan din nating mabigyan nang isa pang pagkakataon.." Bigla nalang sumagi sa isip ko ang mga katagang yun. Yung mga sinabi sa akin ni Mama.


          P-pero, sino ba ang karapat dapat mabigyan nang isa pang pagkakataon! Sino ba sa kanilang dalawa.. Arghh!! Ang sakit sa utak grabe.. Hanggang sa kusa nalang lumitaw ang imahe ni Baby Alfie, masayang masaya silang naglalaro ni Jared.. Para kaming isang masaya at buo ang pamilya.

       
           W-wala naman sigurong masama kung bibigyan ko si Jared nang isa pang pagkakataon.. Deserve naman niya yun! Masyado na kasing komplikado ang mga bagay bagay, kung sakaling si Francine ang aking pipiliin. Kahit pa- mas matimbang na siya sa puso ko.. Lihim nalang akong napapalunok nang awtomatikong bumilis ang pagtibok nang aking puso. Masyado na din kaming nagkakasakitan. At tsaka- meron din akong gustong patunayan sa sarili ko--.


           "Uhm- guys awat na ha!" Hindi na siguro natiis nang biglang magsalita si Tita Ashtrid.. "Ganito nalang.. Mabuti pa, umuwi muna tayong lahat sa bahay nila momshie Fiona.. Mas mainam kung makapagpahinga muna tayo pare-pareho. Nang sa ganun makapag-isip tayo nang maayos." Litanya pa niyang wika.. Na awtomatiko namang kinamulat nang aking mga mata.


            "Althea--."Rinig kong tawag ni Francine. Dahilan upang kusa akong napalingon sa gawi nito. Kaya lang, pagbaling ko tila may ibinubulong sa kanya nang kanyang- nobya. Na parang tuko parin kong makakapit sa kanya..


           Katulad niyan- mukha namang nakamove-on na nang tuluyan si Francine.. Sa kung anumang nangyari o namagitan sa aming dalawa. Proud na proud pa ngan nitong isinama at ipakilala ang bago, sa aming pamilya.



             Talagang gustong ipamukha sa akin na ganun niya ako kabilis kalimutan.. Kaya karapat dapat lang na Jared ang mabigyan nang chance, kung ang anak ko din lang ang pinag-uusapan. Siya parin ang Ama ni Baby Alfie at nakikita ko namang sincere ito sa lahat nang mga kanyang sinasabi.


           "Mabuti pa nga umuwi na tayo!" Matapang kong hayag. Nang hindi napigilan ang sarili at napapatim nalang ako nang bagang. Sabay napa-iwas muli nang tingin. Sobrang sakit na kasi sa mata yung aking nakikita.. "Nang sa ganun, makuha na namin yung gamit namin nang anak ko.." Dagdag ko pang wika. Ni hindi ko na pinag-isipan pa.


           "Althea anak.." Pagkuwa'y si Mama naman ang biglang nagsalita. Na muli kong kinasinghap. Ramdan ko ang pangamba sa tono nang kanyang pananalita.


             "Y-yan na ba talaga ang pasya mo?" Tanong pa nito sa malumanay na tono.. "H-hindi kita papakialaman sa bagay na yan anak.. Pero kahit anong mangyari, andito lang kami ni Mama Fiona mo." Dugtong pa nitong wika.


           Tsk! Awtomatikong nag-iinit ang sulok nang aking mga mata. Pero pilit kong nilalabanan ang aking emosyon.. Hindi na ako pwedeng magpadala- ayoko nang magkamali ulit..


            "Ma!" Rinig ko na namang nagsalita si Francine. A-t mukhang balak pa yatang magpaawa sa kanyang Ina. Tssk--.  "Total, tapos naman na yung binyag.. Siguro mauna na kami ni Grace- marami pa kasi akong kailangang asikasuhin.." Hugot pa nito nang malalim na paghingang wika.



"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon