Chapter 13

1.5K 94 14
                                    

Althea pov..

                "Halika..  Maupo ka nga ditong bata ka!" Naguguluhang turan ni Tita Ash. Marahan akong inalalayan para maupo sa may couch tsaka din sya naupo sa tabi ko pagkatapos. Ako nama'y parang paslit na inagawan nang laruan habang nagpapahid nang luha. Gamit ang dalawa kong kamay habang walang humpay sa mag-unahang tumulo mula sa aking mga mata.


              Andito kami ngayon sa kanyang boutique at pinaka office na din nito.  Sinadya kong kaming dalawa nalang ang naiwan para-- "May sasabihin ka kamo-  pero nauna pa yang pag-iyak mo dyan..'' Malumanay pa niyang sabi. Marahan nitong hinagod hagod ang aking likod.  "Di ba dapat masaya tayo ngayon at nagce-celebrate dahil successful ang lunching nang second album mo.." Tama sya susccesful nga- at isa ito sa mga signs na hiningi ko kay God. At ngayon, lakas nang loob naman ang aking kailangan upang masabi ko sa kanya ang aking kalagayan.


            "Don't tell- may balak ka nang huminto sa career mo!" Bigla akong nag-angat nang mukha pagkarinig sa kanyang sinabi.  Alam kong biro lang niya iyon- pero kung papaano kong parang ganun na nga ang mangyayari.. Seryoso itong napatitig sa aking mga mata.


                 "T-tita.." Pigil hininga kong bigkas sa aking talent manager.. "B-buntis po ako!" Singhap ko. Pagkatapos ay muli na namang napahagugol. Sabay takip nang dalawang kong palad sa aking mukha. Ayoko syang tignan, sobrang takot akong makita ang kanyang reaksyon nang sandaling iyon.. Namalayan kong wala na sya sa tabi ko habang patuloy parin ako sa paghikbi.


               "Ilang buwan na yan.." Rinig ko syang napahugot nang malalim na paghinga. Habang nakatayo at nakatalikod sa akin. Hindi naman sya galit base sa timbre nang kanyang boses. Pero alam kong dismayado sya- ''Alam na ba ito nang parents mo?    Sinong ama nang dinadala mo- si Jared ba? Bakit hindi ko na kayo nakikitang magkasama.." Sunod sunod nitong tanong at litanya..


              Pinaghandaan ko na 'tong lahat, dahil alam kong isa isa nitong tatanungin ang buong pangyayari.  Kaya lang, hirap na hirap parin akong magsalita, hindi ko alam kong papaano ko uumpisahang ipaliwanag sa kanya ang lahat.


            "M-mag lilimang buwan na po Tita at binalak ko nang ipalaglag noong una--''


           "Huwag!!" Kontra nito kaagad. Dahilan upang mapapikit ako nang mariin.. Hindi ko inaasahang iyon ang kanyang sasabihin. "Huwag na huwag mong gagawin ang bagay na yan Althea.."Hugot nito nang malalim na paghinga. Pagkatapos, muli syang humarap sa akin.


            "Asan ang ama niyan!? Iniwan ka nalang basta nang malaman ang kalagayan mo? Sigurado ako hindi pa yan alam nang parents mo!" Napahalukipkip ito. Sabay mariing napahilot sa kanyang sentido. "Buti naman at nakaisip kang ituloy ang pagbubuntis mo." Dagdag pa nito.


            God! Hirap parin akong makasagot pero hindi maitatangging nakaramdam ako nang kaginhawaan sa dibdib. Dahil may isa na namang taong alam kong mapagkakatiwalaang nakaka-alam sa sitwasyon ko. Hindi ako hinusgahan, bagkus handang makinig sa akin.


              "Please po Tita.. Ayoko po sana munang makarating ito sa parents ko." Naluluha akong sinalubong sya nang tingin. Tsaka, ayoko nang pag-usapan si Jared kaya kaagad kong iniba ang usapan. Wala siyang kwentang tao at kinamumuhian ko sya nang husto.


               "Bata ka, hindi ko alam kung ano pang dapat kung sabihin- kaso.. Andyan na yan!" Muli itong napa-hilot nang sentido.. "So, anong balak mo- itatago mo parin sa lahat yan.. Naiintindihan naman kita hija! Basta andito lang ako lalo pag need mo nang tulong financial.. Basta ipangako mo lang na huwag ka nang makaka-isip ulit na magpa-abort! Naku kung ayaw mo ampunin ko na lang.." Sunod sunod naman akong napa-iling. Tsaka, nangingiti sa huli nitong sinabi.


"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon