Francine pov..
''Ano!?" Napangiwi ako. Matapos akong sigawan ni Ligaya nang sobrang lakas. Halos mabasag yung aking airdrum, kaya maagap na napa-takip sa magkabila kong tainga, gamit ang dalawang kong palad. Tila nahuhulan ko nang ganito ang magiging reaksyon nito at katakot-takot na sermon ang aking aabutin..Kasalukuyang nakahiga sa aking kama at nakabalot nang makapal na kumot nang nanginginig kong katawan.
"May nalalaman ka pang magpapaka-basa sa ulan, tapos hindi mo din pala mababawi yung pag-ina!? Tignan mo tuloy ang nangyari saiyo inaapoy ka na nang lagnat!" Lalo lang akong napa-ngiwi nang sandaling iyon. Habang nakapamewang sa aking harapan at daig pa si Mama kung makapanermon.
"Ano- dadalhin na ba kita sa hospital!?" Hugot pa nito nang marahas na paghinga. Na awtomatiko ko namang kina-iling nang sunos sunod.. Kaya ko pa naman ang sarili ko, tsaka- ininuman ko na nang gamot.. Pahinga lang siguro ang aking kailangan.
"Hay Francine! Nagsisi tuloy ako, kong bakit pa kita sinulsulang pumunta doon.." Tukoy nito sa pagsugod ko sa bahay nila Jared. Dis-oras pa nang gabi at anong napala ko- lalo lang nagmukhang tanga! Tsk!
Tapos, sinabi ko sa kanya lahat- lahat lahat nang nangyari at wala akong kinaligtaang detalye. "Ayos lang ako.." Mahina ko namang tugon. Sabay napasinghot dahil sa lumalala kong sipon. Kasalanan ko din naman e.. Pinagpipilitan ko parin ang sarili kahit wala naman talagang kasiguraduhan ang lahat..
Pagkagaling ko kasi kila Althea, kaagad ko siyang tinawagan nasa sasakyan palang ako. Nakabili na ako nang sariling sasakyan- gamit ang perang ibinigay nang Papa ko. At pinaghirapan kong in-invest.
At hindi napigilan ang emosyon pagkarinig na pagkarinig palang sa boses nang aking kaibigan.. Ni hindi pa nga umandar yung sasakyan umiyak na ako nang umiyak. Umasang, pagkatapos nito- matapos kong mailabas lahat nang sakit. Tuluyan nang mabura ang aking nararamdaman.
Pero bigo ako- dahil kahit anong gawin ko andito parin yung sakit.. At yung pagmamahal ko para kay Althea- mukhang mahirap na itong mabura sa aking puso at buo kong sistema. To the rescue naman itong si ligaya, kaya andito siya ngayon sa apartment ko..
"Dito ka lang.. Ako nang magbubukas nang pintuan.." Bulong sa akin ni Althea. Dahil wala paring humpay ang pagkatok sa may pintuan nang silid. Na lihim ko namang kinabuga nang hangin. Wala naman akong maramdamang kaba- nang sa sandaling yun! Nakahanda naman akong humarap kay Jared kong sakali.
"Natutulog na ako Jared.." Rinig kong seryosong wika ni Althea.. Habang mataman lang akong nakikinig sa may sulok.. "Amoy alak ka!" Dagdag pa niya. Na awtomatiko ko namang kinasinghap. Lumabas para uminom lang nang alak!?
"Konte lang.. Nagpalipas oras lang ako sa may 7/11 at nag dala akong pagkain.. Paborito mo.." Tugon naman nito. Dis oras nang gabi- mukhang meron yatang hindi pagkaka-unawaan yung dalawang to! Heto na naman ako- umasa agad--.
Matulog kana din.. Bukas nalang tayo mag-usap." Tugon naman ni Althea. Bakas parin ang kaseryusuhan sa kanyang himig. Ilang sandali pa- rinig ko nang mga yabag papalayo, na awtomatiko ko namang kinahinga nang maluwag. So- ibig sabihin hindi din sila nagtatabi sa pagtulog.. Buti naman kung ganun..
Nakaramdaman nang kagalakan ang aking puso.. Muling sumara ang pintuan, dahilan upang awtomatiko akong napabaling doon. Maagap na lumabas mula sa pinagkukublian ko sa may gilid nang kabinet.. Nagtama ang aming mga mata ni Althea, hanggang sa tuluyan itong nakalapit muli sa akin.
BINABASA MO ANG
"And.. I couldn't Ask For More" (GxG)
RomanceGirltogirl story... Magkababata sina Althea at Francine dahil magka sanggang dikit din ang kanilang mga magulang (Ina). Hindi lang sila basta matalik na magkaibigan, para na silang magkapatid. Si Althea ang nagsilbing ate dahil mas mata...