Chapter 43

1.6K 90 34
                                    

Althea pov..

            "Jared-  ako na!" Akmang hahakbang na sana ito. Patungo sa direksyon nang pintuan. Pero maagap ko syang pinigilan, nang mabilis kong inabot ang isa nyang braso. Nagsukatan kami nang tingin at pilit binabasa ang nasa-isip nang bawat isa.

           A-ano ba kasing ginagawa ni Francine dito at bigla bigla nalang siyang napasugod.. Samantalang, ramdam ko namang iniiwasan na niya ako. Na hindi ko mapigilan ang sarili at sumasama nang aking loob.  Kahit na, hindi ko naman siya masisi, nasaktan ko ito nang husto at--.

         "Hoy Jared! Kung matapang ka, harapin mo ako ngayon din!!" Nagwawala parin si Francine sa may labas. Na kina-hugot ko tuloy nang marahas na paghinga. Habang walang humpay sa pagkabog nang aking dibdib. Kinakabahan nang husto- hindi dahil sa ginagawang pambubulahaw ni Francine. Kundi- andito kasi si Papa, baka kong anong magawa nito sa kanya.

          Abot langit ang galit nito kay Mama Fiona, baka mamaya- biglang si Francine ang pagbalingan niya. Pero magka-gayunman, nererespeto ko parin kong anumang desisyon nang aking Mama.

         "Sino ba kasi yung babaeng nag-i iskandalo!?" Bigla tuloy nangatog ang tuhod ko. Nang dumagundong ang boses ni Papa sa loob nang bahay. "Ako na nga at titingin--."

            "Pa- huwag!!" Maagap ko na namang pigil dito. At punong puno nang kaba sa dibdib na nagpalipat-lipat nang tingin. Sa Papa ko at Jared. Diyos ko pong mahabagin! Huwag naman po sanang magkaka-gulo. Lalo na at ayokong mapahamak si Francine. "Dito lang kayo, a-ako nang bahalang kuma-usap kay Francine.." Lakas loob kong wika.

           Hindi ko na sila hinintay pang sumagot nang mabilis pa sa alas kuwatrong nagmarcha ako papalalabas nang pinto. Bahala na--. Saktong namang nakasalubong ko si Francine- malapit na ito sa may bukana nang pintuan. Humahangos at namumula sa galit ang buong mukha.

         "Francine!" Singhap kong bigkas. Na awtomatiko din nitong kina-hinto at lalong kina-bilis nang aking puso. At nagtama ang aming mga mata. "A-ano ba kasing ginagawa mo dito!?" Maagap ko syang hinawakan sa isang braso. Kaagad na hinila- papalayo sa may pintuan. Buti naman at napa sunod siya agad nang walang kibo. Tsaka lang ako nagpasyang huminto nang nakalabas na kami nang gate.

            "Bakit ka ba nag-i iskandalo.." Sita ko. Pero sa malumanay na tono. Na kina-buga naman nito nang hangin, habang titig na titig sa akin. Nakatitig pero hindi ko mabasa ang ekspresyon nang mukha nito. "Mabuti pa umuwi kana--."

            "Saan mo nakuha ang mga pasa mo Althea!?" Pranka niyang bulalas. At putol sa sinasabi ko. Na awtomatiko namang kina-awang nang mga labi ko. P-papaano niya nalaman ang tungkol doon-- samantalang wala naman akong pinagsabihan--.

             "Magtapat ka nga sa akin- sinasaktan ka ba nang gagong yun!" Tiim bagang nitong turo sa may pinto.  Kaya maagap ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat.

          N-napa-sugod  ba siya dahil doon!? Bigla tuloy akong nakaramdam nang malamig na hanging humaplos sa aking puso. Hindi parin pala niya ako matitiis--.

            "Ilabas mo ang gago mong boyfriend- hindi ako natatakot sa kanya.. Ipinabuya kita Althea, tapos pagbubuhatan ka lang nang kamay!?" Gigil na gigil niyang litanya.

          Gusto kong mapangiti sa kilig nang sandaling iyon, pero pilit kong pinigilan ang sarili na huwag mapa-ngiti. Kaya lihim nalang akong napa-kagat nang pang-ibabang labi. Habang hawak-hawak parin ang magkabilang niyang balikat.. 

          "Francine.. A-ano bang p-pinagsasabi mo?" Kanda utal ko namang wika at pag de-deny sa nangyari. Sabay mabilis na napa-iwas nang tingin. Totoo namang-- walang kinalaman si Jared sa mga pasa ko e. Pero hanggang ngayon, hindi parin maalis-alis ang kilig na aking nararamdaman.

"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon